ang stupid stupid ko nga. inaamin ko na ako iyon. utang na loob. patawarin mo na ako. naguiguilty tuloy ako. pero hindi ko napigilan ang sarili ko. seryoso ako dun sa tnxt ko. kung pwede lang sana na mabalik yon eh, papalitan ko talaga yung ginawa ko. hindi ko na alam kung ilang mali pa ang magagawa ko.
ginusto kong sabihin iyon personally. pero nga, nahihiya talaga ako. siguro nga bata pa ako. kulang talaga ako sa experience. hindi ko naman masisi yung sarili ko dun sa ginawa ko. weird kasi ang feeling na nararamdaman. meron talagang nag-urge sakin na gawin yun. sorry talaga.
ang mga cellphones ngaun ay tila wala ng silbi sakin. oo nga naman, may point ka. hindi mo nga talaga malalaman kung totoo ang sinasabi ng isang tao sa pamamagitan ng text. pati rin sa tawag. malay mo, may abilidad yung kausap mong ibahin ang voice nya diba? di mo kasi makita eh. pero ganun din eh. kapag nakita mo sya. hindi ka sigurado kung totoo nga ang sinasabi ng tao. pwede rin naman siyang magsinungaling.
pero ang masasabi ko lang hindi ako nagsinungaling dun sa sinabi ko. hindi ko man mapoprove yun ng mga theorems, postulates, o written documents, maaaring maprove ko yon sa pamamagitan ng actions.
malay ko bang ikaw lang ang pwedeng magpost sa blog mo. pwede rin namang ibang tao, diba? pwede rin naman na may ibang taong nakakaalam ng password mo sa blog. pero alam kung ikaw yun. mararamdaman ko kasi kung ibang tao eh.
sorry talaga kung nasaktan ka. kung tutuusi'y ayoko rin namang ipakita ang personal na mga messages sa text. gusto ko rin naman yung actual na sinasabi. pero namiss nga kita talaga noon. hindi talaga ako nabore non. pero namiss lang talaga kita. ganun na ba kabagal ang oras at namiss kita three hours after tayo last nagkita? pasensya ka na, pero mahal lang talaga kita. at hindi to bola.
Friday, August 19, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment