bad day
alam niyo, ang sama nung day na to!
noong papunta ako sa school, nagdasal ako na sana ang saya ng araw ko.
nung una, nakakainis. ang aga ko pang dumating. tas pagdating ko sa dorm, nandun sina kevin, homer at greggy. tas pagkababa ko nung bag ko sa desk, tinanong ba naman ako kung tapos ko na yung chem? what??? i was half-expecting na joke yun... tas yun pala may problem set. bwiset... hindi ako nagcheck ng mail over the weekend. badtrip. kainis. 19 numbers naipapass 8:20 am, tas 7:00 am na. may kasalanan akong ginawa, at hopefully walang nagbabasang teachers: nangopya ako. super quick kopya na namiss ko yung flagcem. tas yun. kainis. nag-aral pa naman ako nung gabi para sa simulation test sa chem. arrgh. kainis.
tas after nun, deh napass ko nga. tas sa math naman: 15/30 sa lt. yak. ang sakit pa rin ng: "it's ok ben. there's always a first time." yak. quatro ata yun. ampanget. tas sinalubong ako ni sir mardan at sinabing "ano nangyari?". tas nagshrug lang ako ng shoulders and walked away. yak, kakahiya. tas yun nga super bad day.
pero may nakakatuwa rin: sabi ba naman ni dom, "nagpaderma ka ben?" what? hindi ako nagpaderma, at never akong pupunta dun unless kailangan. tas sabi ko nag-ahit ako. ampanget ko...haha.
hindi. bad day pa rin yun. kainis talaga. pero nakaka-amaze talaga yung power ng prayers. kasi, kahit na nagcram ako, fine nagcheat na ako, tas half lang ako sa math lt. tas inakala kong due this day yung kythe, tas sinabi kong pangit ako ay hindi siya bad day after all. nung 10:25 PM, may nagtext sakin. tungkol sa math proposal namin. tapos na raw ni joji yung proposal. rejoice. tas may pahabol: luvyah! God bless.. nakakatuwa. narealize kong oo nga, sinagot ni God yung prayer ko. ahaha. thanks joji.
kahit never mo pa tong narinig sakin, at andaming beses mo na tong sinabi sakin, luvyah joji! God bless!
PS. tas kapareho ng concept natin yung proposal nina cheska, eduard, kevin, luigi. same title din. Agimath din sila. tas yung concept parehong-pareho. yak, kainis, sana lang magkatabi yung exhibits ng dalawang Agimath groups sa math exhibit. tas ang maririnig nating comment ay: "i see double!" ahahaha. salamat joji. luvyah.
No comments:
Post a Comment