Wednesday, March 28, 2007

maraming bagay ang nangyayari

oo na, naisip kong magsulat tungkol sa grad, o sa pisay, o sa grad ball, o sa 07, o sa clearance, o sa str, atbp., pero hindi niyo mababasa rito yun. nakakatamad e. besides, ano pa ba ang pwedeng maisulat?? mga "mamimiss ko kayo"? o kaya mga "sa wakas wala nang econ"?!

ngek. eto na lang.
maraming bagay ang nangyayari ngayon.
tulad na lamang ng hostage taking ng kabataan, o kaya naman yung sabay-sabay na pagbagsak ng pickup-sticks sa isang kindergarten, o kaya naman yung mabilis na metastasis sa mga may lung cancer, o kaya naman yung paninigarilyo ng kuya ko.
e pake ko ba? hindi ko pasan ang mundo. kaya naman, magkwekwento na lang ako sa kung ano ang meron sa akin.

edi ayun. masasabi kong nabawasan yung OP'ing. wala lang. pero di pa rin mamamatay yang mga sabi-sabi nila. mas kilala natin ang sarili natin kesa sa pagkakakilala ng ibang tao. kaya itigil na ang siraan ng phone. oo, alam natin na di tayo kuntento sa mga selepono natin, pero sana pahalagaan din natin sila. ano ba? cheap na nga sila, sisirain pa. :))

at eto pa. grad gift?? dad, sana nababasa mo to. :)) gusto ko nun. pramis.

eto pa. mundo. tumigil ka na nga sa kaka-impress sakin. alam kong ginagawa mo yan sa lahat. pero mas may impressive pa sayo, tanggapin mo na yun. :))

ayoko na nga. currently feeling excited for college. and the shooting. :))

tungkol naman sa aprika. sana less hunger para sa mga gutom.
at sa pilipinas. sana tamang daan ang tahakin mo.
at sa djibouti. sana mas maraming tao ang makaalam na may ganun pala sa mundo.

Friday, March 16, 2007

PRAISEFEST

PRAISEFEST 2007

THIRST QUENCHER:
is He in you??

march.22.2007.thurs.4-8pm.pshs.open.field.

"Yet a time is coming and has now come when the true worshipers will worship the Father in spirit and truth, for they are the kind of worshipers the Father seeks. God is spirit, and His worshipers must worship in spirit and in truth."
- John 4:23-24

Thursday, March 15, 2007

unti-unti

unti-unti nang naglalaho ang mga salita
unti-unti nang namamatay ang blog na ito
di ko akalain na hanggang 506 lang ang kaya nito sa sitemeter (as of now)
unti-unti nang nawawalan ng saysay ang existence nito
unti-unti nang nakakatamad magtype nang magtype
di ko akalain na 19 days nang walang nagtatag
at yung huling tag pa ay "dumaan ako"
e kung patayin ko na kaya to nang tuluyan
wala naman masyadong nagtatag e
yung mga mismong ineexpect kong magtatag, yun pa yung hindi

unti-unti akong nalulumbay sa palapit na katapusan
unti-unti akong mabubuhay nang panibago
nananawagan ako sa mga matapat na mga bisita ng site na ito, magtag naman kayo
nananawagan ako sa mga hindi tapat, maging tapat naman kayo, at magtag na rin kayo
hahahah. pathetic. konti na lang. patapos na. ayan. hahaha. mabuhay ka nga.