Tuesday, September 04, 2007

bugto

Mahirap pala ang maging only child. Kung sa katotohanan ay may kuya ako, sa ngayon, parang only child na lang ako. May sarili na nga kasi siyang pamilya e. At ngayon, nararanasan ko ang mga nararanasan ng mga orphans. Yung orphans na wala sa orphanage. Kasi, ayun nga, mag-isa lang ako ngayong kolehiyo. Walang magulang. Walang kuya. Wala nang dormdorm. Kaya, challenge. hightech diba?

Kung kayo may mga kapatid, mapabunso, ate, kuya, o katwin (fraternal/dizygotic o identical/monozygotic), maswerte kayo. Lubus-lubusin niyo na ang pagkakaron ng kapatid. Dahil mahirap talaga ang maging mag-isa. Oo, maraming nagsasabi na maganda to, kasi training for independence daw. Pero opportunity cost naman nito ang paghaharden ng puso dahil sa pangangailangan. Kelangang hindi sila mamiss. Kelangang hindi mahomesick. Kelangang goal-oriented. Ganoon ang buhay estudyanteng mag-isa.

Kung may mga bagay na hindi niyo magustuhan sa kapatid niyo, intindihin niyo. At matuwa kayo dahil nagigi kayong saksi sa mga kilos niya. Ako mismo, ayaw na ayaw ang paninigarilyo ng kuya ko. Bad breath na nga, dilaw pang ngipin, ugat ng lung disorders, pangit na balat, at lahat ng negatibo. Pero at least noon, nakikita ko yun. Ngayon, malay ko ba, parang wala na akong alam tungkol sa kanya. Alam niyo naman siguro ang pakiramdam ng may kasama sa bahay na pwede mong mapagkatiwalaan ukol sa mga bagay-bagay diba? Ako hindi e. :)) Hindi kasi ako nagkaron ng pagkakataon na makilala ko yung kuya ko e. Onganaman, 4-year gap. Pag nagbubuddy bonding kami ni kuya jeremy na halos 5 years na ang gap namin ay naiisip ko ang kuya kong di ko nakilala nang gaano. Parang mas kilala ko pa si Kuya Jeremy na dalawang buwan pa lang ang nakalilipas nang makilala ko siya. Nakakasakit isipin na hindi ako nabigyan ng pagkakataon. E dadalawa lang kami. Nakakalungkot diba? Kaya, naging only child na nga lang ako ngayon. Pero mas madalas akong maging orphan kaysa maging only child. Kahit yung mga magulang ko, madalang kong makapiling.

Paano ko mapapakita sa kanila ang pagmamahal at pasasalamat ko kung hindi ako mabigyan ng pagkakataon. Ng ENOUGH na pagkakataon. wala lang. Mabuti kayo. Kayang kaya niyo.

Kaya, wag magpakalonely. Kumain din ng sinabawang gulay para masustansya.

Ngayon, lunod na lunod na ako sa Legendre, proteasomal pathway, Ubiquitin tags, xenotransplantation, logarithms, Ozymandias, at the indolence of the Filipinos. Not to mention (nge, minention ko rin) my own problems, struggles, weariness, lack of control and discipline, and love. :)) kidding.

Kaya kung hirap kayong pag-isipan kung anong regalo ipapaFedex niyo sakin, madali lang. Pagkakataon. Pagkakataon na maranasan ang mga nadeprive sakin na normally mararanasan ko dapat.

Ayuk!!! :))

1 comment:

Anonymous said...

magKALAI ka na kasi next sem :P haha.