Sunday, August 13, 2006

CAMP

Hi! Hi! hello! hi! hi!...hello! hello! hi! hello! hello!

Woohoo! Talagang nakakabless yung camp! Tapos aliw yung worship! Kung dati naiinggit ako sa mga tao-taong kumakanta ng worship songs to the point na nag-iimbento ako ng lyrics, ngayon ako naman yung mang-iinggit. haha, biro lang. ayan. aliw kasi yung songs, sobra. tapos yung mga talks sobrang nakakainspire. parang rags to riches kasi silang lahat eh--mga tipong suicidal, malaking galit sa mundo, lasinggero, pasaway, tapos magiging servant ni Lord, diba nakakainspire? oo. sobra. idol... woohoo.

nakakabitin nga lang yung camp. gusto ko pa... kung kayong service team ay may slow-mo, fast, action, malamya, at w/ feelings, ako naman gusto ko ng repeat. repeat. repeat. repeat. gusto kong ulit-ulitin. parang antagal kong nasa-gym. pero di nga dun natatapos diba??? yebah. woohoo. astig nung songs. ayy. mali pala, chada yung songs.

mas magandang stress-reliever yung chada kaysa sa donkey-yeehoh ni joy. ahaha.

chada and shuckers. woohoo... go YFC. YFC Peters. All the time, GOD is good. GOD ROCKS!

Sunday, August 06, 2006

ako'y de-pindot (past tense)

hindi yung bolpen ah! hindi yung retractable. oo. yung tipong pagtrinansliterate mo, maiintindihan mo.

naiirita ako sa iyo. stop. tinalo mo pa ako sa katamaran. stop. pero, ikaw kasi walang karapatan maging tamad. stop. requirement sa iyo yun eh. stop. bukod dun, ikaw ang unang-unang kinainisan ko nang sobra-sobra. stop. tapos, manggugulo pa yung acads. stop. tapos, eepal ka nanaman. stop. para ka talagang masamang fireman. stop. yung tipong pinapatay yung apoy na nagdudulot ng kabutihan. stop. oo, fireman ka. stop. and you put out the fire in me. stop. isa ka ring hangin. stop. diba yung apoy kailangan ng hangin? stop. pero kapag sobra-sobra, ikinasasama rin nito. stop. ikaw ay isang malaking hangin na pinatay ang maliit na apoy sa aking puso. stop. kung paunti-unti lang sana iyon e di lumaki yung apoy, tas kahit ilang units pa yan ng hangin ay tutulong din yan sa pagpapalaki ng apoy. stop. pero hindi e, kailangan patayin mo yung apoy bago ito lumaki. stop.

antonym ng dreamweaver. stop. bakit ba kasi? stop. tas mas lalung nakakainis kasi dinamay mo pa yung ibang tao. stop. kelangan mo bang maging kontrabida sa lahat. stop. hindi ko sinasabi na bida ako, pero parang tinitiris mo yung puso ko. stop. aba. stop. oo, kung alam mo lang kung ano naramdaman ko nun. stop. naging hilaw ako nun. stop. kaya nga ako lumapit dahil dun sa gusto ko. stop. tapos, ikaw rin pala yung magpapalayo sakin dun sa ginusto ko. stop. domino effect kasi e. stop. pero hindi ko pa rin masabi na ikaw yung may kasalanan. stop. di kita masisi kasi wala akong makitang mali dun sa ginawa mo. stop. kaso, pinangarap ko yun eh. stop. parang kastilyong buhangin. stop. sandali lang kung makamit. stop. tapos, biglang maglalaho. stop. naiinis ako sa sarili ko. stop. kasi lahat na lang ng ginagawa ko ay maling desisyon. stop.
pero gagayahin kita, magiging tamad na rin ako sa ngayon. stop. pero sa mga bagay lang na konektado sa iyo. stop. sorry ahh, alam kong masama, pero it's a choice of the lesser evil. stop. kelangan ko kasing ilabas eh. stop. baka kasi kung pigilan ko pa, mas malaking bwelo ang magdulot ng mas malaking epekto. stop. sorry, pero mula ngayon, hindi lahat ng gusto mo makukuha mo. stop. ok? stop.

buti na lang may mga taong nakakapagpalimot sa mga problema ko. may i say thanks. salamat na nandun ka kung kailan kailangan kita. di ako sanay na mapindot kaya anlabo ko kapag napipindot ako. ok? yun lang.

***

"love is intangible, yet it touches you!"

DOWNDOG

kumusta naman iyon? uhm. pila.pila.pila... antay. tayo. pila.

abay iba-iba pala yung sets ng questions sa upcat. aliw. pero pano nila iyon maikukumpara diba? i mean, meron ding halong luck para pumasa. bat kasi nila iniba, diba? take this: student A and student B have different sets of questions. si A ay eksperto sa cell parts, si B naman sa metabolism. pano pag natyempuhan na si A ay may questions tungkol sa cell pero hindi yung parts, kunwari growth. tapos si B yung questions niya may cell parts (instead na growth) tapos meron din nung metabolism. gets mo? kung by chance napunta kay A yung questionnaire ni B, maswerte siya kasi may cell parts. tapos kay B napunta yung kay A, good luck nalang. diba? ang hirap macompare yung difficulties diba? anduga duga talaga.

tapos nag-antay ako dun mula 10 hanggang 1. aba, putik na bocobo iyan. 12.30 diba? bakit biglang 1 pa kami magsisimula. yun tuloy, natapos kami mga 6.30. ano ba??? nag-skedyul pa kayo... ahaha. kamukha ni nico rogelio ang aming proctor. as in. tatay niya ata yun eh.

tapos yung reading compre ang hirap. pero may part dun na kwento nung "my father goes to court", at skinim ko na lang yun. hahaha. thanks mam jam. haha.

touché