Friday, April 06, 2007

naniniwala ako

pero naniniwala ako sa mga panaginip. naniniwala akong may ibig sabihin ang mga panaginip. kaninang umaga, bago ako nagising, nanaginip ako. sobrang vivid:

may suot akong sapatos. kaso, yung sapatos sa kana't kaliwa ay hindi magkapair. hindi ko maalala kung aling sapatos ang nasa aling paa. pero sure akong magkaiba sila. parehong black. pero, yung isa umiilaw ng pulang ilaw. yung isa naman, umiilaw ng bluish white na ilaw. mas kapansin-pansin yung may pulang ilaw. tapos, hinanap ko yung mga kapares ng dalawang magkaibang sapatos na suot ko. nanghalungkat ako ng mga boxes. search search. kakaiba yung mga shoeboxes sa panaginip ko. hindi sila yung regular na rectangular prisms. may medyo irregular na cylinder na kahong hindi naman talaga oval yung base. bukas. walang laman. basta, ayun. ang nakakatawa ay converse yung brand ng box. e wala naman talaga akong converse na sapatos sa totoong buhay. tapos, isa pang box. hindi rin rectangular. pagkabukas ko, waw, board game. :)) ang galeng. may deck of cards sa taas. tapos, sa wakas, nagising na rin ako.

ang unang pumasok sa utak ko pagkagising ko for some reason ay COMPATIBILITY. ang sapatos na iyon ay magkaiba. naisip kong iapply sa friendship. :)) kasi naman. basta. ang magkaibigan--hindi kailangang magkapareho ng interests, ng ayaw, ng outlook sa buhay, ng perception. pwedeng tahakin ng kanang sapatos ang ibang daan kesa sa kaliwang sapatos. pero, ang mangyayari, hindi sila pwedeng magkahiwalay nang sobra-sobra. merong limits, unless napakagaling magsplit ng paa yung taga-suot; unless si mr. fantastic ang may suot ng sapatos. iimpluwensyahan ng isa ang isa pa. maaari silang magtalo ukol sa kung aling direksyon ang tatahakin. pero, hindi tatagal ay magiging isa lang ang direksyon nila. sabay silang tutungo sa isang direksyon. ang dalawang sapatos ay di kinakailangang magkapareho. ang silbi ng sapatos ay ang pagdala tungo sa isang path. dadalhin ng isang sapatos ang kabilang sapatos. magsasama sila. sa putik, sa semento, sa ulan, sa ice-skating rink, sa sand, sa tae, sa gravel, at sa kung anu-ano pang textures na maiisip mo. one after another, o pwede ring sabay (sa piko). hahaha. ang sapatos, kahit magkaiba, pag iisa ang direksyon, COMPATIBLE pa rin. diba?? agree ka ba? oo, IKAW!!! bwahahahahaha.

ayun, naniniwala ako. naniniwala akong may ibig sabihin ang mga panaginip. naniniwala akong kahit magkaiba ang ating hilig, COMPATIBLE tayo, kaibigan, yeh. bow.

Thursday, April 05, 2007

hindi ako naniniwala

hindi ako naniniwala sa mga psych tests na mga yan. hindi ako naniniwala sa numerology, o sa mga tickle tests, o kaya yung mga personality tests. naiirita lang ako lalu pag lumalabas na yung results tas tunog-nagmamarunong yung resulta. tulad na lamang ng "what your name means". ang pointless pointless nun. kasi, ang gagawin mo, itytype mo yung full name mo, tapos, may lalabas na results based dun sa name mo (sa number of letters, vowels, etc.).

inuulit ko, hindi ako naniniwala sa mga ganito. hullo?? papaniwalaan mo ba yung irrational conclusions na ginagawa ng mga astrologists, numerologists, o kaya palm readers?? e san ba nila binase yung conclusions nila?? sa pangalan?? sa mga linya ng kamay?? sa mga tala?!! ang stupid nun. so presumptuous. haha. duh!! bakit mo mas papaniwalaan yung mga test-test na mga yan kesa sa sarili mo? diba? e ni hindi mo nga pinili yung pangalan mo, yung kamay mo!! siyempre yung personality mo, in a sense, di mo rin pinili. parang preset na yun e. pero, still, hindi magdedepend sa kamay mo, o sa mga letra ng pangalan mo, yung personality mo.

duh!! kaya naman, di rin ako naniniwala sa FLAMES o kaya sa love compatibility tests. huh?? ang galing talaga no?? pati chemistry namemeasure na sa pangalan? hullo?? bakit?? siguro naman alam nating lahat na ambabaw babaw ng basis. pangalan?? o kaya naman birthdate? angkorni. tas natatawa akong andaming paniwalang-paniwala sa mga ganun. siguro, ginagawa lang natin siya for fun. oo, kasama yun. pero, huh?? anong makukuha natin. ang sinasabi ko lang, hindi dapat mas paniwalaan yung mga tests na yan. dapat, mas paniwalaan niyo yung mga sarili niyo. hindi por que't yun na yung result e gagayahin mo na. huh? mas malabo to. ano yun? para mag-fit in sa pangalan mo?? hahaha. walang ibang mas nakakaalam ng kung ano ka. duhuh. kaya, hindi ako naniniwala sa mga psych test psych test. bow.

Wednesday, March 28, 2007

maraming bagay ang nangyayari

oo na, naisip kong magsulat tungkol sa grad, o sa pisay, o sa grad ball, o sa 07, o sa clearance, o sa str, atbp., pero hindi niyo mababasa rito yun. nakakatamad e. besides, ano pa ba ang pwedeng maisulat?? mga "mamimiss ko kayo"? o kaya mga "sa wakas wala nang econ"?!

ngek. eto na lang.
maraming bagay ang nangyayari ngayon.
tulad na lamang ng hostage taking ng kabataan, o kaya naman yung sabay-sabay na pagbagsak ng pickup-sticks sa isang kindergarten, o kaya naman yung mabilis na metastasis sa mga may lung cancer, o kaya naman yung paninigarilyo ng kuya ko.
e pake ko ba? hindi ko pasan ang mundo. kaya naman, magkwekwento na lang ako sa kung ano ang meron sa akin.

edi ayun. masasabi kong nabawasan yung OP'ing. wala lang. pero di pa rin mamamatay yang mga sabi-sabi nila. mas kilala natin ang sarili natin kesa sa pagkakakilala ng ibang tao. kaya itigil na ang siraan ng phone. oo, alam natin na di tayo kuntento sa mga selepono natin, pero sana pahalagaan din natin sila. ano ba? cheap na nga sila, sisirain pa. :))

at eto pa. grad gift?? dad, sana nababasa mo to. :)) gusto ko nun. pramis.

eto pa. mundo. tumigil ka na nga sa kaka-impress sakin. alam kong ginagawa mo yan sa lahat. pero mas may impressive pa sayo, tanggapin mo na yun. :))

ayoko na nga. currently feeling excited for college. and the shooting. :))

tungkol naman sa aprika. sana less hunger para sa mga gutom.
at sa pilipinas. sana tamang daan ang tahakin mo.
at sa djibouti. sana mas maraming tao ang makaalam na may ganun pala sa mundo.

Friday, March 16, 2007

PRAISEFEST

PRAISEFEST 2007

THIRST QUENCHER:
is He in you??

march.22.2007.thurs.4-8pm.pshs.open.field.

"Yet a time is coming and has now come when the true worshipers will worship the Father in spirit and truth, for they are the kind of worshipers the Father seeks. God is spirit, and His worshipers must worship in spirit and in truth."
- John 4:23-24

Thursday, March 15, 2007

unti-unti

unti-unti nang naglalaho ang mga salita
unti-unti nang namamatay ang blog na ito
di ko akalain na hanggang 506 lang ang kaya nito sa sitemeter (as of now)
unti-unti nang nawawalan ng saysay ang existence nito
unti-unti nang nakakatamad magtype nang magtype
di ko akalain na 19 days nang walang nagtatag
at yung huling tag pa ay "dumaan ako"
e kung patayin ko na kaya to nang tuluyan
wala naman masyadong nagtatag e
yung mga mismong ineexpect kong magtatag, yun pa yung hindi

unti-unti akong nalulumbay sa palapit na katapusan
unti-unti akong mabubuhay nang panibago
nananawagan ako sa mga matapat na mga bisita ng site na ito, magtag naman kayo
nananawagan ako sa mga hindi tapat, maging tapat naman kayo, at magtag na rin kayo
hahahah. pathetic. konti na lang. patapos na. ayan. hahaha. mabuhay ka nga.

Saturday, February 03, 2007

to someones

be glad that i don't miss you
it means that i'm always with you
be glad that i often fight with you
it means that i still spend time with you
be glad that i don't appreciate you
it means that i'm used to what you do
be glad that at times, i want you to shoo
it means that i want you not to follow the bad i do
be glad that i move away from you
it means that i want to save hurt from you
be glad that i don't sing with you
it means that i'm listening to you
be glad that i sometimes give you a boo
it means that i like fixing you
be glad that i am possessive too
it means that i fail not to see your value
be glad that i treat you the way i do
it means that i care for you

Sunday, January 21, 2007

creepy

this is weird. i sang a song for whatever unknown reason, and as i finished, the radio played the same old song. it could not have been classified weird had the radio played novelty songs that are constantly repeated 70254 times each day. but lo and behold, the song i sang was a has-been famous only a million days ago. and no, it was never called a classic. in fact, i never questioned myself why i sang that stupid song, when i rarely sing boy-band songs. (yeah, this is one reason why i don't want to mention the title of the song. the other is i totally forgot the song as i typed).

believe me, it was weird. for one, i never really liked the long-dead song. and two, it played on the radio as soon as i finished. of all the thousands of song-choices, i sang the song right before the radio played it. of all the thousands of song-choices, the radio played it right after i sang it. and, it may not have been coincidental, just like what you would have thought if Boom Tarat-Tarat was the song, but it came to me as a sign.

recently, i felt that my voice decayed (yeahba, earthened). my fingers land on other keys when playing the piano. the bongos hate my hands. i'm not as good with doing second voice as i used to be. i can't reach the high note of MARIA. and i rarely remember the proper breathing when singing. and now, i suck with the piano. i feel more sucky-sucky with music. music, be with me again. argh.

this recently was actually just today. and as i flew down the stairs after practicing for himig and the west side story, i sang this boy-band song. this boy-band song, which i never really liked. but sang it, inserting yaddahs and blahs in between lines of unknown lyrics. but, i sang it, never liked it (and never will). but, after i sang, the radio played it for me, as if telling me either of the following: that music will never leave me, or that the radio played the song better than my rendition (having the in-your-face attitude).

with crossed fingers, i take the former. gack, music, be with me.



Saturday, January 20, 2007

117

I
there are more than a thousand ways to strip the heading
but only two matter to me--

one is the general telephony
wherein help begets help
one is the more general history
wherein words conspire for a lot:

II
soloes and fleeing--
three

that's how it feels when the world commended
a man hid under the tree
a fish carved into the heart
a song left undone

III
soloes and fleeing--
three
three
two made it so

117
one hundred and seventeen
odd? prime?
one hundred and seventeen

Monday, December 25, 2006

PASKO!!!

alam mo ba kung san nanggaling yung word na pasko??!! e yung CHRISTmas understandable pa. pero pasko??

uhm. unang-una, anangelo muna. salamat sa mga bumati, ansaya nun, batian. woohoo!!! at eto, may ikwekwento ako. at maswerte kayo kung nabati ko kayo ng maligayang pasko!! lalung lalu na yung mga naka2 to 3 messages from me (boblaks talaga yung phone ko e). hello, ano ba naman? nagkaproblema sa sending. tapos, habang chineck ko pa yung sa contacts ko biglang nag-lowbat. tas, sending. at aba buti na lang nakapagcharge ako agad. *kasi mahirap mag-navigate sa phone pag nag-sesend.* tapos, ang galing, diba pag nagchacharge gumagalaw yung bars sa bat? yung akin, astig, gumagalaw din yung sa signal. so sabay silang gumagalaw, parang christmas decor. hahaha. grabe talaga, fluctuating yung signal. andaming balakid. so ayun, kapag may natanggap kayo, you're very very lucky, fan. pero pag wala, surinalang, (chineck ko lahat ng posibleng macheck sa phonebook ko ah). may pa-defer-defer pang nalalaman yung phone ko ah. ayun, so kung binasa mo to, MALIGAYANG CHRISTMAS!!!! woohoo Xp ayun, kung pwede ko lang sabihin ke santa e, oo na, mag-aapat na taon na sakin yung phone ko, kaya medyo hanging hanging na siya. pero still, nag-susurvive, kaya mahal ko yan. hahaha. pero, sabi nga sa cat, no excuses!!! kaya ano ba?? on to the more important matter!!

ayan. we all know na eto ang birthday ni Christ. kaya kung kaya nating manorpresa ng mga kaklase tuwing kaarawan nila, kaya rin nating mapasaya si Lord, diba??? so ayun, let's just make this day so PERFECT. aha. kasi mahal ko si KRISTO, sobra. woohoo.

let me just take this opportunity to thank my ever loyal bestest best friend. hahaha. andrew. grabe, parang sinama na rin kita sa tacloban. sobra-sobrang salamat. at pasensya ka na kung medyo bangag ako nung kinausap mo ako. nagsesend ako nun ng greetings, kaya medyo bangag-oti. hahaha. pero, salamat talaga. :)

ps, hindi ko rin alam kung ano yung etymology ng pasko. kaya kung alam niyo, inform me.

once again, MALIGAYANG CHRISTMAS!!! soli deo gloria. God bless!!

Saturday, December 23, 2006

can i ask you one favor though?!

can i ask you one favor though...
after all you've asked yes or no
you contemplate on whether life is any better
and hey, can i ask you one favor instead…
can you plan up the events that have all gone ahead??
can i ask you one favor though...
after you've answered with a no and a no
you fly by as if nothing had happened
but hey, let me ask you one favor please...
can you visit my dreams and give me a kiss??
can i ask you one favor though...
you've said that you won't and yet you don't know
that when the time is set, you just can't stop
so ui, can i ask you one favor woohoo…
can you at least shush and move the do??
can i ask you one favor though…
you’ve been very good to me and to everything oh
and though you’re that strong i know you’re badly hurt
because duh, can i ask you one favor above…
can you lend me your love so i can show you all love??
can i ask you one favor though…
you’ve shown me three sides: the good, the bad, the no-no
such that i doubt you instead of your whirling my head
whereas psstch, can i ask you one favor (oh, boo!)…
can you give me a bit of you so i can outlive you??

Monday, December 11, 2006

Reliving the past

…or rather, living the now.

***
Return to the tribe roots

121190
Getting back to Tacloban was not rediscovery for me. It was neo-discovery. I just realized how blind and indifferent I was to my very own family tree.

While my mom and I were waiting at the airport, she was quickly scribbling some digits while I was reading a pocketbook. I asked her what she was doing, and she replied “recounting our expenses….” What? She was writing way too fast. Ako naman, I was shocked. Seriously, I never knew my mom could manage time in split seconds. If I were in her shoes, it would have taken me thirty seconds to remember my expenses for the past two days, and another thirty to remember their prices, and a minute or two to list them, and perhaps another minute to add them all up. But, my mom?? She was multi-tasking: for this split-second she simultaneously remembered the expenses and wrote down their respective prices (without listing the labels), and for that split-second she added them all up like a human calc. Migosh, I was really shocked. I knew her course was accounting, but rapid accounting?? And later that day, my dad would say numbers, and my mom would respond, as if she did not even think, with numbers. Mom was mentalling math?? I was really shocked with her abilities and my unknowing of her abilities. Maybe that was why she was disappointed with my econ grade (there’s a connection between econ and accounting, right?). I wanted to tell her there was such a thing as recessive genes. Perhaps, econ-intelligence is recessive and my dad was not really that good in econ. Haha.

Anyway, due to the typhoon, there were hours without electricity. And, it was damn hot!!! So, Mom and Dad suggested that I visit my grandparents this night. We brought pasalubong. Just some stuff. Well, the important thing is my grandparents. I learned a lot from them that night. They told me their history, and no, it was not very long. Just their academic achievements and more pressure for me. Lolo spoke well again after months of mumbling malarkey. This time, I noticed the authority and power within his regained voice (amid his old age). Dad told my grandpappy about my upcoming graduation. And Lolo responded by bragging about his college life. I do notice my Lolo digesting crosswords daily but I only knew just now that he was cum laude (I dared not ask whether summa or magna, baka mawindang ako lalu) for BOTH his BS E(??) (pre-law course) and his LLB(law)!! What!! More pressure for me, yey!!! He continued with Skolar din ako nun!! Uhm, he just paid for his first semester and the rest was miscellaneous payments. And my mom, goes: he just took his DOST scholarship exam. I wanted to blurt out: Don’t expect too much mom, I’m not so sure with that weird exam.
It suddenly came to me that my granddad became councilor of Tacloban (the people loved him) for a time, and I remember those LOPEZ-stickers posted almost everywhere. My Lolo lived a very meaningful life.
Anyway, to protect myself from more pressure, I bade goodbye.

And, when we reached our car, mom told me about my great-Lolo Paquito (mom’s granddad) who also took law and lived till his nineties. Great-grandpup, as mom told me, read the newspaper by the age of ninety, WITHOUT glasses. WHOA! Really?? All I knew was that he chomped veggies for all of his life. He was a great lawyer too, like my dad and my granddad. No sooner was my mom’s story interrupted than my dad exclaimed FLAT!! Haha. What the hell? So we had to wait for a few minutes. I stared blankly at the candle, the car, and the very clear stars; they all stared back at me by doing what they did: the candle burned in the wind, the car stood where it was, and the stars twinkled. And we had to wait…

“Likewise every good tree bears good fruit, but a bad tree bears bad fruit.” Mt. 7:17 (NIV)

***
Quote of the day::

“When you’re rotten about yourself, you become rotten to everyone else, even those you love.”
- Mitch Albom, for one more day

Sunday, December 03, 2006

para sa nangyari kanina

sa batang kanina ko lang nakita,
pwede naman sana sa bahay diba?
at kung habulan ang pakay mo,
e baka hinga mo ang habulin ko.

sa batang kanina ko lang nakita,
karumal-dumal ang nangyari kanina.
alam mo bang kasalanan mo rin yun?
pero di kita masisi dahil dun.

sa batang kanina ko lang nakita,
eh nasan na ang iyong minamahal na ina?
baka naman bahay mo iyon?
nakakahiya naman, labas-pasok kami noon.

sa batang kanina ko lang nakita,
paumanhin naman o. kami'y kahiya-hiya
sabi nga nila: tingin sa kaliwa't kanan;
eh kung magkaharangan muli tayo sa daan??

sa tsuper na ngayon ko lang din nakita,
wag kang mag-alala, tama ang iyong ginawa
pero hindi nga lang lahat: iniwan mo siya
siya na may hawak ng pera

sa tsuper na ngayon ko lang din nakita,
halatang ikaw ay nataranta, oo, halata
dahil bigla kang sumugod nang makasakay
si mamang alam kung san ang pakay

sa kaibigang kilalang-kilala,
ang tangkad mo talaga,
kahit na alam kong madali kang mapikon
(aminin)tandaa'y ako'y nandito't naroon

sa kaibigang apektado't tarantang-taranta,
sana nga, nagkapalit tayo nun, sana nga,
sana ang tsinelas ko nun ang suot mo't
gayun din, sa iyo yung aking suot

singit: sa baklang wala dun sa eksena,
sobrang nakakatawa ka, oo, sobra
ampanget mo kaya, mas maganda kang flat-chested, natural
haay! ako'y nababaliw sa katatawa sa gilid mong liberal

singit ule: sa baklang wala dun sa eksena,
bat ka retokada? ikaw ba'y mayaman sa pera?
haha. mukha ka talagang empanada.
(sorry, masama nga ang manlait, alam ko yun ah)

sa itay na dati ko pa nakilala,
pasensya't kami'y nambulabog, pasensya
salamat sa pagiging matalino
at sa pagtanggap sa kahit kanino

sa itay na dati ko pa nakilala,
salamat sa libre mo, ok lang ba?
grabe, kung di kami nalate, kung hindi po
maaring "nadagdagan" namin ang iyong pamasko

sa Itay na aking minamahal nang sobra,
sobrang nararamdaman talaga kita,
salamat Tay a, kahit na ako'y nagkasala
salamat Tay a, salamat Tay a.

Thursday, November 30, 2006

weh

Sa oras na malaman kong nagkakandahirap magtrabaho ang mga magulang ko, magpapakalbo ako. Langhiya kang skolar ng bayan, skolar ka pa man din. Hindi ba sapat na libre ang pag-aaral mo sa apat na taon mo sa hayskul? Tas marami ka pang opportunities sa college. Eh bat ang imoral mo? Di mo ba sineseryoso ang valed? waah.
Tas siguro leech ka sa mga magulang mo noh? Kasi, iniisip mo ang sarili mo. Sarili mo lang at wala ng iba. Kahit ang mga kaklase mo, o kaya ang mga tao sa paligid mo. Kung ganon, matuto ka. Matuto kang mag-isip. Hindi mag-isip tungkol sa econ, o kaya sa physics, chem o bio. Isipin mo ang sarili mo. Isipin mo ang iba sa sarili mo. Gets mo? Oo, siyempre. Matalino ka raw e. Pero pagdating sa non-acads, antanga mo. pasensya na for the foul language. pero yun talaga ang apt word na magdedescribe sa pakikitungo mo sa sarili't sa iba. ganun ka rin ka-foul. wala ka bang konsyensya? Isipin mo naman. Malapit na ang pasko. Ibig sabihin dapat magprepare para sa araw ng kapanganakan ni Hesus.
Salamat nga pala sa pics at sa ID. Alam ko namang di mo matitiis na hindi hablutin ang ID ko diba? haha. Pero ang galing mo rin, napigilan mo. Salamat naman. At nakita mo ba yung Krus? Maligayang Pasko ang aming bati... Wag mong kakalimutang magregalo ah? Wag mong ubusin sa DOTA. thanks. Woohoo. Mag-isip ka. please.

Sunday, November 26, 2006

older??

I've had enough. Am I really that old? Before, when I was to watch R13 movies, I always put on a delay as I needed to show my ID and exclaim "in your face" to the security. I mean, those were the times when I looked younger than I actually was. But now, I've had numerous encounters with people from all walks of life seeing me older than I actually am. I'm not actually annoyed. (hint, hint... sarcasm! ehem) The very fact that I have to tell them what my real age is is the thing. Why do I have to disprove them everytime they think I'm older? waah. Do I have to do this a dozen times? But seriously, I had moustache before; and now, I'm shaving it because of CAT. Partida, I'm shaving na nga and I still look older. Grrr. I'm sorry for being too shallow but I'm annoyed at how people think I'm older. Grr.

Anyway, I may look physically older, but what's important is I have grown inside (the non-physical aspects). I don't care about what people think. I don't care if I'm CHANGING and if people want me to be my old self back. I'm growing and it's part of life. I mean, if I really ought to be who I was before because of damn fate, then hope not for it to come by so easily. Maybe I need TIME. I need TIME. and I need TIME. I'm affected by people who are affected at how I choose to be. I don't care if people contradict my motions, but I do care for people who get infected by my moodiness. All I want to say is, LEAVE ME BE. PLEASE.

I don't like people who push too much, trying to convince me to be like this or like that. Ok? So don't go about shoving me with hurtful words.

because... I am what I am and that's all that I am 'cause I'm Popeye the sailor man toot toot

people change. things change. in this world, everything changes.

Sunday, November 19, 2006

well-bonded


Boredom during STR, originally uploaded by joanna ü.

choo-choo. chitty-chitty. choo-choo. whoot-whoot. tell me what you see. is it a train, a caterpillar, or a single-strand DNA??? (Okazaki fragments)

nyok. i love gluon so much. woah, we always find ways to laugh our hearts out altogether and grunt dividedly on our very own personal stuff. grats gluon for making it to the paskorus finals. woohoo.

"we love our bread, we love our butter, but most of all, we love each other"

credits: joey for the photo.

i'm still under construction

I change. You change. Everything changes. Anything goes. We grow. Rise and Fall.

Nothing matters as much as GOD matters to me.

Saturday, November 04, 2006

paumanhin

manghihingi lang ako ng paumanhin kay joji na naging partner ko sa dalawang articles sa engjourn. hindi mo ako sinabihan. wala akong naitulong. tas, nasadden ka isang time dahil sa rumor na 3.00 ang tenta mo sa engjourn. e pano na lang kaya ako, diba? pero, anlabo, kasi tumaas pa ako sa engjourn matapos na hindi ko ipasa ang aking fairptdrive article. tsaka matapos na mainis ako nang sobra-sobra sa ating gurong walang ka-simpa-simpatya. tsaka matapos akong magcut-class kasi niloko ako ng ating magaling na teacher. tsaka matapos akong magcut-class nang mas marami pa dahil nainis ako sa pagrerecord ng aking pagkacut-class eh ni hindi ko man lang yun official elective. parang di niyo na ako pinakawalan sa engjourn.

aynako. mas lalo akong nainis sa engjourn. tsaka, hindi ko matanggap ang grade kong 1.25. sino ba nagbigay niyan? ang ating gurong may pake sa mga estudyante niya. ano ba? 1.25. take note, di ako nabababaan diyan. pero nagrereklamo ako. nagrereklamo akong 1.25 ako, eh nag-cutclass ako at wala akong ininput na effort sa engjourn. samantalang ang mga tulad ni joji na nagpasa ay mababa. tsaka, si henson, bat mas nataasan ko pa siya eh nagpasa naman siya ah. ako, wala akong ginawa. sa totoo'y late pa nga ang dalawang articles na sinolo ni joji. sorry ule joji. tas di ko man lang ginawa ang aking fairptdrive. tapos, 1.25 ako? aba. ayoko. deserve ko ang bagsak. deserve ko ang bagsak. bagsak sa aking unofficial elective. pwede ba? please, sir...

tsaka, kumpede lang, i resign. i quit. i won't give up writing, but i quit. i QUIT. wala nang ginawang maganda ang engjourn sakin dahil sa naiinis ako. anlabo ng teacher natin. anlabo niya. it was clear beforehand na:

"hindi niya ako gragraduhan. hindi niya ipapasa ang aking pangalan sa registrar na kasama sa mga estudyante niya. ako'y nagmagandang loob na tutulong lamang sa engjourn para may gawin ako tuwing elective time."

pero, lahat ay nabaliktad. naiinis ako, partly dahil nawalan ako ng slot sa presscon; partly dahil, wala siyang respeto sa estudyante niya (Bat niya ba naman ako itutulak with a finger pointed at my forehead while at the three-step stairs sa may backlob? im not even your official student. duh.) and, let me just point it out na adult ka na at ako'y bata pa. hindi kailangang manulak. hindi mo ako kailang ipwersa. kasi i have to have my freedom. hindi ko naman pinapamukha sayo directly and physically na i hate you diba? pero bat mo ipapamukha sakin na ayaw mo sakin? argh. i hate you. and this is the biggest part why i hate engjourn too. argh.

Friday, November 03, 2006

panaginip

woohoo!!! dahil sabi ni andoy na ipost ko to para di ko malimutan...

matagal-tagal na rin akong di nananaginip o kaya'y matagal-tagal na rin akong di makaalala ng mga napanaginipan kaya't tuwang-tuwa ako ng bumalik sa akin ang aking mga panaginip isang araw.
after kong mag-igib ng tubig sa dorm (anlabo kasi ng tubig sa 3rd floor sa dorm eh), natulog ako ule. mga 5:30 na nun. tas nanaginip ako. dalawa actually yung naaalala ko.

dream 1.
pinage ako sa dorm. blah blah blah please come down blah blah. tas, bumaba ako. pagkababa ko, ang astig ng dorm lobby, biglang naging gym lobby, yung sa labas ng pool. tapos, nandun si Dra. Batoon, ang ating school physician. iinterviewhin niya raw ako. woohoo. para sa field bio (kasi sa real world, gagawa si sir espinas ng mini-film tungkol sa field bio). tas may nagpipingpong. tas kalabuan na. wala nakong maalalang nangyari afterward.

dream 2.
bumaba ako sa sasakyan. kasama ko yung family ko. astig, nasa Hongkong kami. waha. andaming foreigners. hi ako nang hi. hey. what's up. sa foreigners. nyak. tapos napansin kong wala akong tsinelas. naglakad ako nang naglakad sa hongkong nang walang tsinelas. haha. tas gising.

tas ang nakakatuwa, pagkagising ko, past 6, nagising din si andrew. bumangon siya at naglakad papuntang cabinet. ako naman, maglalakad na rin papuntang banyo nang napansin kong wala ang aking tsinelas. so unconsciously, naglakad ako nang walang tsinelas. haha. does it ring any bells??? haha. oo, naglakad ako papunta kay andrew nang walang tsinelas kasi dinekwat niya ang aking tsinelas. aliw. yun yung napaniginipan ko diba? naglalakad nang walang tsinelas. haha. kasi, yun yung highlight ng aking panaginip, kaya nakakatuwa. nangyari yung aking panaginip just after kong magising. kaso, nasa pilipinas pa rin ako nung nagising ako. haha. aliw. that dream made my day. oo, alam kong mababaw. pero pag madalas malungkot ang isang tao, ang mga mababaw na bagay ay sufficient na para pasiyahin siya. nyak, drama. joke. ayan. seriously, it made my day. someday, baka ako ay maging soothsayer prophet. haha. ansaya niya. sobra.

tas dito ko naalala na ten gatchillion months ago, nung ako'y nasa condo namin dito sa maynila. last school year ata. nagising ako, tas medyo half-gising lang ako nun. naglakad ako pababa, papunta sa dining area. derederetso lang ako nun. half-closed yung eyes ko. tas, habang ako'y sumusubo ng pagkain, one word kept ringing in my head. AMPARO. AMPARO. AMPARO. hindi yung caf manager natin. tas naisip ko, san ko naencounter yung word na yun? tas after kong maisip yun, naisip ko next yung LEVISTE. tas, right after kong kumain, tumingin ako sa kalendaryo. nyak, yung sponsor address ay blah blah Leviste St. (formerly Amparo). at never kong tinitingnan yung kalendaryo sa condo namin. kasi meron ako sa phone. tas medyo titingin ka pataas (to the point na pag matagal kang nakatingin ay magkaka-stiff neck ka) para lang makita ang kalendaryong yun. tas
nagulat ako. hah? unang-una, bat ako tumingin sa kalendaryo? tas, pano ko alam yung address ng sponsor na yan? sa dinami-dami ng sponsors. ang weird kasi never akong tumitingin sa calendar. at kung titingin man ako, di ko papansinin yung sponsors. ang galing. sobra. tas pumipikit-pikit pa ako nung tinitingnan ko yung pagkain ko. grabe. disturbing. creepy. pero ang astig. haha.

kaya yun, naisip ko. kung medyo mas naapply ko lang ang aking subconscious mind, siguro nanalo na ako sa Nobel. o kaya nadiskubre ko na ang gamot para sa cancer. o kaya naforesee ko na ang mangyayari sa aking career.

sana lang mas naaapply ko lang ang aking subconscious mind, mas konti lang ang aking masasagasaan, tas mas masaya sana ako. at mas efficient at effective.

anyway, bukod sa panaginip 2 ko, ang nagpasaya sakin ngayong araw ay ang grade ko sa cs. ang galing, three steps up. san ka pa? ahaha. woohoo. idol. pero wala pa rin akong pakialam sa grades ko from now on. ayoko ko nang maging gc; ayoko nang magpakahirap para sa self-proclamation lamang. haha. stop. kaya napagdesisyunan ko nang, mag-li-low basta wag lang bumagsak.

Thursday, November 02, 2006

Torrent

I

I am going against the flow
And I can't blame myself for splashing in
The tides tempt me into letting go
And swing supine so that I'd give in
But while I'm in, I wouldn't give in
To the grasping seizes of the crests that bump
My head, hands, shoulders, chest so thin
Non-conforming to the wet, soft lump

These jaded eyes are locked afar
Where yonder azure is uncommon
This mind is set into reaching that star
Stealing the vision away from the dark

I'm tired and weary
And humming melancholy
I'm ununderstood, even I could not
Un the un in ununderstood
Weary, not lazy

II

I was going against the flow
But I couldn't blame myself for splashing in
The tides tempted me into letting go
So as to swing supine and thus give in
Now I'm going with the flow
Or should I say: against my will?
My waist, legs, back hurt not and so
Conforming to the truths that beset no thrill

These lustrous eyes have been unlocked
By desperation from somewhere docked
This mind is still set into reaching that star
But returning the sight into the dark

I'm tired and weary
And humming melancholy
I'm ununderstood, even I could not
Un the un in ununderstood
Weary, not lazy, still.

Wednesday, November 01, 2006

hit and miss

what i miss... >kahit na yung iba ay kahapon lang at yung iba gazillion years ago<

  1. I totally miss hanging out with Jesus.
  2. I miss worshipping.
  3. I miss talking sensibly to my lower-year friends: nix, alexis, karen, jelo, josh.
  4. I miss dad and mom.
  5. I miss kuya aik. woohoo.
  6. I miss Demolay activities
  7. I miss fieldbio: the sand, the sun, and the mountain.
  8. I miss Timor, our epileptic dalmatian
  9. I miss my elem friends
  10. I miss my fans
  11. I miss performing in front of a big crowd
  12. I miss lolo and lola.
  13. I miss mama gloria. may your soul be well reposed.
  14. I miss sir mardan's management. haha, di na natuloy ang discography ko. haha.
  15. I miss my spunk for acads.
  16. I miss poetry.
  17. I miss my penchant for writing.
  18. I miss going out with my cousins. mallhopping and shopping.
  19. I miss dreaming and remembering my dreams.
  20. I miss how rayray sees me before. and i miss engjourn 1.
  21. I miss eme and champaca and sodium.
  22. I miss bizu
  23. I miss being practical. and i think it would have been more practical if I omit the "I miss"'s
  24. family vacation
  25. pokemon
  26. rommel, popo and my childhood days
  27. playing with my action figures
  28. himig
  29. upper-year friends. woohoo. himig + sca.
  30. holy kettle corn
  31. mean girls: joji, jecay, cheska, and dani. hiwa-hiwalay na tayo, napansin niyo ba?
  32. my previous flat
  33. prosec and speedreading
  34. free saturdays
  35. tacloban
  36. summer. woohooo.
  37. and my homo music theory teacher. hahaha. joke. i miss my singing lessons at ryan cayabyab: the music studio. maghanda ka this summer. mag-aaral uli ako.
  38. room 214
  39. nickelodeon + anime
  40. ma'am hipol
  41. sir espinas and ma'am len.
  42. non-intrascholastic contests
  43. movie marathons
  44. mondragon drive neighbors. woohoo. we're all growing up now.
  45. biking to i-forgot-the-name and sneaking out of the house during starry nights
  46. moon and stargazing
  47. the cemetery where the astilla family always goes to during all saints' and all souls' day
  48. presscon
  49. the Lopez family jamming sessions. haha. sobra.
  50. shayne. *hug*
  51. drew, henson and our banyo-trio singing escapades
  52. medical missions
  53. yfc meets and activities
  54. and, i can't believe it, dom, for his below-the-belt jokes and funstuff.

Tuesday, October 31, 2006

I love YOU forever

I'm really missing You--
Although I find it hard to understand this
When You were completely there
As if I hadn't noticed

Lord, I love You so much that I will remember You
Carrying that cross for us
And You will help me dispose my sins
And segregate them properly

Lord, lead me closer to YOU!!!

Sunday, October 29, 2006

le freak cest chic

CAUTION: hwag kang magbabasa kung kasama ka sa bcouncil o kaya'y kasama ka sa faircom.


i hate the fact that we had to pay 600 for the murder by the numbers raffle tickets. we were forced to sell those damn tickets to reach a preset 15000-peso remittance per section. and wth, poor me if i cant sell any of those freakin tickets. and who gets to get the grand prize? none other than my from-now-on closest friend (to the point na i get libres and free cash) Joanne Mendoza. hullo. what's up? kumusta naman yun. tapos meron pang fair ticket na kailangan ibenta mo for 85 pesos to your ex-schoolmates here in the metro. well duh, my friends are in the province. so i had to unreasonably pay for that grr ticket, which is impractical for me. and do you know what they tell you if you reason this out: the hell, sell it to your review center mates or to whoever is in the kalye. yebah. kumusta naman. tas, hindi lang ako mag-isa. andami-dami naming nagrereklamo sa fudge na ginawa sa pera namin. im super super broke. as in. i had to start the week fully loaded with cash, and at the end of monday, i was left with a meager 600 (without subtracting the fair ticket thing. so actually, 600-170 = 430) . the hell. that's equivalent to how much i had to pay for the raffle tickets. tapos kumusta naman ang five more days at the dorm? badtrip. i had to miss breakfasts. grr. arrghh. tapos, paano na lamang ang sarili kong interests katulad na lamang ng sonoluminescence? 150 din yun. (bale, 280 na lang pera ko). tas, wall-climbing-rappelling requirement sa alpha. minus another 50. wth. tapos ang addiction ko sa hkk. naka-apat ako + isang libre ni sir vlad. gruff. i super super hate the money loss. oo, alam kong may magandang pinatutunguhan yang pera kong yan, kahit di ko alam kung san napupunta. parang tax. pero sobra naman. super. wala na talaga akong pera. grave. salvaje. hush.

anyway, honestly, hindi ko masyadong na-enjoy yung fair. siguro partly dahil sa kakulangan ng pera. tapos, kabadtripan sa mundo. ginusto ko mang mag-bike eh hindi natuloy. whateber. kahit sinasabi ng iba na ito na ang pinakamasayang fair, i disagree. kill me if you want to. pero shut up. let me speak first. ang naenjoy ko lang ay ang pagiging fc ni edfrey at sinorpresa niya ako sa pamamagitan ng pag-baback-basa ng isang timba ng tubig. (fyi: nakapag-revenge naman ako). haha. niluto akong parang bacon. grabe. sunburnt na sunburnt ako. im super tan. i also hate the fact that i had to listen to people singing in the videoke while i dispensed redemption tickets. ang naenjoy ko ule ay ang pagtugtog ng the nerve. grabe, nakaka-lss yung the nerve. plus ang pinakaastig na up dharma down's oo. sobra, ang ganda. plus, (i can't believe i'm saying this) naaliw ako ng giniling festival. woohoo. and those were the only things i enjoyed. gruff still. woohoo!

***
woohoo:

oo - UpdHARMADown

Hindi mo lang alam naiisip kita/Baka sakali nga maisip mo ako/Hindi mo lang alam hanggang sa gabi/Inaasam makita kang muli//
Nagtapos ang lahat sa di inaasahang/Panahon at ngayon ako'y iyong iniwan/Luhaan, sugatan, di mapakinabangan/Sana’y nagtanong ka lang kung di mo lang alam/Sana’y nagtanong ka lang kung di mo lang alam//
Ako’y iyong nasaktan/Baka sakali lang maisip mo naman/Hindi mo lang alam kay tagal ng panahon/Ako’y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa’yo//
Lumipas man ang araw na ubod ng saya/Hindi pa rin nagbabago ang aking pagsinta/Kung ako’y nagkasala patawad na sana/Ang puso kong hangal ngayon lang nagmahal//
Wooh, hindi mo lang alam ako'y iyong nasaktan/O baka sakaling ngang maisip mo naman/Puro siya na lang… sana’y ako naman/Hindi mo lang alam ika'y minamasdan/Sana’y iyong mamalayan/Hindi mo lang alam hindi mo lang alam//
Kahit tayo'y magkaibigan lang/Bumabalik lahat sa tuwing nagkukulitan/Baka sakali lang maisip mo naman/Ako’y nandito lang hindi mo lang alam/Matalino ka naman//
Kung ikaw at ako ay tunay na bigo/Sa laro na ito ay dapat bang sumuko/Sana’y di ka na lang pala aking nakilala/Kung alam ko lang ako’y iyong masasaktan/Narito, sana’y nakinig na lang ako sa nanay ko//
Hindi mo lang alam ako'y iyong nasaktan/O baka sakali ngang maisip mo naman/Puro siya na lang.. sana’y ako naman/Hindi mo lang alam ika’y minamasdan/Sana’y iyong mamalayan/Hindi mo lang alam oh//
Malas mo/Ikaw ang natipuhan ko/Hindi mo lang alam ako’y iyong nasaktan//

> lss as of today... andoy, pano ka nag-enjoy???

Monday, October 23, 2006

isang maligayang bati


HAPPY BIRTHDAY shayneness. sweetness sixteenness.

HAPPY 16th birthday sa pinakaMAMAHAL kong SHAYNE CORTEZ FAJUTAGANA.

*hugs and mwahs* GOD bless!!!

Saturday, October 21, 2006

mentia

and i went to bed this early
that i nearly dreamt a lot
for i woke up very lately
and found that i have not

mottled sight of auric velvet
of the night's stillness in black vibrancy
dazed in fear of criscrossed voices
mantling the heart with piteous anxiety
opened and closed simultaneously--
those circles that betroth its own kind
the startling incident that pulled my soul
into a crevice i can never escape
falling and falling and falling and falling
and never ending
and never ending
and never ending

it haunts me forever in creeping trials
that are yet to be finished but will never be
and i feel the breeze tickling my muzzle-tip
as i realize the insanity and the normality
and the intensity of the living addiction:
the best they'll ever be

and i wake up into reality
and i sense some conformity
with what i felt and saw and heard
and i jumped into conclusion
that i'll liven my delight into sensitivity

Saturday, September 23, 2006

IMAGinE

imagine a world without bio, chem and physics
a world without econ or english.

do you see it?

imagine. what if there was no biot-savart law,
or the effing magnetism per se?
wouldn't it be nice not flexing your right hand (or left)
awkwardly like a lame contortionist?
imagine. what about acidity? if pH and pOH never existed,
then would it mean an easier chem and
a lackadaisical geek going about aimlessly?
more or less it should.
imagine. no alleles. no genes. just a fixed genome
every generation. no such thing as possible progeny.
no f1's and f2's. no chromosomal aberrations
no down, turner, klinefelter
goodbye, men with female breasts and widely spaced nippies!
imagine. no supply and demand. no price
no elasticity. no curves and equilibria
just plain ol' go with the flow
no complexities. no thinking twice or thrice.
gawk, it's relaxing just typing it out.
imagine. no pleonasms. and damn oafk.
no thick illegally reproduced books.
hah. skimp grammar. tsktsktsk.
read freelance stuff which make you free.

imagine delightful music filling your mind.
with delightful imagery of the world you hear.
delight. delight.
imagine slacking off and still getting credit for it.
imagine falling down but not crestfallen.
imagine leaning onto Someone
and being proud of it.
imagine being a puppet who has some loose strings.

imagine. see. taste. smell. feel. hear.
maximize intake. and breathe in. out. in. out.

***
premise:
im flunking everything. flunking bio, chem, physics, math, econ, english, filipino, research, computer science, journ, pe, need i say more?
this sucks BIG TIME. and not in a bragging manner, i'm not used to this.
i mean i fail one or two subs, but never all. i'm all crap now. crap as in twaddle crap.
twaddle crap as in detestable-thing-you-would-not-want-to-have. argh.
i'm at the borderline. i'm edged between two sides. this and that.
gray and yawning.
if you have helpful advice you would want to share, please skip some stones at me. beep me.
***
give me life...

Thursday, September 14, 2006

piggy bank

Akala mo ba'y wala na?
Kung gayo'y nagkakamali ka
Sa totoo'y andami pa nga e

Sige, subukan mo
Oo, "subukan", hindi "subukin"
Hindi yon wrong grammar
Ibig sabihin niyan: "to try", gets mo naman diba?
Akala mo ba por que yan yung turo
Yan na yung tama?
Mag-isip nga; gamitin mo yang kokote mo
TIME

TIME
Andami, gusto mo?
Siyempre--while supplies last ikanga
Mabagal ba ang service?
Konting pasensya lang ah...
Konti pa, konti pa
*takatak takatak... tching tchwing tching*
O yung resibo?

Post no bill. One way. Children crossing.
Ang gulo naman eh.
One way nga eh: DO NOT ENTER
(kung wrong number ka)

Garote de Ipanema, kelangan
Mo ng kulambo?
--Pasikot-sikot naman eh--
Ulit, from the top:

Akala mo ba'y wala na?
Kung gayo'y nagkakamali ka
Sa totoo'y andami pa nga e

Naka-booby kasi... naapakan ko e
E ganun talaga
Ako pa naman yung naglagay ng patibong
Bulok naman e. Gasgasin. Siyet.
O diba, gawa yan ng revisyon.
Tray mo kayang kumain ng
Pansit with ketsap.
Pasibol. Ang deting mo. tsong.

Agua de Beber, diba kanta yon?
Sumalubong, sumalubong at pasalubong
One, two, cut. Take three!


***

*répondez s'il vous plait *

Sunday, August 13, 2006

CAMP

Hi! Hi! hello! hi! hi!...hello! hello! hi! hello! hello!

Woohoo! Talagang nakakabless yung camp! Tapos aliw yung worship! Kung dati naiinggit ako sa mga tao-taong kumakanta ng worship songs to the point na nag-iimbento ako ng lyrics, ngayon ako naman yung mang-iinggit. haha, biro lang. ayan. aliw kasi yung songs, sobra. tapos yung mga talks sobrang nakakainspire. parang rags to riches kasi silang lahat eh--mga tipong suicidal, malaking galit sa mundo, lasinggero, pasaway, tapos magiging servant ni Lord, diba nakakainspire? oo. sobra. idol... woohoo.

nakakabitin nga lang yung camp. gusto ko pa... kung kayong service team ay may slow-mo, fast, action, malamya, at w/ feelings, ako naman gusto ko ng repeat. repeat. repeat. repeat. gusto kong ulit-ulitin. parang antagal kong nasa-gym. pero di nga dun natatapos diba??? yebah. woohoo. astig nung songs. ayy. mali pala, chada yung songs.

mas magandang stress-reliever yung chada kaysa sa donkey-yeehoh ni joy. ahaha.

chada and shuckers. woohoo... go YFC. YFC Peters. All the time, GOD is good. GOD ROCKS!

Sunday, August 06, 2006

ako'y de-pindot (past tense)

hindi yung bolpen ah! hindi yung retractable. oo. yung tipong pagtrinansliterate mo, maiintindihan mo.

naiirita ako sa iyo. stop. tinalo mo pa ako sa katamaran. stop. pero, ikaw kasi walang karapatan maging tamad. stop. requirement sa iyo yun eh. stop. bukod dun, ikaw ang unang-unang kinainisan ko nang sobra-sobra. stop. tapos, manggugulo pa yung acads. stop. tapos, eepal ka nanaman. stop. para ka talagang masamang fireman. stop. yung tipong pinapatay yung apoy na nagdudulot ng kabutihan. stop. oo, fireman ka. stop. and you put out the fire in me. stop. isa ka ring hangin. stop. diba yung apoy kailangan ng hangin? stop. pero kapag sobra-sobra, ikinasasama rin nito. stop. ikaw ay isang malaking hangin na pinatay ang maliit na apoy sa aking puso. stop. kung paunti-unti lang sana iyon e di lumaki yung apoy, tas kahit ilang units pa yan ng hangin ay tutulong din yan sa pagpapalaki ng apoy. stop. pero hindi e, kailangan patayin mo yung apoy bago ito lumaki. stop.

antonym ng dreamweaver. stop. bakit ba kasi? stop. tas mas lalung nakakainis kasi dinamay mo pa yung ibang tao. stop. kelangan mo bang maging kontrabida sa lahat. stop. hindi ko sinasabi na bida ako, pero parang tinitiris mo yung puso ko. stop. aba. stop. oo, kung alam mo lang kung ano naramdaman ko nun. stop. naging hilaw ako nun. stop. kaya nga ako lumapit dahil dun sa gusto ko. stop. tapos, ikaw rin pala yung magpapalayo sakin dun sa ginusto ko. stop. domino effect kasi e. stop. pero hindi ko pa rin masabi na ikaw yung may kasalanan. stop. di kita masisi kasi wala akong makitang mali dun sa ginawa mo. stop. kaso, pinangarap ko yun eh. stop. parang kastilyong buhangin. stop. sandali lang kung makamit. stop. tapos, biglang maglalaho. stop. naiinis ako sa sarili ko. stop. kasi lahat na lang ng ginagawa ko ay maling desisyon. stop.
pero gagayahin kita, magiging tamad na rin ako sa ngayon. stop. pero sa mga bagay lang na konektado sa iyo. stop. sorry ahh, alam kong masama, pero it's a choice of the lesser evil. stop. kelangan ko kasing ilabas eh. stop. baka kasi kung pigilan ko pa, mas malaking bwelo ang magdulot ng mas malaking epekto. stop. sorry, pero mula ngayon, hindi lahat ng gusto mo makukuha mo. stop. ok? stop.

buti na lang may mga taong nakakapagpalimot sa mga problema ko. may i say thanks. salamat na nandun ka kung kailan kailangan kita. di ako sanay na mapindot kaya anlabo ko kapag napipindot ako. ok? yun lang.

***

"love is intangible, yet it touches you!"

DOWNDOG

kumusta naman iyon? uhm. pila.pila.pila... antay. tayo. pila.

abay iba-iba pala yung sets ng questions sa upcat. aliw. pero pano nila iyon maikukumpara diba? i mean, meron ding halong luck para pumasa. bat kasi nila iniba, diba? take this: student A and student B have different sets of questions. si A ay eksperto sa cell parts, si B naman sa metabolism. pano pag natyempuhan na si A ay may questions tungkol sa cell pero hindi yung parts, kunwari growth. tapos si B yung questions niya may cell parts (instead na growth) tapos meron din nung metabolism. gets mo? kung by chance napunta kay A yung questionnaire ni B, maswerte siya kasi may cell parts. tapos kay B napunta yung kay A, good luck nalang. diba? ang hirap macompare yung difficulties diba? anduga duga talaga.

tapos nag-antay ako dun mula 10 hanggang 1. aba, putik na bocobo iyan. 12.30 diba? bakit biglang 1 pa kami magsisimula. yun tuloy, natapos kami mga 6.30. ano ba??? nag-skedyul pa kayo... ahaha. kamukha ni nico rogelio ang aming proctor. as in. tatay niya ata yun eh.

tapos yung reading compre ang hirap. pero may part dun na kwento nung "my father goes to court", at skinim ko na lang yun. hahaha. thanks mam jam. haha.

touché

Sunday, July 30, 2006

ang stalker na nang-stalk sa akin kanina

Aba! Pagtingin ko sa likod, nandun pa rin siya! yung kaninang nasa likod ko, nandun pa rin! ba naman kasi, mag-isa ako nun! mag-isa, walang kasama kundi ang aking weekly school supplies na binili sa nat'l! tapos, may stalker, sa likod! oo, kanina pa yon eh. mistulang holdaper, o worse, kidnapper, o much worse, may crush sakin (*i'm giving you the permission to say: KAPAL*). HAHA. pero, kwento ko na nga.

naglalakad ako nun. tas nung siya'y hindi pa nasa aking likod at nakatayo lang sa harap ko, tumingin siya weirdly. tapos, nung nasa likod ko na siya, naglakad siya. oo, sumunod, hanggang sa escalator, pababa. *tas tingin sa likod, aba, nandyan pa*. tas baba pa ng isang floor. tas nandyan pa rin. tas baba pa ng isang floor (aba nasa escalator pa rin pababa). akyat ako dun sa previous floor. setting: nasa magkatabing escalators kami, siya: pababa; ako: pataas, tas tumingin ako sa malayo. tapos, nung nasa taas na ako at nasa baba na siya, umakyat siya ule. punyemas, bakit??? takbo, takbo, takbo, takbo. haay. wala na siya. kakilakilabot. haay.

may gas! gas abelgas, help me. thank you, bow! takot na akong maglakad mag-isa sa mall. may gas. kuya, kuya. may gas. bow

Saturday, July 22, 2006

the empire strikes back

alam mo ba kung ano ang silbi ng strikethrough??? san nga ba to nanggaling?
ako, sa totoo lang, di ko alam eh. kasi diba, strikethroughs are non-virtually for erasures, pero kung iisipin mo, diba ang senseless ng strikethrough sa computers? kasi bat pa inimbento yung backspace at del kung meron na man palang strikethrough, or the other way around: bat pa inimbento yung strikethrough kung pwede naman palang backspace at del. *i'm making sense ryt?*

pero napansin ko lang, ginagamit ko pala yung strikethrough. ahaha. yep. pero, i actually didn't know what it stood for. ginaya ko lang tong concept of strikethrough. kung mapapansin niyo, may strikethroughs dun sa description ko sa aking sarili sa baba. i took the idea from a certain professional journalist na gumamit ng strikethroughs sa kanyang blog descrition. manggagaya lang ako, at binase ko yung paggamit ko dun sa strikethrough based on my comprehension of that journalist's description. and she used the strikethrough to cross out what she is not anymore. she strikethroughed her previous ages to keep track of the age she started blogging. that's kind of smart to do, so i copied. but, just now i realized like any other word in the English dictionary, that a thing may mean a lot of things. for instance, the word save may mean to free from danger, but it could also mean except. the word orange may mean the orange fruit, or it may mean the adjective that describes color. You may mean singular, or it could mean plural. anyway, my point here is a lot of stuff means a lot of stuff, and the danger of ambiguity is perspective. misunderstanding is caused by ambiguity as a person may think that one word the other person says is far off from what that other person means.

get it? strikethroughs may mean a lot: for erasures (but i think that it's impractical to use a strikethrough in typing because there is the backspace key), for crossing out history, without forgetting what that history is, or even broadcasting that you've changed, and you aren't like that anymore. it may even be used against math; when you've had a lot of great scores in math and you suddenly fail, you'll hate it. strikethroughs may have a positive or a negative connotation. one good thing may seem one bad thing for another. strikethroughs may also mean something you want but you can't have or something you want to do but you can't do it anymore. but, strikethroughs may also mean emphasis, such as highlighting. but, gruff, i'm goin' round the bend; i can't list all those things.

gustuhin ko mang mag-strikethrough nang magstrikethrough, siguro i have to back off a little bit. alam mo yun, pag natutunan mo ang isang bagay for the first time, gagawin mo to all day long kasi may bago kang natutunan. kunwari, whistling, when one learns how to whistle, all day long wala na siyang gagawin kundi mag-whistle. achievement kasi eh. ganun din ako, pag natutunan ko ang isang bagay na gamitin, maaaliw akong ulit-ulitin ito. kaya nung natutunan kong mag-strikethrough, i had to strikethrough everything i had the opportunity to strikethrough. kaya sa lahat ng hindi makaintindi sa akin sa paminsan minsan, paumanhin.

Thursday, July 06, 2006

Swirly Bitz

Swirly Bitz na tunaw

Swirly Bitz na malabnaw
Swirly Bitz na magulo, malabo at matakaw
Swirly Bitz na marumi't kailangan linisin
Swirly Bitz na sabaw
Swirly Bitz na karumal-dumal
Kadiring Swirly Bitz
Swirly Bitz na nakakapanghinayang
Swirly Bitz na lumulubog at lumilitaw
Swirly Bitz na masaklap at maramot
Mainit na Swirly Bitz
Swirly Bitz na kumakain at hindi kinakain
Swirly Bitz na sayaw
Swirly Bitz na bangungot at nakakakilabot
Swirly Bitz mula ulo hanggang paa
Swirly Bitz na madilim at mataba
Malapot na Swirly Bitz
Maasim na Swirly Bitz

Swirly Bitz na paikot-ikot
ngunit iisa ang patutunguhan
sa bibig, sa tiyan, sa pwet, at sa labas
Kawawang Swirly Bitz

Anong Swirly Bitz ka? Pili ka.

Monday, June 12, 2006

summertime, yet the living was uneasy

weirdly and funnily, i had the urge to join Philippine Idol (F na F noh?).
lalu na nung narinig ko yung mga nag-auaudition sa sm. at mas lalu akong natempt na sumali dahil nandun na eh. nasa may audition venue na ako nung mismong audition date eh. kaso nga lang kelangan 16-28. eh di sabi ko: alam ko na! mag-aaral muna ako. tas, mag-prapractice. tas, after 5 years (by then 20 na ako) sasali na ako. if ever, vote for me, k? haha. wala lang. and considering i sang the whole summer. mapa-field bio. review. sa banyo. sa lrt. and i had a lot of fun. eh kung PPS na lang kaya? hehe.

matapos ang field bio at ang review, nag-aral ako. oo, nagpakanerd. kasi, aanayin lang yung mga libro sa bahay. napilitan lang ako actually kasi ang ganda ng mga libro tas nakapanghihinayang lang na binili, pero never pang binasa. makapal, with colored pics, tas doctorate-level authors. yan yung mga tipong gustong gusto ko talagang basahin eh. and to tell you, i learned a lot. but i won't tell you what because i just don't want to. *eh bat ko pa kaya minention?*

i have to stop swearing. got yogurt?

Sunday, May 28, 2006

juggernaut kicked wolverine's butt

haha! all things must come to an end. some of the characters died but the x-men live on. yebah! got yogurt??

Friday, May 26, 2006

hibernation

Wednesday, May 10, 2006

Field Bio, PBB at Bora

What’s up with you?

Yeah…

***
Field biology

I’m finally back to civilization. Yebah!
Alam mo na yon!
Hinati yung 12 students into two. I was with kevgon, jdavid, hopee, ria caringal and gihan.
Pumunta yung group namin first sa Taklong Island with Ma’am Len and Dr. Melanie Cheng.
Marine and mangrove ecosystems. Haha na-sting ako ng box jellyfish. Mahapding ewan and mafefeel mo. At FYI: ang Australian box jellyfish ay deadly. Just 3 minutes and you’re krekkh. Buti na lang I never had an encounter with it. Just the pinoy one. At alam mo ba kung ano ang solusyon sa hapde? Guess what! Vinegar o ihi. I was so lucky na nung na-sting ako ay ubos na yung suka, so I had to micturate on it.

Ngapala, if you were texting me for the past few weeks, hwag kayong magtaka kung never akong nag-reply. Paminsan-minsan lang yung signal, tas if a message isn’t opened for 24 hours, default siyang madedelete.

Ganito kasi yon. Isa-isa kaming na-sting. First was Gihan, ang Diyosa ng Stings. Even before reaching Taklong na-sting na siya.
Then, sunod-sunod na, leaving just me and Dr. Cheng unstung. When we were laying the transect on the beach, I blurted out to Jerome, “Maswerte ba ako at di pa ako na-stisting?” Tapos, just a minute after, near-shore, I stepped on that plump, little white-translucent, jelly-ace head, and the floating imp gave its all by wrapping its nematocysts on my feet. Arrghh! Nagulat talaga ako. Napaka-coincidental naman na just after I said na “Maswerte ba ako…,” ay linatigo ako nung jellyace na iyon.
At naiwan pa yung nematocysts sa paa ko, which was very much negatively effective. Magkakaroon ng burning sensation even if na-detach yung tentacles dun sa medusoid head.
Can’t tell you much more but it was so FUN.

Sibaliw Research Station naman. The station was up in the mountains, reached only after a seven-hour hike uphill. At our pace.
Tas umulan pa nung nag-hike kami. Wet n’ wild, tired and freezing, hungry and reluctant. That’s how I felt. Sila naman, they felt like they were going to black out and faint. Makitid pa yung daan, if you make a false move, you’ll roll into the creeping hell below. You had to grab anything, from tree-trunks to prop roots and rocks. Sometimes you had to fondle wicker-moss and fungi. Growl. Disgusting, and you’re taking it from a guy who’s game with everything related to field bio. Just up in the station, after Gihan got stung by a bee, you’ll see and hear various hornbill species. Penelopides panini panini and Aceros waldeni (*kung nagtataka ka kung bat nerdy ang usapan, mas magugulat ka kung kasama mo si Sir Espinas. Thousands of scientific names ang alam niya, usu. plants, and he easily distinguishes them just by sight.). Meron ding mga bastos-birds like Philippine bulbul at elegant tit. Di ako malisyoso pero bastos-names talaga yun. And they’re named so because of their respective physical features. Enough. We did birdwatching, improvised volleyball and jungle survival techniques. We learned how to make fire and cook rice using bamboos. I was able to do it on my first try. We rappelled too.

Then, the fun part was telemetry. The group was subdivided and we had a contest (mala-amazing race-mixed-with-survivor-challenge). Both subgroups were given antennae and three different transmitters were secretly scattered up in the mountain forests. Our job was to locate the transmitters, and memorize the secret code written on each. First team to give all three codes wins the bonus. The three transmitters symbolized three different organisms. Given just clues about habitat and what they eat, we won (obviously, because I wouldn’t have told you about the contest if we lost, *haha, plastic)!

Fun, fun , FUN!

***
PBB

During oral reports, our sort of gimmicks were usually PBB-related. We watched every episode during the first PBB teen week. At alam mo ba? May kakilala ako dun.

Nagulat talaga ako nung nakita ko sa tv yung ex-crush ko. Yung kaklase ko. Yep. Hair-raiser talaga. Di ko akalain na sasali siya sa pbb. Ex-crush ko si KIM. Kimberly Chiu. Heartthrob siya ng school nun. Isang Chinese sectarian school sa Tacloban ang nagpakilala sa amin. Sacred Heart School. First time I saw her, drop-dead talaga. Yeah! Ganun ako kababaw nun. May-ari siya ng isang grocery-like store. Tas before kami naging magkaklase, dun sa store ko siya nakilala. Mom was friends with her mom.
So we shopped around their store, and that’s when I first saw her. She just immigrated from Cebu. Speaking Cebuano, and seemingly elegant, yet simple. I wanted to know her. Tapos yun, bull’s eye, naging magkaklase kami. Aliw talaga yun. Inaabangan ko talaga dati yung times na naging pairs kami with anything little like Chinese recitation and declamation. Haha. Kilig! Tas ang labo talaga, kasi mas asta-bata siya ngayon kaysa dati. Tas mas maganda siya dati, pero maganda pa rin naman siya ngayon. Ginagawa niya pa rin pala ngayon yung yoga-like exhibitions. Kaaliw, matagal-tagal na rin. Ba’t kasi lumipat siya ng Cebu? Nabankrupt nganaman sila dati. Balor-milyones yung mansion nila nun eh. Sabi ng mom ko, kaya raw lumipat sa Cebu kasi sobrang mahal nung bahay at di na mabayaran dahil sa bankruptcy. Anyway, namimiss ko na rin siya, yung ex-crush ko. Mabait yan, promise. So, anytime she gets nominated (buti na lang at safe na safe siya ngayon), vote for her! Get it? Got it? Good!

***
Bora

Nothing special. I recommend you’d rather go to Club Paradise in Palawan (near Coron) if you’d like to spend some time with the beach. I overestimated Bora. Don’t expect too much from it because it’s just the name. I never felt that I was in Bora. Nothing much. The only thing I enjoyed was the sand-castles and the hand-painted shirt I got for my bro. Nothing more.

…catch you later!

***

Wednesday, March 22, 2006

Sigarilyo

Hithit lang. Oo. Ano ba ang meron sa napakalecheng stick na to? Bakit ba? Peste naman oh. Ano ba? Kung gagastos ka na lang para sa sarili mong mga rason, wag mo naman sana idamay ang mga magulang nating nagkakandahirap na hindi mabawasan ng kahit isang pisong pinagpawisan. Alam mo bang hindi lang ikaw ang nadadamay sa mga epekto ng stick na yan. Wag mo naman sanang gaguhin ang perang pinapadala nila para sa mga gastusin natin. Sana lang kung bibili ka ng walang-kwentang box ng Marlboro ay hindi mo ipapakita sa akin nang harap-harapan. Walang hiya. Akala ko pa naman ay nag-withdraw ka para sa pagkain natin. Yun pala, kaya mo pinilit na ikaw ang mag-wiwithdraw ay dahil bibili ka ng lecheng sigarilyong yan. Kung alam mo lang ang mga hirap na pinagdadaanan nina dad at mom para lang tayo mabuhay. Hindi ba halatang naka-maskara sila kung bumisita satin; hindi ba halatang nagkukunwari silang masaya despite sa hirap ng paghahanap ng pera? Alam naman nating dalawa na sa kabila ng mga shopping at gastos ay pinagtatrabahuan nila yun. Bwiset ka! Sana man lang wag mo akong bubugahan ng pesteng usok na yan. Alam mo namang sakitin tong kapatid mo diba? Diba dagdag gastos na naman yun sa mga magulang natin? Langhiya ka. Kaasar ka. Kahit ano pa mang rason yan. Kabobohan man o katangahan at nagpauto ka sa stick na yan. Wala akong pakealam. Sobra na eh. Kung sasabihin mo lang sakin na “Eh hindi naman natin alam kung kailan tayo mamatay,” aba’y wala kang karapatang ilagay sa living hell yung mga pumapaligid sa iyo. Wala kang kwenta. Ayusin mo yang buhay mo. Ewan ko ba? Imbes na ikaw ang keeper ko, ako pa ata ang nag-aalaga sa iyo eh. Ano ka ba? Diba ikaw ang mas nakakatanda sating dalawa? Mag-isip nga. Ikaw ang kumbaga mas matalino dahil sa tagal ng age gap natin. Tapos dadagdagan pa ng amoy-alak. Langhiya ka. Kung gagastos ka na lang, sana stipends mo (na wala naman talaga) o kung anumang sweldong hindi mo naman talaga matatanggap dahil sa dependent ka pa sa mga magulang natin ang gamitin mo. Kahit magbebente ka na, wala kang karapatang maging parasite sa mga magulang natin kasi hindi ka pa naman kumikita. At kahit kumikita ka na ay wag mo sanang gamitin yun sa bisyo. Badtrip ka talaga. Bakit ka ba ganyan? Bibili ka ng isang bagong box sa grocery tapos may makikita yung kapatid mong isa pang box ng sigarilyong hindi pa ubos sa bag mo? Wala ka talagang kwenta. Okay lang sana kung bibili ka ng bagong bag o sapatos o shirt o pantalon sa celio kahit na sandamukal na ang mga kagamitan mo. Eh pero Marlboro pa talaga. Sobra na talaga eh. Eh pano pag magkasakit ka, sina dad at mom rin ang gagastos diba? Tumigil ka na nga. Mahiya ka naman sa lahi mo. Bwiset. Damn you. Sana lang ay magbago ka. Magbago ka na. Putik, lumalabas talagang ako yung nag-aalaga sa iyo eh. Pero dapat the other way around. Please naman. Tumigil ka na…

Friday, March 17, 2006

I'm Not Happy About It

long time no update.

yeah. sodium went out last Thursday (16th). rob galle. 11:00. lunch. studio pic. bowling and billiards. then, movie: SHE'S THE MAN.

all i can say about the movie is: same ol' same ol'. yet, outright fun. yep

aliw naman yung lakad. nganaman, 14 people. as old robin hood had for his sidekicks, let me say, "the more the merrier."

anyway, three down, one more year. i'll miss y'all.

currently feeling: pissed by 3G. patalo ka. bakit naman lahat pa kami dinamay mo sa katamaran mo? damn you. tapos ako pa ang gumawa ng ow report natin. langhiya ka. buti tumaas ako dun. pero still, patalo ka. if ever binabasa mo to, isipin mo na lang: paano na si val? mahiya ka naman. alam ko you have the right to slack off, pero sana inisip mo rin kami. i'm pissed. super pissed. fill in the blanks **** ***.

Monday, February 27, 2006

recent deviations


Image hosting by Photobucket

217: prom - expected much more than the rubber millefeuille

damn issues in pisay

prayers to philly, to my province, to pisay, and to ms. gelyn fabro

***

what the heck is happening around?

Sunday, January 22, 2006

SCA post-camp post

uhm. i know it's odd to start an entry with the word "uhm", especially since this entry is for GOD. Ngayon lang ako nakapagpost ng entry for God. Antagal ko nang sinasabi na magpopost ako ng at least an entry for God kasi I have time to make rants about useless stuff like that one time when I posted an image pero I never really offered something about God. "Uhm" kasi di ko alam pano simulan. "Uhm" kasi baka magkamali ako sa mga sasabihin ko. "Uhm" kasi gusto kong maging super galing ng post ko for God.

Firstly, when I heard about the camp I was certain I would be going, but I wasn't really excited about it. Siguro, at first impluwensya lang nina greggy at rayray. Tapos, macoconsume pa yung weekend. Pero, I never doubted na pupunta ako.

More or less 28 lang kaming nag-attend(not sure), pero ang sabi ni mam edulan, "Kahit 28 lang tayo, napupuno naman yung buong gym ng pagmamahal natin kay God." (not verbatim) Yun. ang nagpunta ay sina ate julia, kuya jerome. si greggy, ray2, nico r., jason gaguan, ate dane, hiyas, at tin cangas (at ako). si anthony quitay, si krizelle, si iya, si gabby, si kim (08). tapos, sina kevin roque, jio, gian dapul, jigs, si josh (at kung sino man ang nakalimutan ko). anyway, andami ko nang friends. hah. puro prayer, food, cards at basketbol lang kami sa breaks. hah. naka3-point shots ako. take note: shotS with a capital S.

ang saya niya. pwamis. nag-talk pa nga si kuya obet cabrillas (yung guy sa retreat; yung composer na gumawa ng pang-harana tas basted pa rin). ang saya niya. ngek ang lame. wala akong masabi. eto na.

uhm, Lord. Salamat po na nakapunta po ako ng camp. Salamat at marami po akong natutunan nung camp. Salamat sa lahat ng nagpunta. Salamat kay greggy at ray2; malaki po silang impluwensya. Salamat kay Sir Englats na nagluto ng napakasarap naming pagkain. Salamat kay Father Mon, kay Sir Sepulveda, kay Mam Gilereza (spelled as pronounced yan, di ko alam yung spelling eh), kay Mam Edulan, kay Ate Tin, kay Kuya Obet. Salamat kay Kuya Nilo (tama ba?), yung nag-help saming maglinis at magligpit. Salamat kay Mam Bonifacio, kay Mam Aimee. Salamat ng po sa lahat Lord. Salamat po sa three-point-shot achievements ko. Lord, sana po mas marami na kaming makapunta next time. Salamat din po at bio labrep lang at chem proj yung major requirements next week. Salamat po at nabigyan po Ninyo ako ng pagkakataon na makasama. Salamat sa sleeping bag. Salamat at nagbukas yung dorm.

Patawarin Niyo po ako sa mga kasalanan ko. Sa sloth. Sa extravagance, at iba pa po. Sana po hindi po namin makalimutan ang lahat ng natutunan namin, at hindi lang po namin eto maiapply for the first few days after the camp, but for the rest of our lives po. Lord, i-guide niyo po kami as we rekindle our passion, revitalize our mission, release our potentials, and regain our vision. Tulungan Niyo po yung mga nagugutom sa Africa, at sa kung saan pa man. Kahit po payat ako, I'm sure more people need more food than me. Pagpasensyahan Niyo po Lord na matagal pa before ako nakapagsulat for You. Lord, iaalay ko po ang mga achievements and goals ko for You. Continue to bless us with Your guiding spirit Lord, at sana marami po ang mainspire to live for Christ. Salamat din po pala sa mga friends nung camp. Kahit po kaunting time lang yung nabigay samin to spend with them, i felt safe and secure with them. Madali ko silang nakausap.

I-guide Niyo rin po yung parents ko atsaka yung relatives ko at home. Ang laki pong sacrifices ang ginagawa nila for me and my bro. Salamat din po at nanalo si Rob sa contest atsaka sina kevin gon, eduard at jason dj, kasi po pupunta po sana si Rob sa camp, pero dahil may contest siya, a short while lang siya nandun. Lord, tulungan Niyo po akong maging closer to You. In Jesus' name, I pray. Amen

Monday, January 09, 2006

At the point of no return

Moonstruck moment in a timeless frame
Surreally frozen yet in truthful reality
Sudden disobedience to an active game
In which rules are of pointless vacuity
Here I am at the point of no return
Looking up at the sun until I burn

To a desperate attempt of resolving uncertainty
Of either thinking twice or moving on
After a restless panting in maximizing liberty
Now coldly suppressed with my pompous con
Here I am at the point of no return
Gazing down at my feet in turn

Sandwiched in a dizzy confusion
What should I do? Should I stay or go?
So I ask from Divinity to guide my decision
To follow my heart in saying yes or no
Here I am at the point of no return
Reminiscing and guessing what I learned and shall learn

In relentless delirium through this shade of gray
Choice by split-second spontaneity
I can neither rewind nor fast-forward time anyway
Everything behind on a steeple of responsibility
Here I am at the point of no return
Doing all regardless of what I yearn

Seven years passed yet still I am here
Is this also a point of no advancement,
Where there is no option but be stuck every year?
So I finally try to try an improvement
Here I am at the point of no return
Brazenly seeking for fate to un-churn

Blessedly gifted with thoughts so shallow
As to take all the time to finally make it out
But I’m grateful enough for not having to wallow
In this totally nerve-wracking self-bout
Here I am at the point of no return
Here I am at the point of no return

Saturday, January 07, 2006

Di ako naniniwala dito kasi hindi ko makita yung basis nung test. stupid test, nonetheless, try niyo.

You scored as English. You should be an English major! Your passion lies in writing and expressing yourself creatively, and you hate it when you are inhibited from doing so. Pursue that interest of yours!

English

100%

Mathematics

92%

Engineering

92%

Biology

83%

Dance

83%

Chemistry

83%

Journalism

83%

Psychology

83%

Art

83%

Linguistics

83%

Philosophy

75%

Theater

75%

Sociology

67%

Anthropology

42%


What is your Perfect Major?

created by QuizFarm.com

Friday, December 16, 2005

Subdued Elegy

Gothic grease under my sight
Kept flickering into silent madness
Saddened by the half-enthusiastic grin of light
Murky silhouettes bewitched by the night-sky head
Swinging to the soft, fresh, rhythmic bright

None to atone the husky death of the silky winter breeze
Racing the forests over misty trees
Gravitated by the behest and call to squeeze
Light out of everything, and to displease
The aphrodisiac intensities into an unbinding sleaze

Attenuated by the disguised, yet spiked chains of mockery
Gyrating my body into a paralyzed deathbed
Of reverberating contractions and motionless history
Whirling through my head in a rapid torrent
Reminiscing the clichés of a vivid allegory

To the winds that blew the righteous ways:
“Gather yourselves inasmuch as you need it be,
And be as impure as rainy days,
So that collectively, you can assure revenge
To the chains that scheme the schism case.”

With that being enough as to be whispered loudly
May the divinity sought be with me indeed
As I saunter the chasms of hell-like mortality
And may everyone bear witness to the justice inflicted
To the fallen seraphim who was wing-ripped hurtfully

Monday, November 28, 2005


Image hosted by Photobucket.com



the past in the present

the present in the past

Tuesday, November 08, 2005

bad day

alam niyo, ang sama nung day na to!
noong papunta ako sa school, nagdasal ako na sana ang saya ng araw ko.
nung una, nakakainis. ang aga ko pang dumating. tas pagdating ko sa dorm, nandun sina kevin, homer at greggy. tas pagkababa ko nung bag ko sa desk, tinanong ba naman ako kung tapos ko na yung chem? what??? i was half-expecting na joke yun... tas yun pala may problem set. bwiset... hindi ako nagcheck ng mail over the weekend. badtrip. kainis. 19 numbers naipapass 8:20 am, tas 7:00 am na. may kasalanan akong ginawa, at hopefully walang nagbabasang teachers: nangopya ako. super quick kopya na namiss ko yung flagcem. tas yun. kainis. nag-aral pa naman ako nung gabi para sa simulation test sa chem. arrgh. kainis.

tas after nun, deh napass ko nga. tas sa math naman: 15/30 sa lt. yak. ang sakit pa rin ng: "it's ok ben. there's always a first time." yak. quatro ata yun. ampanget. tas sinalubong ako ni sir mardan at sinabing "ano nangyari?". tas nagshrug lang ako ng shoulders and walked away. yak, kakahiya. tas yun nga super bad day.

pero may nakakatuwa rin: sabi ba naman ni dom, "nagpaderma ka ben?" what? hindi ako nagpaderma, at never akong pupunta dun unless kailangan. tas sabi ko nag-ahit ako. ampanget ko...haha.

hindi. bad day pa rin yun. kainis talaga. pero nakaka-amaze talaga yung power ng prayers. kasi, kahit na nagcram ako, fine nagcheat na ako, tas half lang ako sa math lt. tas inakala kong due this day yung kythe, tas sinabi kong pangit ako ay hindi siya bad day after all. nung 10:25 PM, may nagtext sakin. tungkol sa math proposal namin. tapos na raw ni joji yung proposal. rejoice. tas may pahabol: luvyah! God bless.. nakakatuwa. narealize kong oo nga, sinagot ni God yung prayer ko. ahaha. thanks joji.

kahit never mo pa tong narinig sakin, at andaming beses mo na tong sinabi sakin, luvyah joji! God bless!

PS. tas kapareho ng concept natin yung proposal nina cheska, eduard, kevin, luigi. same title din. Agimath din sila. tas yung concept parehong-pareho. yak, kainis, sana lang magkatabi yung exhibits ng dalawang Agimath groups sa math exhibit. tas ang maririnig nating comment ay: "i see double!" ahahaha. salamat joji. luvyah.

Tuesday, November 01, 2005

habang nakasakay sa lrt mula pureza hanggang katipunan at nagmumuni-muni ng mga nakaraan, mga nangyayari, mga mangyayari, at mga kailangang mangyari

"manong, dito lang, po!"*sabay bigay ng singko sa mamang pedicab driver*

umuulan na naman. sa mga ganitong oras araw-araw ay paminsan-minsan lang ang mga tahimik na mga pagpatak.
bwiset! 'ala akong dalang payong

bumaba ako na may dala-dalang itim na backpack, na kahit mukhang hindi puno, ay masakit sa mga balikat. mabilis akong nagtungo paloob ng 7-eleven. doon ay nagulat ako nung habang nag-good-afternoon-sir—welcome-to-7-eleven yung guard ay nagvibrate yung bulsa ko.

1 new message
unlock

pagkatapos ay naisip kong onga pa la. kailangan kong magmadali.
patakbo akong lumabas at muntik ko nang mapatumba yung babaeng papasok. sa labas ay nagtampisaw at sa bilis ay naapakan ko pa yung kamay nung nakahiga sa bangketa.umiiling-iling pa yung kaawa-awang matanda. at doon ay nakita kong nakabukas ang kanyang marungis na palad habang yung isang kamay ay tinatakpan yung latang nagpapaloob ng kanyang mga tigbebentsiko’t pisong mga alaga. aba’y buti pa yung mga sensilyo ay may bubong. kaming mga tao ay tinatanggap ang mga lungkot na di-sadyang dinaranas. yung tanging komportableng parte ng matanda ay yung ulo. may mabait na nagbigay ng briefcase. ito yung unan niya (kahit matigas). habang yung matanda ay nanginginig sa lamig ng ulan, yung mga barya ay tagung-tago sa umipong galit ng langit.

ano ba? bilis.
at muling nagtungo sa kung saan ako dapat papunta. sa terminal ay walang kwentang pinabayaan lang ng guard na nakasara yung bag ko habang ako’y papasok. kunwari’y may inspeksyon, pero di rin naman pa la binuksan yung bag ko. huh?
ano ba naman ‘to? sana’y sinabihan ko na lang yung matandang nakahiga sa bangketang mag-apply bilang inspection guard sa lrt station, kasi siguro naman hindi kailangan ng educational degree yung pagtitig sa mga dalang gamit ng mga pasahero…. sa taas ay kaagad akong nagtungo sa ticket vending machine.

katipunan

argh. nagvibrate na naman yung phone ko. ay onga. hindi ko pa nababasa yung message kanina.

Ben! Antagal. d2 lang kami sa terminal magaantay.

tas yung bago:

Nakita q cla.di kami makalabas.bawal daw.

lagot. nandun na raw sila. baka manakaw pa yung file. kailangan ko na talagang magmadali.
argh. shocks. sa taas ay ang may marquee:

Train to Santolan in 7 minutes.

ang malas talaga. at ako’y nag-antay nang nag-antay. naramdaman kong may nakatitig sa dala-dala kong bag. ano ba? kasama ba siya. di siguro; hindi sila tumatanggap ng matatabang matanda. kailangan nila ng mabilis. pero, malakas talaga yung pakiramdam ko. kaya iniwasan ko siya. binasa ko yung mga bawal sa lrt. bawal ang food and drinks. bawal ang mag-videotape sa loob ng station. bawal ang pets sa loob. lumapit-lapit ako sa guard na sigaw nang sigaw sa mga batang lumalampas sa yellow line.

at, dumating din yung bumubusinang tren. sa wakas. pumasok ako dun sa pangalawang cabin. tas napansin kong sinundan ako nung matabang matanda. ngek. puno yung tren. at napansin ko ring may nakasandal sa tabi ng sign na “huwag sumandal sa pinto.” katakot. hinawakan din ng mataba yung pole na hinawakan ko. stalker. yung setting: nasa likod ko siya. so tumalikod ako’t hinarap ko siya. *sabay nag-sign-of-the-cross.* nagdasal din ako ng napakahabang dasal.

*arriving at v. mapa terminal station. paparating na sa v. mapa terminal station
---
*arriving at j. ruiz terminal station. paparating na sa j. ruiz terminal station

oo. umabot dun yung dasal ko. natakot kasi ako eh. pagkalabas ng isang pamilya ay umupo ako sa inupuan nila at tinapos ko yung dasal. katabi ko na naman yung mataba. kainis. hindi niya bang halatang nahahalata ko nang sinsusundan niya ako. wala sakin. ang nilalaman ng bag ko ay yung researches lang. puro hardcopy yan. walang software diyan.
at muli akong nakaramdam ng nagvivibrate sa bulsa. pero di pala akin; sa matabang katabi ko. at sosyal – tinawagan pa siya. samantalang ako, importanteng-importante ang pinag-uusapan ay hanggang text lang. ni hindi siya nagsalita; at aba’y nilipat pa sa kabilang tenga (kung saan mas malayo sakin) yung phone. nakinig lang siya sa sinasabi ng kausap niya.

*arriving at gilmore station. paparating na sa gilmore station.


at nagulat ako nung bumaba siya sa gilmore. akala ko’y stalker talaga. akala ko kasama siya. akala ko’y nanakawin niya yung bag na naglalaman ng mga mahahalagang mga papeles. ang feeling ko talaga. sino naman yung magkakagusto sa mga papeles na iyon. ang boring nun eh. pero nakapagtatakang bigla siyang bumaba pagkatapos niyang pakinggan yung nagsasalita sa cellphone niya. ang masasabi ko lang: kakaiba siya. hindi pa ako nakakita ng taong nag-sisilent ng phone (except yung mga studyanteng katulad ko). at ba’t di man lang siya umoo o huminde sa kausap niya. weird. pero buti na lang at wala na siya. haay! peace at last!

at muling bumalik sa isipan ko yung matandang nagmamalimos sa labas ng 7-eleven. bakit? ba’t di ko man lang siya nabigyan ni piso? sa totoo’y dala-dala ko yung wallet ko, at pwedeng-pwede ko talaga siyang bigyan ng bente kasi hindi naman aabot-trenta yung two-way ride ng lrt. maari ko nga bang maging rason ang pagmamadali? maari ko nga bang maging rason ang pagmamadali sa pag-apak ng kamay niya sa gitna ng ulan at hindi man lang mag-sorry o maghulog ng kahit bentsingko? iskolar ng bayan. tumatanggap ng stipends buwan-buwan. may pribilehiyong mag-aral nang libre ng de-qualidad na edukasyon kahit na nagtratrabaho ang nanay at tatay. at kahit piso wala akong naibigay. nung isang araw lang ay nakahanap si nanay ng sandaan sa sidewalk na tambayan ng mga pedicab. at sa tabi pa yun ng 7-eleven. kung tumayo lamang yung nakahigang matanda at umikot ng 900 sa corner ng 7-eleven at tumingin sa baba’y parang hulog ng langit na iyon. pero sino ang nakapulot ng sandaan? si nanay nung siya’y sasakay pa lamang sa pedicab. kawawa naman yung nahulugan. ang tadhana nga naman.

ano na ang gagawin ko? babalik pa naman ako mamaya ah. sige mamaya. 100.

tas school naman—
*arriving at betty go-belmonte station. paparating na sa betty go-belmonte station

—hmmmm. pisay? ano nga ba ang current events sa pisay? isyung pisay. sus. piket. pinaparesign si RRM. wag na iyon. hayaan mo na yung PSHSEU.
long vacation. sem-break (?). uuwi akong tacloban. kahit anong pilit kong maging excited ay wala rin. sa dami ba naman ng requirements (long overdue: gsk article. shayne_joji article. hindi overdue: lab activity revision. topic proposal sa math4 project. final output ng kythe. PSHSEU article—wala pa ring side ni RRM. ramayana sound committee responsibilities. reaction paper ng “all the president’s men.” review ng “midsummer night’s dream.” ). yun. friday na lang. curse you pisay. arrgh. deh joke lang.

*arriving at araneta center-cubao. paparating na sa araneta center-cubao

feeling niyo siguro ok lang sakin. hindi. mahirap din. lalu na’t ang kasama ko lang ay roommates ko sa dorm pag weekdays. at sa weekends naman ay ang aming tagaluto. si kuya kasi may pasok tuwing sabado. kainis. wala tuloy akong makausap. mabuti pa kayo. kahit sat-sunday lang (for dormers) ay nakakasama niyo pa rin yung mga magulang niyo. pero ganyan talaga. kaya aral na lang ako nang aral. ang boring, diba?

ano ba? ang layo mo na, ben

imemeet ko yung pinsan ko sa katipunan. isa siyang computer programmer. kailangan ko siyang makausap para mafinalize ko na yung research at matapos na rin namin ang kanyang napakahirap na undergrad thesis. kasi gumawa nga siya ng game. tinutulungan ko siya sa storyline. tas tinutulungan ko rin siya partly sa paperwork. so yun, yung game ay isang detective game. ahaha. parang c.s.i. pero mas real-life. eto, gumagamit ng 4D technology, holographic interface na may sense of touch (4th dimension). so yun, nakakatuwa. award-winning to. patapos na siya. pero walang balak yung pinsan ko na bentahin sa market. medyo selfish eh. kasi tinurn-down niya na yung EA games, pero ewan namin kung EA games nga ba yung may pakana ng mga stalkers. kasi may sunod nang sunod sa amin. at pahalata sila ah. akala siguro magbabago yung isip ng pinsan ko.

*arriving at anonas terminal station. paparating na sa anonas terminal station

yun nga. yung paperwork sa bag ko ay sa thesis ng pinsan ko. ang kulit ng matabang stalker. buti na lang bumaba rin sa gilmore. ayun, malapit na sa katipunan. pero hindi ko alam na habang ako’y nag-aantay sa loob ng tren ay marami na ang nangyayari sa labas ng tren. at vrnggfh…vrnggfh.
sa bulsa ko’y muling nagvibrate. pero mas matagal ngayon. himala. tawag. siya na naman.

“bawal makalabas. kanina pa may kababalaghan dito. kasi andaming tao. lahat ng nagsisilabasan ng tren ay di makalabas ng station. bawal kasi eh. alam mo bang may reported—“ *toot. toot. toot* at mas lalo akong kinabahan. tumayo na ako at handang-handa na akong bumaba.

at bumaba yung tren. pababa. underground subway. kakaibang station yung sa katipunan.

*arriving at katipunan terminal station. paparating na sa katipunan terminal station

lumabas ako at nakitang imposible ko yatang mahanap yung pinsan ko sa loob ng limang minuto. andaming tao. sobrang dami. bawal kasing magpalabas. anong meron? malabo. mainit.

may mga jounalist akong nakikita. inquirer. star. manila bulletin. radio stations. at tv stations na rin. kakaiba tong reporting. yung tv station journalists walang kasamang camera-man. o kung may kasama man ay hindi ginagamit yugn camera. oonga naman—bawal. pero wala bang special exceptions.

tas nakita ko rin yung pinsan ko. “oo, dala ko,” sabi ko. “anong meron?” tas kwinento niya sakin:

diba kanina, tinext kitang mag-aantay na lang kami sa terminal, kahit na nakabili na ako ng tiket? sa vending machine, muntik ko nang mawala yung game. doon ay nilapag ko sa sahig noong pumipindot-pindot ako sa vending machine. tas pagkatapos kong makuha yung tiket ay kinuha ko yung briefcase (sa tabi ng vending machines) na naglalaman ng game. pagbukas ko, nakita kong hindi akin. tas nireport ko sa security. sabi nila bomba. yak. red alert tawag agad sa police. tawag agad sa babang guard. wala raw palalabasin.

kung hindi ba naman bobo yung security. malamang nakalabas na yon. o kaya naman ay sumakay na sa tren. tas naalala kong isa tayo sa top na bansang target ng terrorists. katakot. tas naalala ko rin yung guard sa pureza station. hindi niya man lang tiningnan yung laman ng bag ko. tas eto may seryosong bomba. what? sabagay, mas mabuti nang hindi palabasin yung mga tao sa loob. pero hindi rin eh, kasi pano pag biglang sumabog yung bomba….

tas hinanap ko yung briefcase ko. briefcase ko. nanakaw talaga. yung stalker.

ahhh. na-gets ko na. kaya bumaba ng gilmore yung katabi kong mataba. kasi tapos na. nakuha na nila. yun.

tas yun na. tinawagan na kita. tas briefcase ko nawawala. hanggang ngayon.

“baka naman, wala talaga. baka naman naiwan mo sa bahay. baka nandun pa rin sa pureza.”

“hindi wala. alam ko dala-dala ko yun”

tas buti na lang may softcopy siya sa computer. pero baka mamarket ng EA games (kung EA games man yun). eh di nasingko siya sa thesis. kasi plagiarism lang yun. so yun. namroblema siya.
naresolba na rin yung bomb scandal pagkatapos ng ilang oras ng eksaminasyon ng “bomb squad.” lahat ay inenspeksyon paglabas.

at umuwi kaming hindi nag-uusap sa tren. sa pagbaba ay nilabas ko yung 100 na para sa matanda sa 7-eleven. kahit malas kami sa araw na ito ay bibigyan ko pa rin yun matanda. tas may himalang nangyari. ewan naming dalawa pero natuwa kami. naisip naming kapalit ng 100 ay yung unan ng matandang nakahiga. yung unan niyang briefcase. briefcase ng pinsan kong naglalaman ng laro—buti na lang naiwan ng pinsan ko. buti na lang na ginawang unan ng matanda. tas binuksan ng pinsan ko. kumpleto. maswerte rin pa la kami at hindi marunong magbukas ng briefcase yung matanda at tinamad siyang tumayo upang iwan niya yung mga sensilyo. at kami’y sumakay sa pedicab. masayang-masaya. kasingsaya ng matanda. kasingsaya ng araw sa asul na langit.

Monday, October 10, 2005

isang poem para kay joji mendoza

umiikot, umiikot nga ang bolpen mo
nauubos, nauubos na nga ang tinta
wala ka ngang maisulat
sa hawak mong papel.

at sa gitna ng kadiliman ng magulong isipan
naroon ako, naghihintay, nagtataka
bakit ba? ang tagal na.
wala man lang ni isang salita.

at tila bawat tibok
ay may kumakatok
pero hindi ko mahanap ang pinto
nasaan nga ba, saan nga ba ito?

at naghanap ako
naghanap
naghanap
naghanap.

nguni't di ko ito makita.

umiikot, umiikot nga ang bolpen mo
nauubos, nauubos na nga ang tinta
wala ka ngang maisulat
sa hawak mong papel.

nakakabitin yung retreat!

Saturday, September 24, 2005

Naplano ko na. Ang problema ko lang: hindi ako maka-tiempo.

Minsan kasi, may ginagawa kang importante.
Minsan din, hindi kita mahanap.

Bakit nga ba?

Naalala ko rati na ang daming beses na sana'y nagawa ko siya. Pero hindi ko alam kung ba't di ko siya nagawa. Siguro dahil gusto kong perpekto ang pagkagawa ko sa kanya.

Pasyensya ka na sa mga pagkakamali ko.
Pasyensya na rin kung naghihintay ka (saka-sakaling nag-aantay ka).
Pasyensya ka na kung di mo mapansin ang effort ko. Gagawan ko siya ng paraan...
Pasyensya na rin kung minsan ay nag-promise akog mag-tag, pero di ko naman ginawa.
Pasyensya na rin na pinag-papasensya kita.

Salamat nga pala at binabasa mo pa to.

Basta h'wag mo lang akong kakalimutan...

Kailan ko nga ba ito magagawa?

Kailan pa?

Saturday, August 27, 2005

nabasa mo pala...


































































.

Friday, August 19, 2005

ang stupid stupid ko nga. inaamin ko na ako iyon. utang na loob. patawarin mo na ako. naguiguilty tuloy ako. pero hindi ko napigilan ang sarili ko. seryoso ako dun sa tnxt ko. kung pwede lang sana na mabalik yon eh, papalitan ko talaga yung ginawa ko. hindi ko na alam kung ilang mali pa ang magagawa ko.

ginusto kong sabihin iyon personally. pero nga, nahihiya talaga ako. siguro nga bata pa ako. kulang talaga ako sa experience. hindi ko naman masisi yung sarili ko dun sa ginawa ko. weird kasi ang feeling na nararamdaman. meron talagang nag-urge sakin na gawin yun. sorry talaga.

ang mga cellphones ngaun ay tila wala ng silbi sakin. oo nga naman, may point ka. hindi mo nga talaga malalaman kung totoo ang sinasabi ng isang tao sa pamamagitan ng text. pati rin sa tawag. malay mo, may abilidad yung kausap mong ibahin ang voice nya diba? di mo kasi makita eh. pero ganun din eh. kapag nakita mo sya. hindi ka sigurado kung totoo nga ang sinasabi ng tao. pwede rin naman siyang magsinungaling.

pero ang masasabi ko lang hindi ako nagsinungaling dun sa sinabi ko. hindi ko man mapoprove yun ng mga theorems, postulates, o written documents, maaaring maprove ko yon sa pamamagitan ng actions.

malay ko bang ikaw lang ang pwedeng magpost sa blog mo. pwede rin namang ibang tao, diba? pwede rin naman na may ibang taong nakakaalam ng password mo sa blog. pero alam kung ikaw yun. mararamdaman ko kasi kung ibang tao eh.

sorry talaga kung nasaktan ka. kung tutuusi'y ayoko rin namang ipakita ang personal na mga messages sa text. gusto ko rin naman yung actual na sinasabi. pero namiss nga kita talaga noon. hindi talaga ako nabore non. pero namiss lang talaga kita. ganun na ba kabagal ang oras at namiss kita three hours after tayo last nagkita? pasensya ka na, pero mahal lang talaga kita. at hindi to bola.