Sigarilyo
Hithit lang. Oo. Ano ba ang meron sa napakalecheng stick na to? Bakit ba? Peste naman oh. Ano ba? Kung gagastos ka na lang para sa sarili mong mga rason, wag mo naman sana idamay ang mga magulang nating nagkakandahirap na hindi mabawasan ng kahit isang pisong pinagpawisan. Alam mo bang hindi lang ikaw ang nadadamay sa mga epekto ng stick na yan. Wag mo naman sanang gaguhin ang perang pinapadala nila para sa mga gastusin natin. Sana lang kung bibili ka ng walang-kwentang box ng Marlboro ay hindi mo ipapakita sa akin nang harap-harapan. Walang hiya. Akala ko pa naman ay nag-withdraw ka para sa pagkain natin. Yun pala, kaya mo pinilit na ikaw ang mag-wiwithdraw ay dahil bibili ka ng lecheng sigarilyong yan. Kung alam mo lang ang mga hirap na pinagdadaanan nina dad at mom para lang tayo mabuhay. Hindi ba halatang naka-maskara sila kung bumisita satin; hindi ba halatang nagkukunwari silang masaya despite sa hirap ng paghahanap ng pera? Alam naman nating dalawa na sa kabila ng mga shopping at gastos ay pinagtatrabahuan nila yun. Bwiset ka! Sana man lang wag mo akong bubugahan ng pesteng usok na yan. Alam mo namang sakitin tong kapatid mo diba? Diba dagdag gastos na naman yun sa mga magulang natin? Langhiya ka. Kaasar ka. Kahit ano pa mang rason yan. Kabobohan man o katangahan at nagpauto ka sa stick na yan. Wala akong pakealam. Sobra na eh. Kung sasabihin mo lang sakin na “Eh hindi naman natin alam kung kailan tayo mamatay,” aba’y wala kang karapatang ilagay sa living hell yung mga pumapaligid sa iyo. Wala kang kwenta. Ayusin mo yang buhay mo. Ewan ko ba? Imbes na ikaw ang keeper ko, ako pa ata ang nag-aalaga sa iyo eh. Ano ka ba? Diba ikaw ang mas nakakatanda sating dalawa? Mag-isip nga. Ikaw ang kumbaga mas matalino dahil sa tagal ng age gap natin. Tapos dadagdagan pa ng amoy-alak. Langhiya ka. Kung gagastos ka na lang, sana stipends mo (na wala naman talaga) o kung anumang sweldong hindi mo naman talaga matatanggap dahil sa dependent ka pa sa mga magulang natin ang gamitin mo. Kahit magbebente ka na, wala kang karapatang maging parasite sa mga magulang natin kasi hindi ka pa naman kumikita. At kahit kumikita ka na ay wag mo sanang gamitin yun sa bisyo. Badtrip ka talaga. Bakit ka ba ganyan? Bibili ka ng isang bagong box sa grocery tapos may makikita yung kapatid mong isa pang box ng sigarilyong hindi pa ubos sa bag mo? Wala ka talagang kwenta. Okay lang sana kung bibili ka ng bagong bag o sapatos o shirt o pantalon sa celio kahit na sandamukal na ang mga kagamitan mo. Eh pero Marlboro pa talaga. Sobra na talaga eh. Eh pano pag magkasakit ka, sina dad at mom rin ang gagastos diba? Tumigil ka na nga. Mahiya ka naman sa lahi mo. Bwiset. Damn you. Sana lang ay magbago ka. Magbago ka na. Putik, lumalabas talagang ako yung nag-aalaga sa iyo eh. Pero dapat the other way around. Please naman. Tumigil ka na…