Friday, May 11, 2007



































































































































































Wednesday, May 09, 2007

i am 93% boyie //very narcissistic

:)) at sino me sabing 1% ng pagiging babae ang bawat linya sa baba??
pathetic naman to. tagged by rob. tagging *dundundun*

Take this quiz and find out how girly you are. (GUYS TOO) Put x's beside each thing that's true. Each x that you put is one percent. Have fun!!

[ ] My fingernails/toenails are almost always done. //haha, ang galing. niremind mo ako.
[X] During the summer the only shoes i wear are flip flops //they're not even shoes. pero sige, dahil madalas naman ako sa bahay.
[ ] My favorite toys as a child were barbies //hahaha. guys should take this?
[ ] My favorite colour is pink or purple //whateber. pwede talaga to sa guys pramis. :))
[ ] I did Gymnastics. //kasama ba yung required nung first year? o gymnastics nga ba yun?
[ ] I love skirts. // oo, 1% ng pagkababae to. *sarcastic*
[ ] Hollister is one of my favorite places to shop //hollister? huwat?
[ ] Tight jeans are the only jeans i'll wear. //tight? bakit?
[ ] I love chocolate //mahal ko ang nutella. pero hindi ko mahal ang chocolate in general.
[x] I've never had a real job. // ngek. :)) real job?? pag bata ka pa pala, madadagdagan ka ng pagkababae
TOTAL: 2
//at sino me sabing magcomment for every line? wag na nga

[ ] My hair is almost always straightened
[ ] I have at least 8 myspace pictures
[ ] I usually go shopping once a week
[X] I love to hang out at the mall with friends //duh. girly na ako. woohoo. pathetic test. gruff.
[ ] I have a real diamond ring or diamond necklace or earings.
[ ] I've gone to a tanning salon.
[ ] I've gone to the beach to tan.
[ ] I have at least 10 pairs of shoes.
[ ] I watch either the OC or Laguna Beach.
[ ] I change my icon weekly.
[ ] I wear a shower cap.
TOTAL: 1

[x] I dont shop at Hot Topic. // I don't shop at Hot Topic.
[ ] My cell phone might as well become a part of me.
[ ] I wear mascara everyday.
[ ] I've been or am on a diet. //siguro kelangan ko nun. para tumaba.
[ ] Bathing suits are adorable.
[ ] I dont know the difference between a sheep and a goat. // bwahahahaha. whateber.
[ ] Big sunglasses are hott. //walang temperature ang mga sunglasses samin.
[ ] I have gotten my nails done before.
[ ] MTV is one of my favorite channels.

TOTAL: 1

[ ] All I want to do at sleepovers is talk about boys! //hahahaha. whateber agen.
[ ] I love to have girls do my hair.
[ ] I give and recieve hugs from all my friends
[ ] I hate bugs.
[ ] Carnivals are so fun! //Carnivores are so fun!
[ ] Summer is THE best season. //THE ba talaga?
[ ] My swimsuit has 2 pieces //:)) isa para sa pwet at sa harap?! juke. =))
[ ] I'm waiting for my knight in shining armor. //yeah right. bwahahaha. ambanu nung test.
[ ] Musicians are so hot. //i agree. kaya nga musician na rin ako e. JUKE.
[ ] You write me a poem and tell me I'm beautiful and I'm all yours. //tell me I'm beautiful and i'll punch you right in the nose!
TOTAL: 0

[x] I am self-conscious. //dotdotdot
[ ] I cry often.
[ ] My car smells like vanilla or cherry. //i don't have a car.
[ ] My dishes get washed more than once a week. //i don't have dishes.
[ ] I dont do sports. //I do sports. I just don't do them every so often.
[ ] I HATE to run.
[ ] I squeal when I am surprised or angry. //*squeak* *squeak*
[ ] I eat dried fruit as a snack. //I'll eat you as a snack.
[ ] I love romance novels. //I love you.
[ ] Drew Barrymore is so cute. //I am so cute.
TOTAL: 1

[ ] I dance a lot.// rhymes with sir lancelot
[ ] usually spend an hour or over to get ready to leave my house.
[ ] I only have like 5 billion hair products. //bwahahaha. i bet wala akong kilalang babae na may ganito.
[ ] I love to get dressed up. //di uso ang costume party samin, kahit halloween.
[ ] Every part of my outfit needs to match. //match what?
[ ] I talk on the phone at least once a day to my friends. //I talk on the phone ...to ronald mcdonald.
[ ] I would love to have a photo shoot. //hahahaha. kahit vain ako, i wouldn't LOVE this.
[ ] I apply lip stuff 50 times a day. //50 times? seryoso ka? gano kakapal na mga labi niyo niyan?
[ ] I wish I were a model. //m m. model ng alipunga. hahahaha. juke.
TOTAL: 0

[ ] I wish I could meet Paris Hilton. //diba mas gustong mameet ng guys si paris?
[ ] I have been something that was semi. //semi-kalbo hair? m m
[ ] I own Uggs. //Ughs
[ ] Hip Hop is the best music. //:)) pochero ka. whateber to you.
[ ] I pop my collar.
[ ] I like to be the center of attention.
[ ] Guys with Mohawks are crazy. //Craziness doesn't depend on hairdo
[ ] Horses are beautiful.
[ ] I'd rather not pay attention in school. // ngyengkngyengkngyengk
[ ] Cats are adorable. //for ma'am beltran.
TOTAL: 0

[ ] I write my own music // ngek. 2 kanta pa lang nagagawa ko. nakakatamad e.
[ ] I would love to visit Hawaii. // i would love people to visit me.
[ ] Valentine's day is so cute! //yeh. i agree. NOT.
[ ] White is better than black.
[ ] I wouldn't be caught dead in all black. //dundundun
[ ] My closet is STOCK FULL of clothes.
[ ] Hate the grunge look.
[ ] I love to read magazines.
TOTAL: 0

[ ] I love to gossip.
[ ] I had Lisa Frank folders/posters/notebooks as a kid. //hahahahahhaa..
[ ] I love Celine Dion. //I love myself
[ ] My bubble baths are 1-2hrs long. //my bubble baths are nonexistent
[ ] My wedding only needs a groom because it's already planned. //does that mean, it needs me? what?
[ ] My friends and I are in a strict group. We mostly only hang out with each other.
[ ] I like little kids. //I like myself
[ ] Diet drinks are the best. //I am the best.
[ ] I'm all about being vegetarian. //I'm all about being loved and idolized and supported.
[ ] I refuse to eat at McDonalds. //I refuse you to eat me.
TOTAL: 0

[ ] I check my myspace everyday.
[x] I love life! // especially MY life.
[ ] I have a lot of jewlery! //yeh. and i'm rich too. :)) so sucky.
[ ] My screen name(s) have x's in them. //yeh. xxsuperbenlo07xx
[ ] Either one of my myspace names has/had "<3"'s //i am not less than 3.
[x] I would never want to be the opposite sex. // :)) you suck.
[ ] It's not what he/she said it's the way he/she said it. //it's actually what I said.
[ ] I have more than 3 pillows on my bed.// I have pillows for a bed. hahaha. keddeng.
TOTAL: 2

Now, dahil walang kwenta tong survey na to. I'm tagging people na may kwenta. That would be VINNA, JAKI, MICH, SHAYNE, CECILE and LUIGI

pulitika pulitiko

Malapit na ang eleksyon. sa HEROES. hahahaha. kidding. Pero may aaminin ako sa inyo. Wala akong kilala sa mga tatakbong senatoriables bukod kay Pichay, Zubiri, Villar, Angara, Montano, at Gomez. Sa hindi naman senatoriables, tatatlo lang, at yun yung nakikita ko sa neighborhood namin. Si Cita Astals, si Ali Atienza, at si Fred Lim. Anyway, balik sa senatoriables. Astig diba? Isa-isahin natin. Si Pichay for obvious reasons. Si Zubiri, ayy oo, narinig kong siya yung may makapal na makeup sa mga posters. Si Villar, somehow naalala ko siya dahil may nakita akong poster niya. Si Angara naman, yun yung jingle na paulit-ulit na kinakanta ng kuya ko sa kotse. Yung kinanta ni Sarah Geronimo. Si Montano at si Gomez, nakita ko sa mga blog ng tao. Pero, sila lang ang kilala ko. Bakit?? Unang-una, wala kaming cable, so hindi ko talaga binubuksan ang tv namin dito sa Maynila unless magddbd. Pangalawa, buong araw akong nakaharap sa computer, online o kaya nanonood ng heroes, o kaya nagphophotoshop, o kaya nakikinig ng musika. Pangatlo, hindi ako lumalabas unless shooting, may kailangan bilhin, may kailangan gawin, UP purposes. Kapag shooting, madalas umagang-umaga (mga six) ang calltime so nagtataxi ako. At kapag nasa taxi either nakapikit mga mata ko o nakatutok sa metro. So basically di ko rin napapansin yung nasa labas ng kotse bukod sa kalsada. Kapag naman hindi shooting, either LRT, MRT at jeep ang sinasakyan ko. Sa LRT walang makikitang posters. Sa MRT naman, wala rin akong makita. Sa jeep, kinakausap ko lang yung kasama ko so oblivious sakin ang outside world ng jeep. So wala talaga akong alam sa mga pulitiko. Pang-apat, ang totoo'y hindi ko na inaalam. Bakit? Ayokong sabihin na wala akong pakialam sa bansa natin kasi meron. Pero kahit mahal ko ang bansa natin, di ko inaalam yung mga kandidato. Ni hindi nga ako nakanood ng Isang Tanong e. At isa pa, bobo rin pala ako sa geography. Akala ko nga magkalapit lang yung Batangas at Cabite e. :)) oo na, 2.5 hours pa raw ang distansya. whateber. Anyway, ang point ko tila'y wala akong pakialam sa bansa natin dahil hindi ko kilala ang mga kandidato. Pero isa pang rason kung bakit, e di naman ako boboto. Pero kung boboto ako, siguro pinakinggan ko na lahat ng sinasabi nila. Pero nagbibingibingihan talaga ako. Kasi wala namang diperensya sa kung aalamin ko yung kandidato o hindi e. Buti sana kung nakakaimpluwensya ako ng boto diba? Pero duh, sino namang makikinig sa menor de edad na ang best friend ay laptop? Sino naman ang makikinig sa taganood lang ng HEROES, sino namang makikinig sa hindi nanonood ng news? Sino ang makikinig sa katulad kong nagrereklamo, hindi sa pulitika o sa sistema, kundi sa paghihiwalay samin ng kuya ko. Diba? Pero maraming tao diyan na katulad ko. Siguro may mga iilan ding boboto na katulad ko. Na walang pake. Na walang alam sa geography. Na walang alam sa mga balita. Na naiirita sa mga lintik na jingle ng mga kandidatong hindi nilulugar at isinasaoras yung pagtugtog. Isipin mo, natutulog ka, tas ang alarm clock mo ay ang nakaloop na jingle ng mga dumadaan na mga sasakyan dahil malapit sa highway yung tinitirhan mo. At, ang mas nakakairita ay kapag nasa simbahan ka tapos nagmimisa, tapos hindi sila titigil kahit yung mga nasa labas na ng simbahan ay nakatitig sa kanila. Pero hanggang dun lang ang alam ko, siguro kayo, mas may alam. Wala kasi akong pake e. Pero mahal ko ang bansa. Maniniwala ba kayo dun?! Mahal daw ang Pilipinas pero walang pake. :))

Kaya eto, dahil alam kong maraming tao ang nagrereklamo sa mga pulitiko nowadays, ipropromote ko na ang aking sarili. VOTE BEN, dahil wala akong pake. pero dahil mahal ko ang Pilipinas. hahahaa. lahat naman tayo mahal ang bansa diba? Pati mga pulitiko. Lahat sila mahal ang bansa. Duh. Ako rin. mahal ko rin ang Pilipinas. Kaya iboto niyo rin ako. Woohoo.

extro:

wala talaga akong alam sa mga pulitiko. partly dahil hindi ako boboto. partly dahil choice kong wag alamin. doingks. sayang lang sa GB ng utak ko yan. partly dahil hindi naman ako makakatulong.
sana maintindihan niyong wala rin akong napapanood sa tv namin. kaya wala talaga akong alam.
pero eto seryoso, mahal ko ang Pilipinas. duh. lahat naman e. well, except sa mga iilan na talagang nag-iisip na hindi na uunlad pa ang bansa. at siyempre, may pake ako. duh. pano ko mamahalin ang bansa kung wala akong pake.

Tuesday, May 08, 2007

i <3 musika

ang nasa kanan ng pahinang ito na napailalim sa salitang "musika" ay resulta ng pagmamatiyaga ng alipin kong si andrew. siya ang nakahanap niyan sa pahina rin ng isa pang kaibigan niyang nagngangalang jaja. lubos kong pinasasalamatan ang aking masipag at masunuring alipin na si andrew torres. salamat alipin. =)) just keddeng. :)) juke. anubanamanyan. salamat andrew dahil ipinakilala mo sakin ang imeem. pinagpaguran ko yung pag-uupload dahil hindi talaga siya user-friendly. ok. :)) at nagpapasalamat din ako ke jaja, na hindi nakakakilala sakin pero kilala ko. :))

at ang pinakamamahal kong mga panatiko. oo, alam ko, di niyo ako matiis. ((: kaya kung gusto niyong manggaya saming mga kewl ex-kalbew dewdes, just click over the address bar and key in "panatiko ako ni ben" then press Shift+HOME then press backspace. then key in http://imeem.com and yehbah enter.

just don't forget to give credit to my trustworthy alipin andrew paner torres. thankyou. thankyou fans. salamat nang marami. for upcoming gigs, just tag sa tagboard sa baba o kaya comment by clicking the "# blacked out" at the end of the post.

and don't forget to tell your poor friends how unfortunate they are to have not visited my site and not have known the fame and greatness of the IDOL BEN. bwahahahahaha. juke.

Monday, May 07, 2007

-_-

sometimes, the effort really matters.

wake up. reality to.

Sunday, May 06, 2007

isang araw sa alabang. hahahhahhaha. juke

isang araw. kanina. nagpunta ako sa alabang. birthday kasi ng kuya ko kahapon e. e kaso ngayon yung celebration niya. kaya ayun. nagpunta ako dun. at andami kong nagawa ulit.

ngayon lang uli ako nakapanood ng boxing. actually, ngayon lang uli ako nag-tv nang lampas isang oras. mayweather vs. de la hoya. whateber. hindi ako agree sa fraction ng panel of judges. split desish daw e. pangit. akala ko talaga mananalo si de la hoya. whateber to them. panalo siya para sakin tsaka sa isang part ng panel. maganda pa naman asawa niya. hahahah. juke lang. pero seryoso, dapat siya yung nanalo.

ngayon lang uli ako nakapaglaro ng playstation. hahahahaha. ngayon ko lang uli nalaro yung tony hawk. at oo, bano na ako. hahahaha. talo pa ako ng bro-in-law ko. hahaha. e 10 years old pa lang yun. pero anyway, magaling ako dun dati. kaya magaling pa rin ako. hahahhaa. juke. anlabu.

binilhan ko ngapala ng regalo yung kuya ko. shirt. at di kasya. kaya akin na lang. hahahaha. juke.. pero totoo, binilhan ko siya. kaso di kasya. hahahaha

eto pa, nasira yung lalagyan ng sigarilyo ng kuya ko. buti nga. hahahaha. juke.

eto pa, sa simbahan malapit sa alabang town center ako nagsimba. hahaha. nakatulog ako bago nagstart. hahaha. buti na lang, nagising ako nung magstastart na yung misa.
hahahhaha. juke

eto pa, hahahahahhaa. juke.

thisisme

my mind is crumpled
my eyes ruptured
my ears are deafened
my nose smells rotten
my lips are drooling

my neck is tingling
my arms are squished
my chest is pressed
my back is scratched
my tummy flattened

my thighs are clipped
my knees are bent
my legs are pinching
my feet are tense
my toes are wringing

my hands are spoiled
my fingers crossed
my palms slapped
my wrists pained
my arms crabbed

my heart is scorched
my heart is scorched
yet my heart is burning
a little burn is what matters
my heart is burning

Thursday, May 03, 2007

para sa mga bugwit na nakatira sa bubong namin/ breaking news/ super astig/ Na

*squeak**squeak**squeak**squeak*

*squeak**squeak**squeak*

*squeak**squeak**squeak**squeak**squeak**squeak*


in laymen's terms:

wag naman kayong magwrestling!! nakakatakot minsan e. alam niyo yun, lagpas semento yung soundwaves. aba'y nakakagulat naman ata yun. pero dahil mabait kami't walang kasya saming housemates sa bubong, iniaalay na namin ang bubong. para sa mga bugwit na katulad niyo. hahahahahahahahaha.


***

breaking news: i feel so alone. lalu na't matagal ding nawala yung shooting. at di ko na nakakasalamuha ang 10+ people.

***

super astig yung kantang layag ng up dharma down. wala lang. super astig din pala ng heroes. kaso pangit pag nahuhuli ka. hindi astig yung pang-uuto. pramis.

***

SODIUM ANNOUNCEMENT:

psst. sodium. sodium. sodium. me naisip na reunion. out-of-town ata. hihihi. sana matuloy kasi namimiss ko na kayo. yihee. kilig. hahahahaha.

Saturday, April 28, 2007

fact

premise: maniwala ka, hindi ko talaga ginusto na magpost ng ganyang title. pero yan kasi pinakaapt. alam mo yun, ayoko ng opposites kasi di ko naman iniintend. pero apt nga kasi. :))


facts:

1. may pamangkin na ako
2. ikakasal na kuya ko
3. mamumulubi na kami uli
4. lalaki kuya ko, so kami gagastos sa panganganak at pagpapakasal
5. may bahay na ang kuya ko sa alabang
6. lumipat na ng bahay yung kuya ko
7. mag-isa na lang ako dito sa bahay
8. mga magulang ko rin pala gagastos sa bills ng bahay nila sa alabang
9. walang ref sa alabang
10.kakabili lang ng kama para sa alabang
11.may posibilidad na maging caesarian yung magiging asawa ng kuya ko
12.mahal yun
13.hindi ko kinuha yung DOST. sayang, panagdag din pala dapat yun sa panggastos.
14.baka (still hoping) hindi ko maranasan yung naranasan ng kuya ko nung freshman siya. yung bibilhan ng damit dahil walang uniform.
15.baka (still hoping din) hindi na rin ako mabigyan ng bagong phone kahit pinagtiisan ko ng apat na taon tong phone ko.
16.hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa dahil sa kuya ko. ewan ko. sabay-sabay kasi e. nakakainis na nakakatuwa.
17.nagtatampo ako. lahat na lang sa kuya ko. lahat ng attention, gastos, etc. parang di na ako pamilya. gerr. exaggerated i think. pero that's how i feel.

Friday, April 27, 2007

fiction

the story does not start with a spark. it starts with a snap. but the story does not start up until the end. but i guess i shouldn't have spoiled it for you. poor you. i bet YOU won't be reading this yourself. because that's who you are. someone who doesn't read stuff from my hands. you don't receive stuff i give. but i shouldn't care. you don't care about me. you don't. you're so busy holding stuff from someone else. someONE. but i guess that's your curse. not to be dealt with by shallow minds like mine. i bet you don't even type my url in the address bar. i don't care. i know for a fact that you don't have a single ounce of concern for me. the thing is, i don't just give a bit. i give a lot. but heck, you care not. so should i care not too?? can't you see me? you know what, you fail to notice what i do because you are so self-centered. strike that through. it should be someone-else-centered. you know what?? you care so much about that someone else that you forget to care for yourself (and add me on the list). am i just a stranger to you? someone you just pass by and forget at the end of the day? you're such a hypocrite. putting on the fake smiles? the pinching thoughts hidden beneath your face? why can't you show some heart? have i been that unworthy? because i don't think so. you haven't even written my name on a sheet of paper, have you? i don't care. i know that that someONE is the ONE who deserves. no, really i don't. i would care more about you destroying me behind my back. am i that unimportant? can't you just throw them straight at my face? you know what, you are so detestable. but what's more detestable about you is that you are indifferent. indifferent about being detestable. indifferent when it comes to stuff about me.

congrats. to me. not to you. i have gotten this far, and you haven't. i bet you don't even spend a single neuron to think about how i've been. what more for material things. like a peso. am i not even worth a single peso? who do you think you are? your orbit clashes mine but you don't notice. you are always busy reflecting the sun's rays. should i stop caring now? should i? tell me! oh yeah, i forgot, you won't read this. so who's to tell me? gack.

so it ends with this. it ends with a start. the start of indifference. okay. in 5, 4, 3, 2, 1, *snap*

Thursday, April 19, 2007

WTF NA LANG PALA AKO

ano ako?? porn?? thanksalot

Monday, April 16, 2007

sigarilyo ule

NAKAKAINIS. SOBRA!!!! nakakainis ang sigarilyo
nakakairita. ano ba kasi nagagawa nito??
inis na inis na inis ako sa sigarilyo. bakit ba nag-gaganun ang mga tao?? kelangan ba??

ano makukuha niyo?? putek, tas pag kakausapin mo yung mga taong naninigarilyo ipapagtanggol pa nila yung sigarilyo. the heck with cigarettes. nakakainis. ano gagawin ko?? mismong kuya at tatay at lolo at mga pinsan ko naninigarilyo. badtrip.

sobrang nakakairita, nakakairita. alam naman ng mga taong pinapatay nila yung mga sarili nila pag naninigarilyo sila diba?? nakakainis. sinasabi ko sa inyong KASALANAN ang manigarilyo. ang point nito, sinisira niya ang katawan mo. at, ang katawan mo ay temple ng HOLY SPIRIT kaya masamang sinisira mo ito. pangalawa, parang long-term suicide na rin siya. cigarette = suicide. suicide = murder. murder = sin. by transitivity, CIGARETTE = SIN. mahirap bang maintindihan to?? nakakainis kayo. nakakainis. LECHE YANG NAKADISKUBRE NG SIGARILYO NA YAN. oo, LECHE KA!!!

kaya, WAG NA WAG KAYONG MAGPAKITA SAKING NANINIGARILYO, or better yet, WAG KAYONG MANIGARILYO!!! pag talaga. grrrr. sasapakin ko kayo, pag nakita ko kayong nanigarilyo. seryoso ako. grrrr.

Friday, April 06, 2007

naniniwala ako

pero naniniwala ako sa mga panaginip. naniniwala akong may ibig sabihin ang mga panaginip. kaninang umaga, bago ako nagising, nanaginip ako. sobrang vivid:

may suot akong sapatos. kaso, yung sapatos sa kana't kaliwa ay hindi magkapair. hindi ko maalala kung aling sapatos ang nasa aling paa. pero sure akong magkaiba sila. parehong black. pero, yung isa umiilaw ng pulang ilaw. yung isa naman, umiilaw ng bluish white na ilaw. mas kapansin-pansin yung may pulang ilaw. tapos, hinanap ko yung mga kapares ng dalawang magkaibang sapatos na suot ko. nanghalungkat ako ng mga boxes. search search. kakaiba yung mga shoeboxes sa panaginip ko. hindi sila yung regular na rectangular prisms. may medyo irregular na cylinder na kahong hindi naman talaga oval yung base. bukas. walang laman. basta, ayun. ang nakakatawa ay converse yung brand ng box. e wala naman talaga akong converse na sapatos sa totoong buhay. tapos, isa pang box. hindi rin rectangular. pagkabukas ko, waw, board game. :)) ang galeng. may deck of cards sa taas. tapos, sa wakas, nagising na rin ako.

ang unang pumasok sa utak ko pagkagising ko for some reason ay COMPATIBILITY. ang sapatos na iyon ay magkaiba. naisip kong iapply sa friendship. :)) kasi naman. basta. ang magkaibigan--hindi kailangang magkapareho ng interests, ng ayaw, ng outlook sa buhay, ng perception. pwedeng tahakin ng kanang sapatos ang ibang daan kesa sa kaliwang sapatos. pero, ang mangyayari, hindi sila pwedeng magkahiwalay nang sobra-sobra. merong limits, unless napakagaling magsplit ng paa yung taga-suot; unless si mr. fantastic ang may suot ng sapatos. iimpluwensyahan ng isa ang isa pa. maaari silang magtalo ukol sa kung aling direksyon ang tatahakin. pero, hindi tatagal ay magiging isa lang ang direksyon nila. sabay silang tutungo sa isang direksyon. ang dalawang sapatos ay di kinakailangang magkapareho. ang silbi ng sapatos ay ang pagdala tungo sa isang path. dadalhin ng isang sapatos ang kabilang sapatos. magsasama sila. sa putik, sa semento, sa ulan, sa ice-skating rink, sa sand, sa tae, sa gravel, at sa kung anu-ano pang textures na maiisip mo. one after another, o pwede ring sabay (sa piko). hahaha. ang sapatos, kahit magkaiba, pag iisa ang direksyon, COMPATIBLE pa rin. diba?? agree ka ba? oo, IKAW!!! bwahahahahaha.

ayun, naniniwala ako. naniniwala akong may ibig sabihin ang mga panaginip. naniniwala akong kahit magkaiba ang ating hilig, COMPATIBLE tayo, kaibigan, yeh. bow.

Thursday, April 05, 2007

hindi ako naniniwala

hindi ako naniniwala sa mga psych tests na mga yan. hindi ako naniniwala sa numerology, o sa mga tickle tests, o kaya yung mga personality tests. naiirita lang ako lalu pag lumalabas na yung results tas tunog-nagmamarunong yung resulta. tulad na lamang ng "what your name means". ang pointless pointless nun. kasi, ang gagawin mo, itytype mo yung full name mo, tapos, may lalabas na results based dun sa name mo (sa number of letters, vowels, etc.).

inuulit ko, hindi ako naniniwala sa mga ganito. hullo?? papaniwalaan mo ba yung irrational conclusions na ginagawa ng mga astrologists, numerologists, o kaya palm readers?? e san ba nila binase yung conclusions nila?? sa pangalan?? sa mga linya ng kamay?? sa mga tala?!! ang stupid nun. so presumptuous. haha. duh!! bakit mo mas papaniwalaan yung mga test-test na mga yan kesa sa sarili mo? diba? e ni hindi mo nga pinili yung pangalan mo, yung kamay mo!! siyempre yung personality mo, in a sense, di mo rin pinili. parang preset na yun e. pero, still, hindi magdedepend sa kamay mo, o sa mga letra ng pangalan mo, yung personality mo.

duh!! kaya naman, di rin ako naniniwala sa FLAMES o kaya sa love compatibility tests. huh?? ang galing talaga no?? pati chemistry namemeasure na sa pangalan? hullo?? bakit?? siguro naman alam nating lahat na ambabaw babaw ng basis. pangalan?? o kaya naman birthdate? angkorni. tas natatawa akong andaming paniwalang-paniwala sa mga ganun. siguro, ginagawa lang natin siya for fun. oo, kasama yun. pero, huh?? anong makukuha natin. ang sinasabi ko lang, hindi dapat mas paniwalaan yung mga tests na yan. dapat, mas paniwalaan niyo yung mga sarili niyo. hindi por que't yun na yung result e gagayahin mo na. huh? mas malabo to. ano yun? para mag-fit in sa pangalan mo?? hahaha. walang ibang mas nakakaalam ng kung ano ka. duhuh. kaya, hindi ako naniniwala sa mga psych test psych test. bow.

Wednesday, March 28, 2007

maraming bagay ang nangyayari

oo na, naisip kong magsulat tungkol sa grad, o sa pisay, o sa grad ball, o sa 07, o sa clearance, o sa str, atbp., pero hindi niyo mababasa rito yun. nakakatamad e. besides, ano pa ba ang pwedeng maisulat?? mga "mamimiss ko kayo"? o kaya mga "sa wakas wala nang econ"?!

ngek. eto na lang.
maraming bagay ang nangyayari ngayon.
tulad na lamang ng hostage taking ng kabataan, o kaya naman yung sabay-sabay na pagbagsak ng pickup-sticks sa isang kindergarten, o kaya naman yung mabilis na metastasis sa mga may lung cancer, o kaya naman yung paninigarilyo ng kuya ko.
e pake ko ba? hindi ko pasan ang mundo. kaya naman, magkwekwento na lang ako sa kung ano ang meron sa akin.

edi ayun. masasabi kong nabawasan yung OP'ing. wala lang. pero di pa rin mamamatay yang mga sabi-sabi nila. mas kilala natin ang sarili natin kesa sa pagkakakilala ng ibang tao. kaya itigil na ang siraan ng phone. oo, alam natin na di tayo kuntento sa mga selepono natin, pero sana pahalagaan din natin sila. ano ba? cheap na nga sila, sisirain pa. :))

at eto pa. grad gift?? dad, sana nababasa mo to. :)) gusto ko nun. pramis.

eto pa. mundo. tumigil ka na nga sa kaka-impress sakin. alam kong ginagawa mo yan sa lahat. pero mas may impressive pa sayo, tanggapin mo na yun. :))

ayoko na nga. currently feeling excited for college. and the shooting. :))

tungkol naman sa aprika. sana less hunger para sa mga gutom.
at sa pilipinas. sana tamang daan ang tahakin mo.
at sa djibouti. sana mas maraming tao ang makaalam na may ganun pala sa mundo.

Friday, March 16, 2007

PRAISEFEST

PRAISEFEST 2007

THIRST QUENCHER:
is He in you??

march.22.2007.thurs.4-8pm.pshs.open.field.

"Yet a time is coming and has now come when the true worshipers will worship the Father in spirit and truth, for they are the kind of worshipers the Father seeks. God is spirit, and His worshipers must worship in spirit and in truth."
- John 4:23-24

Thursday, March 15, 2007

unti-unti

unti-unti nang naglalaho ang mga salita
unti-unti nang namamatay ang blog na ito
di ko akalain na hanggang 506 lang ang kaya nito sa sitemeter (as of now)
unti-unti nang nawawalan ng saysay ang existence nito
unti-unti nang nakakatamad magtype nang magtype
di ko akalain na 19 days nang walang nagtatag
at yung huling tag pa ay "dumaan ako"
e kung patayin ko na kaya to nang tuluyan
wala naman masyadong nagtatag e
yung mga mismong ineexpect kong magtatag, yun pa yung hindi

unti-unti akong nalulumbay sa palapit na katapusan
unti-unti akong mabubuhay nang panibago
nananawagan ako sa mga matapat na mga bisita ng site na ito, magtag naman kayo
nananawagan ako sa mga hindi tapat, maging tapat naman kayo, at magtag na rin kayo
hahahah. pathetic. konti na lang. patapos na. ayan. hahaha. mabuhay ka nga.

Saturday, February 03, 2007

to someones

be glad that i don't miss you
it means that i'm always with you
be glad that i often fight with you
it means that i still spend time with you
be glad that i don't appreciate you
it means that i'm used to what you do
be glad that at times, i want you to shoo
it means that i want you not to follow the bad i do
be glad that i move away from you
it means that i want to save hurt from you
be glad that i don't sing with you
it means that i'm listening to you
be glad that i sometimes give you a boo
it means that i like fixing you
be glad that i am possessive too
it means that i fail not to see your value
be glad that i treat you the way i do
it means that i care for you

Sunday, January 21, 2007

creepy

this is weird. i sang a song for whatever unknown reason, and as i finished, the radio played the same old song. it could not have been classified weird had the radio played novelty songs that are constantly repeated 70254 times each day. but lo and behold, the song i sang was a has-been famous only a million days ago. and no, it was never called a classic. in fact, i never questioned myself why i sang that stupid song, when i rarely sing boy-band songs. (yeah, this is one reason why i don't want to mention the title of the song. the other is i totally forgot the song as i typed).

believe me, it was weird. for one, i never really liked the long-dead song. and two, it played on the radio as soon as i finished. of all the thousands of song-choices, i sang the song right before the radio played it. of all the thousands of song-choices, the radio played it right after i sang it. and, it may not have been coincidental, just like what you would have thought if Boom Tarat-Tarat was the song, but it came to me as a sign.

recently, i felt that my voice decayed (yeahba, earthened). my fingers land on other keys when playing the piano. the bongos hate my hands. i'm not as good with doing second voice as i used to be. i can't reach the high note of MARIA. and i rarely remember the proper breathing when singing. and now, i suck with the piano. i feel more sucky-sucky with music. music, be with me again. argh.

this recently was actually just today. and as i flew down the stairs after practicing for himig and the west side story, i sang this boy-band song. this boy-band song, which i never really liked. but sang it, inserting yaddahs and blahs in between lines of unknown lyrics. but, i sang it, never liked it (and never will). but, after i sang, the radio played it for me, as if telling me either of the following: that music will never leave me, or that the radio played the song better than my rendition (having the in-your-face attitude).

with crossed fingers, i take the former. gack, music, be with me.



Saturday, January 20, 2007

117

I
there are more than a thousand ways to strip the heading
but only two matter to me--

one is the general telephony
wherein help begets help
one is the more general history
wherein words conspire for a lot:

II
soloes and fleeing--
three

that's how it feels when the world commended
a man hid under the tree
a fish carved into the heart
a song left undone

III
soloes and fleeing--
three
three
two made it so

117
one hundred and seventeen
odd? prime?
one hundred and seventeen