Sunday, August 06, 2006

DOWNDOG

kumusta naman iyon? uhm. pila.pila.pila... antay. tayo. pila.

abay iba-iba pala yung sets ng questions sa upcat. aliw. pero pano nila iyon maikukumpara diba? i mean, meron ding halong luck para pumasa. bat kasi nila iniba, diba? take this: student A and student B have different sets of questions. si A ay eksperto sa cell parts, si B naman sa metabolism. pano pag natyempuhan na si A ay may questions tungkol sa cell pero hindi yung parts, kunwari growth. tapos si B yung questions niya may cell parts (instead na growth) tapos meron din nung metabolism. gets mo? kung by chance napunta kay A yung questionnaire ni B, maswerte siya kasi may cell parts. tapos kay B napunta yung kay A, good luck nalang. diba? ang hirap macompare yung difficulties diba? anduga duga talaga.

tapos nag-antay ako dun mula 10 hanggang 1. aba, putik na bocobo iyan. 12.30 diba? bakit biglang 1 pa kami magsisimula. yun tuloy, natapos kami mga 6.30. ano ba??? nag-skedyul pa kayo... ahaha. kamukha ni nico rogelio ang aming proctor. as in. tatay niya ata yun eh.

tapos yung reading compre ang hirap. pero may part dun na kwento nung "my father goes to court", at skinim ko na lang yun. hahaha. thanks mam jam. haha.

touché

Sunday, July 30, 2006

ang stalker na nang-stalk sa akin kanina

Aba! Pagtingin ko sa likod, nandun pa rin siya! yung kaninang nasa likod ko, nandun pa rin! ba naman kasi, mag-isa ako nun! mag-isa, walang kasama kundi ang aking weekly school supplies na binili sa nat'l! tapos, may stalker, sa likod! oo, kanina pa yon eh. mistulang holdaper, o worse, kidnapper, o much worse, may crush sakin (*i'm giving you the permission to say: KAPAL*). HAHA. pero, kwento ko na nga.

naglalakad ako nun. tas nung siya'y hindi pa nasa aking likod at nakatayo lang sa harap ko, tumingin siya weirdly. tapos, nung nasa likod ko na siya, naglakad siya. oo, sumunod, hanggang sa escalator, pababa. *tas tingin sa likod, aba, nandyan pa*. tas baba pa ng isang floor. tas nandyan pa rin. tas baba pa ng isang floor (aba nasa escalator pa rin pababa). akyat ako dun sa previous floor. setting: nasa magkatabing escalators kami, siya: pababa; ako: pataas, tas tumingin ako sa malayo. tapos, nung nasa taas na ako at nasa baba na siya, umakyat siya ule. punyemas, bakit??? takbo, takbo, takbo, takbo. haay. wala na siya. kakilakilabot. haay.

may gas! gas abelgas, help me. thank you, bow! takot na akong maglakad mag-isa sa mall. may gas. kuya, kuya. may gas. bow

Saturday, July 22, 2006

the empire strikes back

alam mo ba kung ano ang silbi ng strikethrough??? san nga ba to nanggaling?
ako, sa totoo lang, di ko alam eh. kasi diba, strikethroughs are non-virtually for erasures, pero kung iisipin mo, diba ang senseless ng strikethrough sa computers? kasi bat pa inimbento yung backspace at del kung meron na man palang strikethrough, or the other way around: bat pa inimbento yung strikethrough kung pwede naman palang backspace at del. *i'm making sense ryt?*

pero napansin ko lang, ginagamit ko pala yung strikethrough. ahaha. yep. pero, i actually didn't know what it stood for. ginaya ko lang tong concept of strikethrough. kung mapapansin niyo, may strikethroughs dun sa description ko sa aking sarili sa baba. i took the idea from a certain professional journalist na gumamit ng strikethroughs sa kanyang blog descrition. manggagaya lang ako, at binase ko yung paggamit ko dun sa strikethrough based on my comprehension of that journalist's description. and she used the strikethrough to cross out what she is not anymore. she strikethroughed her previous ages to keep track of the age she started blogging. that's kind of smart to do, so i copied. but, just now i realized like any other word in the English dictionary, that a thing may mean a lot of things. for instance, the word save may mean to free from danger, but it could also mean except. the word orange may mean the orange fruit, or it may mean the adjective that describes color. You may mean singular, or it could mean plural. anyway, my point here is a lot of stuff means a lot of stuff, and the danger of ambiguity is perspective. misunderstanding is caused by ambiguity as a person may think that one word the other person says is far off from what that other person means.

get it? strikethroughs may mean a lot: for erasures (but i think that it's impractical to use a strikethrough in typing because there is the backspace key), for crossing out history, without forgetting what that history is, or even broadcasting that you've changed, and you aren't like that anymore. it may even be used against math; when you've had a lot of great scores in math and you suddenly fail, you'll hate it. strikethroughs may have a positive or a negative connotation. one good thing may seem one bad thing for another. strikethroughs may also mean something you want but you can't have or something you want to do but you can't do it anymore. but, strikethroughs may also mean emphasis, such as highlighting. but, gruff, i'm goin' round the bend; i can't list all those things.

gustuhin ko mang mag-strikethrough nang magstrikethrough, siguro i have to back off a little bit. alam mo yun, pag natutunan mo ang isang bagay for the first time, gagawin mo to all day long kasi may bago kang natutunan. kunwari, whistling, when one learns how to whistle, all day long wala na siyang gagawin kundi mag-whistle. achievement kasi eh. ganun din ako, pag natutunan ko ang isang bagay na gamitin, maaaliw akong ulit-ulitin ito. kaya nung natutunan kong mag-strikethrough, i had to strikethrough everything i had the opportunity to strikethrough. kaya sa lahat ng hindi makaintindi sa akin sa paminsan minsan, paumanhin.

Thursday, July 06, 2006

Swirly Bitz

Swirly Bitz na tunaw

Swirly Bitz na malabnaw
Swirly Bitz na magulo, malabo at matakaw
Swirly Bitz na marumi't kailangan linisin
Swirly Bitz na sabaw
Swirly Bitz na karumal-dumal
Kadiring Swirly Bitz
Swirly Bitz na nakakapanghinayang
Swirly Bitz na lumulubog at lumilitaw
Swirly Bitz na masaklap at maramot
Mainit na Swirly Bitz
Swirly Bitz na kumakain at hindi kinakain
Swirly Bitz na sayaw
Swirly Bitz na bangungot at nakakakilabot
Swirly Bitz mula ulo hanggang paa
Swirly Bitz na madilim at mataba
Malapot na Swirly Bitz
Maasim na Swirly Bitz

Swirly Bitz na paikot-ikot
ngunit iisa ang patutunguhan
sa bibig, sa tiyan, sa pwet, at sa labas
Kawawang Swirly Bitz

Anong Swirly Bitz ka? Pili ka.

Monday, June 12, 2006

summertime, yet the living was uneasy

weirdly and funnily, i had the urge to join Philippine Idol (F na F noh?).
lalu na nung narinig ko yung mga nag-auaudition sa sm. at mas lalu akong natempt na sumali dahil nandun na eh. nasa may audition venue na ako nung mismong audition date eh. kaso nga lang kelangan 16-28. eh di sabi ko: alam ko na! mag-aaral muna ako. tas, mag-prapractice. tas, after 5 years (by then 20 na ako) sasali na ako. if ever, vote for me, k? haha. wala lang. and considering i sang the whole summer. mapa-field bio. review. sa banyo. sa lrt. and i had a lot of fun. eh kung PPS na lang kaya? hehe.

matapos ang field bio at ang review, nag-aral ako. oo, nagpakanerd. kasi, aanayin lang yung mga libro sa bahay. napilitan lang ako actually kasi ang ganda ng mga libro tas nakapanghihinayang lang na binili, pero never pang binasa. makapal, with colored pics, tas doctorate-level authors. yan yung mga tipong gustong gusto ko talagang basahin eh. and to tell you, i learned a lot. but i won't tell you what because i just don't want to. *eh bat ko pa kaya minention?*

i have to stop swearing. got yogurt?

Sunday, May 28, 2006

juggernaut kicked wolverine's butt

haha! all things must come to an end. some of the characters died but the x-men live on. yebah! got yogurt??

Friday, May 26, 2006

hibernation

Wednesday, May 10, 2006

Field Bio, PBB at Bora

What’s up with you?

Yeah…

***
Field biology

I’m finally back to civilization. Yebah!
Alam mo na yon!
Hinati yung 12 students into two. I was with kevgon, jdavid, hopee, ria caringal and gihan.
Pumunta yung group namin first sa Taklong Island with Ma’am Len and Dr. Melanie Cheng.
Marine and mangrove ecosystems. Haha na-sting ako ng box jellyfish. Mahapding ewan and mafefeel mo. At FYI: ang Australian box jellyfish ay deadly. Just 3 minutes and you’re krekkh. Buti na lang I never had an encounter with it. Just the pinoy one. At alam mo ba kung ano ang solusyon sa hapde? Guess what! Vinegar o ihi. I was so lucky na nung na-sting ako ay ubos na yung suka, so I had to micturate on it.

Ngapala, if you were texting me for the past few weeks, hwag kayong magtaka kung never akong nag-reply. Paminsan-minsan lang yung signal, tas if a message isn’t opened for 24 hours, default siyang madedelete.

Ganito kasi yon. Isa-isa kaming na-sting. First was Gihan, ang Diyosa ng Stings. Even before reaching Taklong na-sting na siya.
Then, sunod-sunod na, leaving just me and Dr. Cheng unstung. When we were laying the transect on the beach, I blurted out to Jerome, “Maswerte ba ako at di pa ako na-stisting?” Tapos, just a minute after, near-shore, I stepped on that plump, little white-translucent, jelly-ace head, and the floating imp gave its all by wrapping its nematocysts on my feet. Arrghh! Nagulat talaga ako. Napaka-coincidental naman na just after I said na “Maswerte ba ako…,” ay linatigo ako nung jellyace na iyon.
At naiwan pa yung nematocysts sa paa ko, which was very much negatively effective. Magkakaroon ng burning sensation even if na-detach yung tentacles dun sa medusoid head.
Can’t tell you much more but it was so FUN.

Sibaliw Research Station naman. The station was up in the mountains, reached only after a seven-hour hike uphill. At our pace.
Tas umulan pa nung nag-hike kami. Wet n’ wild, tired and freezing, hungry and reluctant. That’s how I felt. Sila naman, they felt like they were going to black out and faint. Makitid pa yung daan, if you make a false move, you’ll roll into the creeping hell below. You had to grab anything, from tree-trunks to prop roots and rocks. Sometimes you had to fondle wicker-moss and fungi. Growl. Disgusting, and you’re taking it from a guy who’s game with everything related to field bio. Just up in the station, after Gihan got stung by a bee, you’ll see and hear various hornbill species. Penelopides panini panini and Aceros waldeni (*kung nagtataka ka kung bat nerdy ang usapan, mas magugulat ka kung kasama mo si Sir Espinas. Thousands of scientific names ang alam niya, usu. plants, and he easily distinguishes them just by sight.). Meron ding mga bastos-birds like Philippine bulbul at elegant tit. Di ako malisyoso pero bastos-names talaga yun. And they’re named so because of their respective physical features. Enough. We did birdwatching, improvised volleyball and jungle survival techniques. We learned how to make fire and cook rice using bamboos. I was able to do it on my first try. We rappelled too.

Then, the fun part was telemetry. The group was subdivided and we had a contest (mala-amazing race-mixed-with-survivor-challenge). Both subgroups were given antennae and three different transmitters were secretly scattered up in the mountain forests. Our job was to locate the transmitters, and memorize the secret code written on each. First team to give all three codes wins the bonus. The three transmitters symbolized three different organisms. Given just clues about habitat and what they eat, we won (obviously, because I wouldn’t have told you about the contest if we lost, *haha, plastic)!

Fun, fun , FUN!

***
PBB

During oral reports, our sort of gimmicks were usually PBB-related. We watched every episode during the first PBB teen week. At alam mo ba? May kakilala ako dun.

Nagulat talaga ako nung nakita ko sa tv yung ex-crush ko. Yung kaklase ko. Yep. Hair-raiser talaga. Di ko akalain na sasali siya sa pbb. Ex-crush ko si KIM. Kimberly Chiu. Heartthrob siya ng school nun. Isang Chinese sectarian school sa Tacloban ang nagpakilala sa amin. Sacred Heart School. First time I saw her, drop-dead talaga. Yeah! Ganun ako kababaw nun. May-ari siya ng isang grocery-like store. Tas before kami naging magkaklase, dun sa store ko siya nakilala. Mom was friends with her mom.
So we shopped around their store, and that’s when I first saw her. She just immigrated from Cebu. Speaking Cebuano, and seemingly elegant, yet simple. I wanted to know her. Tapos yun, bull’s eye, naging magkaklase kami. Aliw talaga yun. Inaabangan ko talaga dati yung times na naging pairs kami with anything little like Chinese recitation and declamation. Haha. Kilig! Tas ang labo talaga, kasi mas asta-bata siya ngayon kaysa dati. Tas mas maganda siya dati, pero maganda pa rin naman siya ngayon. Ginagawa niya pa rin pala ngayon yung yoga-like exhibitions. Kaaliw, matagal-tagal na rin. Ba’t kasi lumipat siya ng Cebu? Nabankrupt nganaman sila dati. Balor-milyones yung mansion nila nun eh. Sabi ng mom ko, kaya raw lumipat sa Cebu kasi sobrang mahal nung bahay at di na mabayaran dahil sa bankruptcy. Anyway, namimiss ko na rin siya, yung ex-crush ko. Mabait yan, promise. So, anytime she gets nominated (buti na lang at safe na safe siya ngayon), vote for her! Get it? Got it? Good!

***
Bora

Nothing special. I recommend you’d rather go to Club Paradise in Palawan (near Coron) if you’d like to spend some time with the beach. I overestimated Bora. Don’t expect too much from it because it’s just the name. I never felt that I was in Bora. Nothing much. The only thing I enjoyed was the sand-castles and the hand-painted shirt I got for my bro. Nothing more.

…catch you later!

***

Wednesday, March 22, 2006

Sigarilyo

Hithit lang. Oo. Ano ba ang meron sa napakalecheng stick na to? Bakit ba? Peste naman oh. Ano ba? Kung gagastos ka na lang para sa sarili mong mga rason, wag mo naman sana idamay ang mga magulang nating nagkakandahirap na hindi mabawasan ng kahit isang pisong pinagpawisan. Alam mo bang hindi lang ikaw ang nadadamay sa mga epekto ng stick na yan. Wag mo naman sanang gaguhin ang perang pinapadala nila para sa mga gastusin natin. Sana lang kung bibili ka ng walang-kwentang box ng Marlboro ay hindi mo ipapakita sa akin nang harap-harapan. Walang hiya. Akala ko pa naman ay nag-withdraw ka para sa pagkain natin. Yun pala, kaya mo pinilit na ikaw ang mag-wiwithdraw ay dahil bibili ka ng lecheng sigarilyong yan. Kung alam mo lang ang mga hirap na pinagdadaanan nina dad at mom para lang tayo mabuhay. Hindi ba halatang naka-maskara sila kung bumisita satin; hindi ba halatang nagkukunwari silang masaya despite sa hirap ng paghahanap ng pera? Alam naman nating dalawa na sa kabila ng mga shopping at gastos ay pinagtatrabahuan nila yun. Bwiset ka! Sana man lang wag mo akong bubugahan ng pesteng usok na yan. Alam mo namang sakitin tong kapatid mo diba? Diba dagdag gastos na naman yun sa mga magulang natin? Langhiya ka. Kaasar ka. Kahit ano pa mang rason yan. Kabobohan man o katangahan at nagpauto ka sa stick na yan. Wala akong pakealam. Sobra na eh. Kung sasabihin mo lang sakin na “Eh hindi naman natin alam kung kailan tayo mamatay,” aba’y wala kang karapatang ilagay sa living hell yung mga pumapaligid sa iyo. Wala kang kwenta. Ayusin mo yang buhay mo. Ewan ko ba? Imbes na ikaw ang keeper ko, ako pa ata ang nag-aalaga sa iyo eh. Ano ka ba? Diba ikaw ang mas nakakatanda sating dalawa? Mag-isip nga. Ikaw ang kumbaga mas matalino dahil sa tagal ng age gap natin. Tapos dadagdagan pa ng amoy-alak. Langhiya ka. Kung gagastos ka na lang, sana stipends mo (na wala naman talaga) o kung anumang sweldong hindi mo naman talaga matatanggap dahil sa dependent ka pa sa mga magulang natin ang gamitin mo. Kahit magbebente ka na, wala kang karapatang maging parasite sa mga magulang natin kasi hindi ka pa naman kumikita. At kahit kumikita ka na ay wag mo sanang gamitin yun sa bisyo. Badtrip ka talaga. Bakit ka ba ganyan? Bibili ka ng isang bagong box sa grocery tapos may makikita yung kapatid mong isa pang box ng sigarilyong hindi pa ubos sa bag mo? Wala ka talagang kwenta. Okay lang sana kung bibili ka ng bagong bag o sapatos o shirt o pantalon sa celio kahit na sandamukal na ang mga kagamitan mo. Eh pero Marlboro pa talaga. Sobra na talaga eh. Eh pano pag magkasakit ka, sina dad at mom rin ang gagastos diba? Tumigil ka na nga. Mahiya ka naman sa lahi mo. Bwiset. Damn you. Sana lang ay magbago ka. Magbago ka na. Putik, lumalabas talagang ako yung nag-aalaga sa iyo eh. Pero dapat the other way around. Please naman. Tumigil ka na…

Friday, March 17, 2006

I'm Not Happy About It

long time no update.

yeah. sodium went out last Thursday (16th). rob galle. 11:00. lunch. studio pic. bowling and billiards. then, movie: SHE'S THE MAN.

all i can say about the movie is: same ol' same ol'. yet, outright fun. yep

aliw naman yung lakad. nganaman, 14 people. as old robin hood had for his sidekicks, let me say, "the more the merrier."

anyway, three down, one more year. i'll miss y'all.

currently feeling: pissed by 3G. patalo ka. bakit naman lahat pa kami dinamay mo sa katamaran mo? damn you. tapos ako pa ang gumawa ng ow report natin. langhiya ka. buti tumaas ako dun. pero still, patalo ka. if ever binabasa mo to, isipin mo na lang: paano na si val? mahiya ka naman. alam ko you have the right to slack off, pero sana inisip mo rin kami. i'm pissed. super pissed. fill in the blanks **** ***.

Monday, February 27, 2006

recent deviations


Image hosting by Photobucket

217: prom - expected much more than the rubber millefeuille

damn issues in pisay

prayers to philly, to my province, to pisay, and to ms. gelyn fabro

***

what the heck is happening around?

Sunday, January 22, 2006

SCA post-camp post

uhm. i know it's odd to start an entry with the word "uhm", especially since this entry is for GOD. Ngayon lang ako nakapagpost ng entry for God. Antagal ko nang sinasabi na magpopost ako ng at least an entry for God kasi I have time to make rants about useless stuff like that one time when I posted an image pero I never really offered something about God. "Uhm" kasi di ko alam pano simulan. "Uhm" kasi baka magkamali ako sa mga sasabihin ko. "Uhm" kasi gusto kong maging super galing ng post ko for God.

Firstly, when I heard about the camp I was certain I would be going, but I wasn't really excited about it. Siguro, at first impluwensya lang nina greggy at rayray. Tapos, macoconsume pa yung weekend. Pero, I never doubted na pupunta ako.

More or less 28 lang kaming nag-attend(not sure), pero ang sabi ni mam edulan, "Kahit 28 lang tayo, napupuno naman yung buong gym ng pagmamahal natin kay God." (not verbatim) Yun. ang nagpunta ay sina ate julia, kuya jerome. si greggy, ray2, nico r., jason gaguan, ate dane, hiyas, at tin cangas (at ako). si anthony quitay, si krizelle, si iya, si gabby, si kim (08). tapos, sina kevin roque, jio, gian dapul, jigs, si josh (at kung sino man ang nakalimutan ko). anyway, andami ko nang friends. hah. puro prayer, food, cards at basketbol lang kami sa breaks. hah. naka3-point shots ako. take note: shotS with a capital S.

ang saya niya. pwamis. nag-talk pa nga si kuya obet cabrillas (yung guy sa retreat; yung composer na gumawa ng pang-harana tas basted pa rin). ang saya niya. ngek ang lame. wala akong masabi. eto na.

uhm, Lord. Salamat po na nakapunta po ako ng camp. Salamat at marami po akong natutunan nung camp. Salamat sa lahat ng nagpunta. Salamat kay greggy at ray2; malaki po silang impluwensya. Salamat kay Sir Englats na nagluto ng napakasarap naming pagkain. Salamat kay Father Mon, kay Sir Sepulveda, kay Mam Gilereza (spelled as pronounced yan, di ko alam yung spelling eh), kay Mam Edulan, kay Ate Tin, kay Kuya Obet. Salamat kay Kuya Nilo (tama ba?), yung nag-help saming maglinis at magligpit. Salamat kay Mam Bonifacio, kay Mam Aimee. Salamat ng po sa lahat Lord. Salamat po sa three-point-shot achievements ko. Lord, sana po mas marami na kaming makapunta next time. Salamat din po at bio labrep lang at chem proj yung major requirements next week. Salamat po at nabigyan po Ninyo ako ng pagkakataon na makasama. Salamat sa sleeping bag. Salamat at nagbukas yung dorm.

Patawarin Niyo po ako sa mga kasalanan ko. Sa sloth. Sa extravagance, at iba pa po. Sana po hindi po namin makalimutan ang lahat ng natutunan namin, at hindi lang po namin eto maiapply for the first few days after the camp, but for the rest of our lives po. Lord, i-guide niyo po kami as we rekindle our passion, revitalize our mission, release our potentials, and regain our vision. Tulungan Niyo po yung mga nagugutom sa Africa, at sa kung saan pa man. Kahit po payat ako, I'm sure more people need more food than me. Pagpasensyahan Niyo po Lord na matagal pa before ako nakapagsulat for You. Lord, iaalay ko po ang mga achievements and goals ko for You. Continue to bless us with Your guiding spirit Lord, at sana marami po ang mainspire to live for Christ. Salamat din po pala sa mga friends nung camp. Kahit po kaunting time lang yung nabigay samin to spend with them, i felt safe and secure with them. Madali ko silang nakausap.

I-guide Niyo rin po yung parents ko atsaka yung relatives ko at home. Ang laki pong sacrifices ang ginagawa nila for me and my bro. Salamat din po at nanalo si Rob sa contest atsaka sina kevin gon, eduard at jason dj, kasi po pupunta po sana si Rob sa camp, pero dahil may contest siya, a short while lang siya nandun. Lord, tulungan Niyo po akong maging closer to You. In Jesus' name, I pray. Amen

Monday, January 09, 2006

At the point of no return

Moonstruck moment in a timeless frame
Surreally frozen yet in truthful reality
Sudden disobedience to an active game
In which rules are of pointless vacuity
Here I am at the point of no return
Looking up at the sun until I burn

To a desperate attempt of resolving uncertainty
Of either thinking twice or moving on
After a restless panting in maximizing liberty
Now coldly suppressed with my pompous con
Here I am at the point of no return
Gazing down at my feet in turn

Sandwiched in a dizzy confusion
What should I do? Should I stay or go?
So I ask from Divinity to guide my decision
To follow my heart in saying yes or no
Here I am at the point of no return
Reminiscing and guessing what I learned and shall learn

In relentless delirium through this shade of gray
Choice by split-second spontaneity
I can neither rewind nor fast-forward time anyway
Everything behind on a steeple of responsibility
Here I am at the point of no return
Doing all regardless of what I yearn

Seven years passed yet still I am here
Is this also a point of no advancement,
Where there is no option but be stuck every year?
So I finally try to try an improvement
Here I am at the point of no return
Brazenly seeking for fate to un-churn

Blessedly gifted with thoughts so shallow
As to take all the time to finally make it out
But I’m grateful enough for not having to wallow
In this totally nerve-wracking self-bout
Here I am at the point of no return
Here I am at the point of no return

Saturday, January 07, 2006

Di ako naniniwala dito kasi hindi ko makita yung basis nung test. stupid test, nonetheless, try niyo.

You scored as English. You should be an English major! Your passion lies in writing and expressing yourself creatively, and you hate it when you are inhibited from doing so. Pursue that interest of yours!

English

100%

Mathematics

92%

Engineering

92%

Biology

83%

Dance

83%

Chemistry

83%

Journalism

83%

Psychology

83%

Art

83%

Linguistics

83%

Philosophy

75%

Theater

75%

Sociology

67%

Anthropology

42%


What is your Perfect Major?

created by QuizFarm.com

Friday, December 16, 2005

Subdued Elegy

Gothic grease under my sight
Kept flickering into silent madness
Saddened by the half-enthusiastic grin of light
Murky silhouettes bewitched by the night-sky head
Swinging to the soft, fresh, rhythmic bright

None to atone the husky death of the silky winter breeze
Racing the forests over misty trees
Gravitated by the behest and call to squeeze
Light out of everything, and to displease
The aphrodisiac intensities into an unbinding sleaze

Attenuated by the disguised, yet spiked chains of mockery
Gyrating my body into a paralyzed deathbed
Of reverberating contractions and motionless history
Whirling through my head in a rapid torrent
Reminiscing the clichés of a vivid allegory

To the winds that blew the righteous ways:
“Gather yourselves inasmuch as you need it be,
And be as impure as rainy days,
So that collectively, you can assure revenge
To the chains that scheme the schism case.”

With that being enough as to be whispered loudly
May the divinity sought be with me indeed
As I saunter the chasms of hell-like mortality
And may everyone bear witness to the justice inflicted
To the fallen seraphim who was wing-ripped hurtfully

Monday, November 28, 2005


Image hosted by Photobucket.com



the past in the present

the present in the past

Tuesday, November 08, 2005

bad day

alam niyo, ang sama nung day na to!
noong papunta ako sa school, nagdasal ako na sana ang saya ng araw ko.
nung una, nakakainis. ang aga ko pang dumating. tas pagdating ko sa dorm, nandun sina kevin, homer at greggy. tas pagkababa ko nung bag ko sa desk, tinanong ba naman ako kung tapos ko na yung chem? what??? i was half-expecting na joke yun... tas yun pala may problem set. bwiset... hindi ako nagcheck ng mail over the weekend. badtrip. kainis. 19 numbers naipapass 8:20 am, tas 7:00 am na. may kasalanan akong ginawa, at hopefully walang nagbabasang teachers: nangopya ako. super quick kopya na namiss ko yung flagcem. tas yun. kainis. nag-aral pa naman ako nung gabi para sa simulation test sa chem. arrgh. kainis.

tas after nun, deh napass ko nga. tas sa math naman: 15/30 sa lt. yak. ang sakit pa rin ng: "it's ok ben. there's always a first time." yak. quatro ata yun. ampanget. tas sinalubong ako ni sir mardan at sinabing "ano nangyari?". tas nagshrug lang ako ng shoulders and walked away. yak, kakahiya. tas yun nga super bad day.

pero may nakakatuwa rin: sabi ba naman ni dom, "nagpaderma ka ben?" what? hindi ako nagpaderma, at never akong pupunta dun unless kailangan. tas sabi ko nag-ahit ako. ampanget ko...haha.

hindi. bad day pa rin yun. kainis talaga. pero nakaka-amaze talaga yung power ng prayers. kasi, kahit na nagcram ako, fine nagcheat na ako, tas half lang ako sa math lt. tas inakala kong due this day yung kythe, tas sinabi kong pangit ako ay hindi siya bad day after all. nung 10:25 PM, may nagtext sakin. tungkol sa math proposal namin. tapos na raw ni joji yung proposal. rejoice. tas may pahabol: luvyah! God bless.. nakakatuwa. narealize kong oo nga, sinagot ni God yung prayer ko. ahaha. thanks joji.

kahit never mo pa tong narinig sakin, at andaming beses mo na tong sinabi sakin, luvyah joji! God bless!

PS. tas kapareho ng concept natin yung proposal nina cheska, eduard, kevin, luigi. same title din. Agimath din sila. tas yung concept parehong-pareho. yak, kainis, sana lang magkatabi yung exhibits ng dalawang Agimath groups sa math exhibit. tas ang maririnig nating comment ay: "i see double!" ahahaha. salamat joji. luvyah.

Tuesday, November 01, 2005

habang nakasakay sa lrt mula pureza hanggang katipunan at nagmumuni-muni ng mga nakaraan, mga nangyayari, mga mangyayari, at mga kailangang mangyari

"manong, dito lang, po!"*sabay bigay ng singko sa mamang pedicab driver*

umuulan na naman. sa mga ganitong oras araw-araw ay paminsan-minsan lang ang mga tahimik na mga pagpatak.
bwiset! 'ala akong dalang payong

bumaba ako na may dala-dalang itim na backpack, na kahit mukhang hindi puno, ay masakit sa mga balikat. mabilis akong nagtungo paloob ng 7-eleven. doon ay nagulat ako nung habang nag-good-afternoon-sir—welcome-to-7-eleven yung guard ay nagvibrate yung bulsa ko.

1 new message
unlock

pagkatapos ay naisip kong onga pa la. kailangan kong magmadali.
patakbo akong lumabas at muntik ko nang mapatumba yung babaeng papasok. sa labas ay nagtampisaw at sa bilis ay naapakan ko pa yung kamay nung nakahiga sa bangketa.umiiling-iling pa yung kaawa-awang matanda. at doon ay nakita kong nakabukas ang kanyang marungis na palad habang yung isang kamay ay tinatakpan yung latang nagpapaloob ng kanyang mga tigbebentsiko’t pisong mga alaga. aba’y buti pa yung mga sensilyo ay may bubong. kaming mga tao ay tinatanggap ang mga lungkot na di-sadyang dinaranas. yung tanging komportableng parte ng matanda ay yung ulo. may mabait na nagbigay ng briefcase. ito yung unan niya (kahit matigas). habang yung matanda ay nanginginig sa lamig ng ulan, yung mga barya ay tagung-tago sa umipong galit ng langit.

ano ba? bilis.
at muling nagtungo sa kung saan ako dapat papunta. sa terminal ay walang kwentang pinabayaan lang ng guard na nakasara yung bag ko habang ako’y papasok. kunwari’y may inspeksyon, pero di rin naman pa la binuksan yung bag ko. huh?
ano ba naman ‘to? sana’y sinabihan ko na lang yung matandang nakahiga sa bangketang mag-apply bilang inspection guard sa lrt station, kasi siguro naman hindi kailangan ng educational degree yung pagtitig sa mga dalang gamit ng mga pasahero…. sa taas ay kaagad akong nagtungo sa ticket vending machine.

katipunan

argh. nagvibrate na naman yung phone ko. ay onga. hindi ko pa nababasa yung message kanina.

Ben! Antagal. d2 lang kami sa terminal magaantay.

tas yung bago:

Nakita q cla.di kami makalabas.bawal daw.

lagot. nandun na raw sila. baka manakaw pa yung file. kailangan ko na talagang magmadali.
argh. shocks. sa taas ay ang may marquee:

Train to Santolan in 7 minutes.

ang malas talaga. at ako’y nag-antay nang nag-antay. naramdaman kong may nakatitig sa dala-dala kong bag. ano ba? kasama ba siya. di siguro; hindi sila tumatanggap ng matatabang matanda. kailangan nila ng mabilis. pero, malakas talaga yung pakiramdam ko. kaya iniwasan ko siya. binasa ko yung mga bawal sa lrt. bawal ang food and drinks. bawal ang mag-videotape sa loob ng station. bawal ang pets sa loob. lumapit-lapit ako sa guard na sigaw nang sigaw sa mga batang lumalampas sa yellow line.

at, dumating din yung bumubusinang tren. sa wakas. pumasok ako dun sa pangalawang cabin. tas napansin kong sinundan ako nung matabang matanda. ngek. puno yung tren. at napansin ko ring may nakasandal sa tabi ng sign na “huwag sumandal sa pinto.” katakot. hinawakan din ng mataba yung pole na hinawakan ko. stalker. yung setting: nasa likod ko siya. so tumalikod ako’t hinarap ko siya. *sabay nag-sign-of-the-cross.* nagdasal din ako ng napakahabang dasal.

*arriving at v. mapa terminal station. paparating na sa v. mapa terminal station
---
*arriving at j. ruiz terminal station. paparating na sa j. ruiz terminal station

oo. umabot dun yung dasal ko. natakot kasi ako eh. pagkalabas ng isang pamilya ay umupo ako sa inupuan nila at tinapos ko yung dasal. katabi ko na naman yung mataba. kainis. hindi niya bang halatang nahahalata ko nang sinsusundan niya ako. wala sakin. ang nilalaman ng bag ko ay yung researches lang. puro hardcopy yan. walang software diyan.
at muli akong nakaramdam ng nagvivibrate sa bulsa. pero di pala akin; sa matabang katabi ko. at sosyal – tinawagan pa siya. samantalang ako, importanteng-importante ang pinag-uusapan ay hanggang text lang. ni hindi siya nagsalita; at aba’y nilipat pa sa kabilang tenga (kung saan mas malayo sakin) yung phone. nakinig lang siya sa sinasabi ng kausap niya.

*arriving at gilmore station. paparating na sa gilmore station.


at nagulat ako nung bumaba siya sa gilmore. akala ko’y stalker talaga. akala ko kasama siya. akala ko’y nanakawin niya yung bag na naglalaman ng mga mahahalagang mga papeles. ang feeling ko talaga. sino naman yung magkakagusto sa mga papeles na iyon. ang boring nun eh. pero nakapagtatakang bigla siyang bumaba pagkatapos niyang pakinggan yung nagsasalita sa cellphone niya. ang masasabi ko lang: kakaiba siya. hindi pa ako nakakita ng taong nag-sisilent ng phone (except yung mga studyanteng katulad ko). at ba’t di man lang siya umoo o huminde sa kausap niya. weird. pero buti na lang at wala na siya. haay! peace at last!

at muling bumalik sa isipan ko yung matandang nagmamalimos sa labas ng 7-eleven. bakit? ba’t di ko man lang siya nabigyan ni piso? sa totoo’y dala-dala ko yung wallet ko, at pwedeng-pwede ko talaga siyang bigyan ng bente kasi hindi naman aabot-trenta yung two-way ride ng lrt. maari ko nga bang maging rason ang pagmamadali? maari ko nga bang maging rason ang pagmamadali sa pag-apak ng kamay niya sa gitna ng ulan at hindi man lang mag-sorry o maghulog ng kahit bentsingko? iskolar ng bayan. tumatanggap ng stipends buwan-buwan. may pribilehiyong mag-aral nang libre ng de-qualidad na edukasyon kahit na nagtratrabaho ang nanay at tatay. at kahit piso wala akong naibigay. nung isang araw lang ay nakahanap si nanay ng sandaan sa sidewalk na tambayan ng mga pedicab. at sa tabi pa yun ng 7-eleven. kung tumayo lamang yung nakahigang matanda at umikot ng 900 sa corner ng 7-eleven at tumingin sa baba’y parang hulog ng langit na iyon. pero sino ang nakapulot ng sandaan? si nanay nung siya’y sasakay pa lamang sa pedicab. kawawa naman yung nahulugan. ang tadhana nga naman.

ano na ang gagawin ko? babalik pa naman ako mamaya ah. sige mamaya. 100.

tas school naman—
*arriving at betty go-belmonte station. paparating na sa betty go-belmonte station

—hmmmm. pisay? ano nga ba ang current events sa pisay? isyung pisay. sus. piket. pinaparesign si RRM. wag na iyon. hayaan mo na yung PSHSEU.
long vacation. sem-break (?). uuwi akong tacloban. kahit anong pilit kong maging excited ay wala rin. sa dami ba naman ng requirements (long overdue: gsk article. shayne_joji article. hindi overdue: lab activity revision. topic proposal sa math4 project. final output ng kythe. PSHSEU article—wala pa ring side ni RRM. ramayana sound committee responsibilities. reaction paper ng “all the president’s men.” review ng “midsummer night’s dream.” ). yun. friday na lang. curse you pisay. arrgh. deh joke lang.

*arriving at araneta center-cubao. paparating na sa araneta center-cubao

feeling niyo siguro ok lang sakin. hindi. mahirap din. lalu na’t ang kasama ko lang ay roommates ko sa dorm pag weekdays. at sa weekends naman ay ang aming tagaluto. si kuya kasi may pasok tuwing sabado. kainis. wala tuloy akong makausap. mabuti pa kayo. kahit sat-sunday lang (for dormers) ay nakakasama niyo pa rin yung mga magulang niyo. pero ganyan talaga. kaya aral na lang ako nang aral. ang boring, diba?

ano ba? ang layo mo na, ben

imemeet ko yung pinsan ko sa katipunan. isa siyang computer programmer. kailangan ko siyang makausap para mafinalize ko na yung research at matapos na rin namin ang kanyang napakahirap na undergrad thesis. kasi gumawa nga siya ng game. tinutulungan ko siya sa storyline. tas tinutulungan ko rin siya partly sa paperwork. so yun, yung game ay isang detective game. ahaha. parang c.s.i. pero mas real-life. eto, gumagamit ng 4D technology, holographic interface na may sense of touch (4th dimension). so yun, nakakatuwa. award-winning to. patapos na siya. pero walang balak yung pinsan ko na bentahin sa market. medyo selfish eh. kasi tinurn-down niya na yung EA games, pero ewan namin kung EA games nga ba yung may pakana ng mga stalkers. kasi may sunod nang sunod sa amin. at pahalata sila ah. akala siguro magbabago yung isip ng pinsan ko.

*arriving at anonas terminal station. paparating na sa anonas terminal station

yun nga. yung paperwork sa bag ko ay sa thesis ng pinsan ko. ang kulit ng matabang stalker. buti na lang bumaba rin sa gilmore. ayun, malapit na sa katipunan. pero hindi ko alam na habang ako’y nag-aantay sa loob ng tren ay marami na ang nangyayari sa labas ng tren. at vrnggfh…vrnggfh.
sa bulsa ko’y muling nagvibrate. pero mas matagal ngayon. himala. tawag. siya na naman.

“bawal makalabas. kanina pa may kababalaghan dito. kasi andaming tao. lahat ng nagsisilabasan ng tren ay di makalabas ng station. bawal kasi eh. alam mo bang may reported—“ *toot. toot. toot* at mas lalo akong kinabahan. tumayo na ako at handang-handa na akong bumaba.

at bumaba yung tren. pababa. underground subway. kakaibang station yung sa katipunan.

*arriving at katipunan terminal station. paparating na sa katipunan terminal station

lumabas ako at nakitang imposible ko yatang mahanap yung pinsan ko sa loob ng limang minuto. andaming tao. sobrang dami. bawal kasing magpalabas. anong meron? malabo. mainit.

may mga jounalist akong nakikita. inquirer. star. manila bulletin. radio stations. at tv stations na rin. kakaiba tong reporting. yung tv station journalists walang kasamang camera-man. o kung may kasama man ay hindi ginagamit yugn camera. oonga naman—bawal. pero wala bang special exceptions.

tas nakita ko rin yung pinsan ko. “oo, dala ko,” sabi ko. “anong meron?” tas kwinento niya sakin:

diba kanina, tinext kitang mag-aantay na lang kami sa terminal, kahit na nakabili na ako ng tiket? sa vending machine, muntik ko nang mawala yung game. doon ay nilapag ko sa sahig noong pumipindot-pindot ako sa vending machine. tas pagkatapos kong makuha yung tiket ay kinuha ko yung briefcase (sa tabi ng vending machines) na naglalaman ng game. pagbukas ko, nakita kong hindi akin. tas nireport ko sa security. sabi nila bomba. yak. red alert tawag agad sa police. tawag agad sa babang guard. wala raw palalabasin.

kung hindi ba naman bobo yung security. malamang nakalabas na yon. o kaya naman ay sumakay na sa tren. tas naalala kong isa tayo sa top na bansang target ng terrorists. katakot. tas naalala ko rin yung guard sa pureza station. hindi niya man lang tiningnan yung laman ng bag ko. tas eto may seryosong bomba. what? sabagay, mas mabuti nang hindi palabasin yung mga tao sa loob. pero hindi rin eh, kasi pano pag biglang sumabog yung bomba….

tas hinanap ko yung briefcase ko. briefcase ko. nanakaw talaga. yung stalker.

ahhh. na-gets ko na. kaya bumaba ng gilmore yung katabi kong mataba. kasi tapos na. nakuha na nila. yun.

tas yun na. tinawagan na kita. tas briefcase ko nawawala. hanggang ngayon.

“baka naman, wala talaga. baka naman naiwan mo sa bahay. baka nandun pa rin sa pureza.”

“hindi wala. alam ko dala-dala ko yun”

tas buti na lang may softcopy siya sa computer. pero baka mamarket ng EA games (kung EA games man yun). eh di nasingko siya sa thesis. kasi plagiarism lang yun. so yun. namroblema siya.
naresolba na rin yung bomb scandal pagkatapos ng ilang oras ng eksaminasyon ng “bomb squad.” lahat ay inenspeksyon paglabas.

at umuwi kaming hindi nag-uusap sa tren. sa pagbaba ay nilabas ko yung 100 na para sa matanda sa 7-eleven. kahit malas kami sa araw na ito ay bibigyan ko pa rin yun matanda. tas may himalang nangyari. ewan naming dalawa pero natuwa kami. naisip naming kapalit ng 100 ay yung unan ng matandang nakahiga. yung unan niyang briefcase. briefcase ng pinsan kong naglalaman ng laro—buti na lang naiwan ng pinsan ko. buti na lang na ginawang unan ng matanda. tas binuksan ng pinsan ko. kumpleto. maswerte rin pa la kami at hindi marunong magbukas ng briefcase yung matanda at tinamad siyang tumayo upang iwan niya yung mga sensilyo. at kami’y sumakay sa pedicab. masayang-masaya. kasingsaya ng matanda. kasingsaya ng araw sa asul na langit.

Monday, October 10, 2005

isang poem para kay joji mendoza

umiikot, umiikot nga ang bolpen mo
nauubos, nauubos na nga ang tinta
wala ka ngang maisulat
sa hawak mong papel.

at sa gitna ng kadiliman ng magulong isipan
naroon ako, naghihintay, nagtataka
bakit ba? ang tagal na.
wala man lang ni isang salita.

at tila bawat tibok
ay may kumakatok
pero hindi ko mahanap ang pinto
nasaan nga ba, saan nga ba ito?

at naghanap ako
naghanap
naghanap
naghanap.

nguni't di ko ito makita.

umiikot, umiikot nga ang bolpen mo
nauubos, nauubos na nga ang tinta
wala ka ngang maisulat
sa hawak mong papel.

nakakabitin yung retreat!