Friday, November 03, 2006

panaginip

woohoo!!! dahil sabi ni andoy na ipost ko to para di ko malimutan...

matagal-tagal na rin akong di nananaginip o kaya'y matagal-tagal na rin akong di makaalala ng mga napanaginipan kaya't tuwang-tuwa ako ng bumalik sa akin ang aking mga panaginip isang araw.
after kong mag-igib ng tubig sa dorm (anlabo kasi ng tubig sa 3rd floor sa dorm eh), natulog ako ule. mga 5:30 na nun. tas nanaginip ako. dalawa actually yung naaalala ko.

dream 1.
pinage ako sa dorm. blah blah blah please come down blah blah. tas, bumaba ako. pagkababa ko, ang astig ng dorm lobby, biglang naging gym lobby, yung sa labas ng pool. tapos, nandun si Dra. Batoon, ang ating school physician. iinterviewhin niya raw ako. woohoo. para sa field bio (kasi sa real world, gagawa si sir espinas ng mini-film tungkol sa field bio). tas may nagpipingpong. tas kalabuan na. wala nakong maalalang nangyari afterward.

dream 2.
bumaba ako sa sasakyan. kasama ko yung family ko. astig, nasa Hongkong kami. waha. andaming foreigners. hi ako nang hi. hey. what's up. sa foreigners. nyak. tapos napansin kong wala akong tsinelas. naglakad ako nang naglakad sa hongkong nang walang tsinelas. haha. tas gising.

tas ang nakakatuwa, pagkagising ko, past 6, nagising din si andrew. bumangon siya at naglakad papuntang cabinet. ako naman, maglalakad na rin papuntang banyo nang napansin kong wala ang aking tsinelas. so unconsciously, naglakad ako nang walang tsinelas. haha. does it ring any bells??? haha. oo, naglakad ako papunta kay andrew nang walang tsinelas kasi dinekwat niya ang aking tsinelas. aliw. yun yung napaniginipan ko diba? naglalakad nang walang tsinelas. haha. kasi, yun yung highlight ng aking panaginip, kaya nakakatuwa. nangyari yung aking panaginip just after kong magising. kaso, nasa pilipinas pa rin ako nung nagising ako. haha. aliw. that dream made my day. oo, alam kong mababaw. pero pag madalas malungkot ang isang tao, ang mga mababaw na bagay ay sufficient na para pasiyahin siya. nyak, drama. joke. ayan. seriously, it made my day. someday, baka ako ay maging soothsayer prophet. haha. ansaya niya. sobra.

tas dito ko naalala na ten gatchillion months ago, nung ako'y nasa condo namin dito sa maynila. last school year ata. nagising ako, tas medyo half-gising lang ako nun. naglakad ako pababa, papunta sa dining area. derederetso lang ako nun. half-closed yung eyes ko. tas, habang ako'y sumusubo ng pagkain, one word kept ringing in my head. AMPARO. AMPARO. AMPARO. hindi yung caf manager natin. tas naisip ko, san ko naencounter yung word na yun? tas after kong maisip yun, naisip ko next yung LEVISTE. tas, right after kong kumain, tumingin ako sa kalendaryo. nyak, yung sponsor address ay blah blah Leviste St. (formerly Amparo). at never kong tinitingnan yung kalendaryo sa condo namin. kasi meron ako sa phone. tas medyo titingin ka pataas (to the point na pag matagal kang nakatingin ay magkaka-stiff neck ka) para lang makita ang kalendaryong yun. tas
nagulat ako. hah? unang-una, bat ako tumingin sa kalendaryo? tas, pano ko alam yung address ng sponsor na yan? sa dinami-dami ng sponsors. ang weird kasi never akong tumitingin sa calendar. at kung titingin man ako, di ko papansinin yung sponsors. ang galing. sobra. tas pumipikit-pikit pa ako nung tinitingnan ko yung pagkain ko. grabe. disturbing. creepy. pero ang astig. haha.

kaya yun, naisip ko. kung medyo mas naapply ko lang ang aking subconscious mind, siguro nanalo na ako sa Nobel. o kaya nadiskubre ko na ang gamot para sa cancer. o kaya naforesee ko na ang mangyayari sa aking career.

sana lang mas naaapply ko lang ang aking subconscious mind, mas konti lang ang aking masasagasaan, tas mas masaya sana ako. at mas efficient at effective.

anyway, bukod sa panaginip 2 ko, ang nagpasaya sakin ngayong araw ay ang grade ko sa cs. ang galing, three steps up. san ka pa? ahaha. woohoo. idol. pero wala pa rin akong pakialam sa grades ko from now on. ayoko ko nang maging gc; ayoko nang magpakahirap para sa self-proclamation lamang. haha. stop. kaya napagdesisyunan ko nang, mag-li-low basta wag lang bumagsak.

No comments: