para sa nangyari kanina
sa batang kanina ko lang nakita,
pwede naman sana sa bahay diba?
at kung habulan ang pakay mo,
e baka hinga mo ang habulin ko.
sa batang kanina ko lang nakita,
karumal-dumal ang nangyari kanina.
alam mo bang kasalanan mo rin yun?
pero di kita masisi dahil dun.
sa batang kanina ko lang nakita,
eh nasan na ang iyong minamahal na ina?
baka naman bahay mo iyon?
nakakahiya naman, labas-pasok kami noon.
sa batang kanina ko lang nakita,
paumanhin naman o. kami'y kahiya-hiya
sabi nga nila: tingin sa kaliwa't kanan;
eh kung magkaharangan muli tayo sa daan??
sa tsuper na ngayon ko lang din nakita,
wag kang mag-alala, tama ang iyong ginawa
pero hindi nga lang lahat: iniwan mo siya
siya na may hawak ng pera
sa tsuper na ngayon ko lang din nakita,
halatang ikaw ay nataranta, oo, halata
dahil bigla kang sumugod nang makasakay
si mamang alam kung san ang pakay
sa kaibigang kilalang-kilala,
ang tangkad mo talaga,
kahit na alam kong madali kang mapikon
(aminin)tandaa'y ako'y nandito't naroon
sa kaibigang apektado't tarantang-taranta,
sana nga, nagkapalit tayo nun, sana nga,
sana ang tsinelas ko nun ang suot mo't
gayun din, sa iyo yung aking suot
singit: sa baklang wala dun sa eksena,
sobrang nakakatawa ka, oo, sobra
ampanget mo kaya, mas maganda kang flat-chested, natural
haay! ako'y nababaliw sa katatawa sa gilid mong liberal
singit ule: sa baklang wala dun sa eksena,
bat ka retokada? ikaw ba'y mayaman sa pera?
haha. mukha ka talagang empanada.
(sorry, masama nga ang manlait, alam ko yun ah)
sa itay na dati ko pa nakilala,
pasensya't kami'y nambulabog, pasensya
salamat sa pagiging matalino
at sa pagtanggap sa kahit kanino
sa itay na dati ko pa nakilala,
salamat sa libre mo, ok lang ba?
grabe, kung di kami nalate, kung hindi po
maaring "nadagdagan" namin ang iyong pamasko
sa Itay na aking minamahal nang sobra,
sobrang nararamdaman talaga kita,
salamat Tay a, kahit na ako'y nagkasala
salamat Tay a, salamat Tay a.
No comments:
Post a Comment