Friday, December 16, 2005

Subdued Elegy

Gothic grease under my sight
Kept flickering into silent madness
Saddened by the half-enthusiastic grin of light
Murky silhouettes bewitched by the night-sky head
Swinging to the soft, fresh, rhythmic bright

None to atone the husky death of the silky winter breeze
Racing the forests over misty trees
Gravitated by the behest and call to squeeze
Light out of everything, and to displease
The aphrodisiac intensities into an unbinding sleaze

Attenuated by the disguised, yet spiked chains of mockery
Gyrating my body into a paralyzed deathbed
Of reverberating contractions and motionless history
Whirling through my head in a rapid torrent
Reminiscing the clichés of a vivid allegory

To the winds that blew the righteous ways:
“Gather yourselves inasmuch as you need it be,
And be as impure as rainy days,
So that collectively, you can assure revenge
To the chains that scheme the schism case.”

With that being enough as to be whispered loudly
May the divinity sought be with me indeed
As I saunter the chasms of hell-like mortality
And may everyone bear witness to the justice inflicted
To the fallen seraphim who was wing-ripped hurtfully

Monday, November 28, 2005


Image hosted by Photobucket.com



the past in the present

the present in the past

Tuesday, November 08, 2005

bad day

alam niyo, ang sama nung day na to!
noong papunta ako sa school, nagdasal ako na sana ang saya ng araw ko.
nung una, nakakainis. ang aga ko pang dumating. tas pagdating ko sa dorm, nandun sina kevin, homer at greggy. tas pagkababa ko nung bag ko sa desk, tinanong ba naman ako kung tapos ko na yung chem? what??? i was half-expecting na joke yun... tas yun pala may problem set. bwiset... hindi ako nagcheck ng mail over the weekend. badtrip. kainis. 19 numbers naipapass 8:20 am, tas 7:00 am na. may kasalanan akong ginawa, at hopefully walang nagbabasang teachers: nangopya ako. super quick kopya na namiss ko yung flagcem. tas yun. kainis. nag-aral pa naman ako nung gabi para sa simulation test sa chem. arrgh. kainis.

tas after nun, deh napass ko nga. tas sa math naman: 15/30 sa lt. yak. ang sakit pa rin ng: "it's ok ben. there's always a first time." yak. quatro ata yun. ampanget. tas sinalubong ako ni sir mardan at sinabing "ano nangyari?". tas nagshrug lang ako ng shoulders and walked away. yak, kakahiya. tas yun nga super bad day.

pero may nakakatuwa rin: sabi ba naman ni dom, "nagpaderma ka ben?" what? hindi ako nagpaderma, at never akong pupunta dun unless kailangan. tas sabi ko nag-ahit ako. ampanget ko...haha.

hindi. bad day pa rin yun. kainis talaga. pero nakaka-amaze talaga yung power ng prayers. kasi, kahit na nagcram ako, fine nagcheat na ako, tas half lang ako sa math lt. tas inakala kong due this day yung kythe, tas sinabi kong pangit ako ay hindi siya bad day after all. nung 10:25 PM, may nagtext sakin. tungkol sa math proposal namin. tapos na raw ni joji yung proposal. rejoice. tas may pahabol: luvyah! God bless.. nakakatuwa. narealize kong oo nga, sinagot ni God yung prayer ko. ahaha. thanks joji.

kahit never mo pa tong narinig sakin, at andaming beses mo na tong sinabi sakin, luvyah joji! God bless!

PS. tas kapareho ng concept natin yung proposal nina cheska, eduard, kevin, luigi. same title din. Agimath din sila. tas yung concept parehong-pareho. yak, kainis, sana lang magkatabi yung exhibits ng dalawang Agimath groups sa math exhibit. tas ang maririnig nating comment ay: "i see double!" ahahaha. salamat joji. luvyah.

Tuesday, November 01, 2005

habang nakasakay sa lrt mula pureza hanggang katipunan at nagmumuni-muni ng mga nakaraan, mga nangyayari, mga mangyayari, at mga kailangang mangyari

"manong, dito lang, po!"*sabay bigay ng singko sa mamang pedicab driver*

umuulan na naman. sa mga ganitong oras araw-araw ay paminsan-minsan lang ang mga tahimik na mga pagpatak.
bwiset! 'ala akong dalang payong

bumaba ako na may dala-dalang itim na backpack, na kahit mukhang hindi puno, ay masakit sa mga balikat. mabilis akong nagtungo paloob ng 7-eleven. doon ay nagulat ako nung habang nag-good-afternoon-sir—welcome-to-7-eleven yung guard ay nagvibrate yung bulsa ko.

1 new message
unlock

pagkatapos ay naisip kong onga pa la. kailangan kong magmadali.
patakbo akong lumabas at muntik ko nang mapatumba yung babaeng papasok. sa labas ay nagtampisaw at sa bilis ay naapakan ko pa yung kamay nung nakahiga sa bangketa.umiiling-iling pa yung kaawa-awang matanda. at doon ay nakita kong nakabukas ang kanyang marungis na palad habang yung isang kamay ay tinatakpan yung latang nagpapaloob ng kanyang mga tigbebentsiko’t pisong mga alaga. aba’y buti pa yung mga sensilyo ay may bubong. kaming mga tao ay tinatanggap ang mga lungkot na di-sadyang dinaranas. yung tanging komportableng parte ng matanda ay yung ulo. may mabait na nagbigay ng briefcase. ito yung unan niya (kahit matigas). habang yung matanda ay nanginginig sa lamig ng ulan, yung mga barya ay tagung-tago sa umipong galit ng langit.

ano ba? bilis.
at muling nagtungo sa kung saan ako dapat papunta. sa terminal ay walang kwentang pinabayaan lang ng guard na nakasara yung bag ko habang ako’y papasok. kunwari’y may inspeksyon, pero di rin naman pa la binuksan yung bag ko. huh?
ano ba naman ‘to? sana’y sinabihan ko na lang yung matandang nakahiga sa bangketang mag-apply bilang inspection guard sa lrt station, kasi siguro naman hindi kailangan ng educational degree yung pagtitig sa mga dalang gamit ng mga pasahero…. sa taas ay kaagad akong nagtungo sa ticket vending machine.

katipunan

argh. nagvibrate na naman yung phone ko. ay onga. hindi ko pa nababasa yung message kanina.

Ben! Antagal. d2 lang kami sa terminal magaantay.

tas yung bago:

Nakita q cla.di kami makalabas.bawal daw.

lagot. nandun na raw sila. baka manakaw pa yung file. kailangan ko na talagang magmadali.
argh. shocks. sa taas ay ang may marquee:

Train to Santolan in 7 minutes.

ang malas talaga. at ako’y nag-antay nang nag-antay. naramdaman kong may nakatitig sa dala-dala kong bag. ano ba? kasama ba siya. di siguro; hindi sila tumatanggap ng matatabang matanda. kailangan nila ng mabilis. pero, malakas talaga yung pakiramdam ko. kaya iniwasan ko siya. binasa ko yung mga bawal sa lrt. bawal ang food and drinks. bawal ang mag-videotape sa loob ng station. bawal ang pets sa loob. lumapit-lapit ako sa guard na sigaw nang sigaw sa mga batang lumalampas sa yellow line.

at, dumating din yung bumubusinang tren. sa wakas. pumasok ako dun sa pangalawang cabin. tas napansin kong sinundan ako nung matabang matanda. ngek. puno yung tren. at napansin ko ring may nakasandal sa tabi ng sign na “huwag sumandal sa pinto.” katakot. hinawakan din ng mataba yung pole na hinawakan ko. stalker. yung setting: nasa likod ko siya. so tumalikod ako’t hinarap ko siya. *sabay nag-sign-of-the-cross.* nagdasal din ako ng napakahabang dasal.

*arriving at v. mapa terminal station. paparating na sa v. mapa terminal station
---
*arriving at j. ruiz terminal station. paparating na sa j. ruiz terminal station

oo. umabot dun yung dasal ko. natakot kasi ako eh. pagkalabas ng isang pamilya ay umupo ako sa inupuan nila at tinapos ko yung dasal. katabi ko na naman yung mataba. kainis. hindi niya bang halatang nahahalata ko nang sinsusundan niya ako. wala sakin. ang nilalaman ng bag ko ay yung researches lang. puro hardcopy yan. walang software diyan.
at muli akong nakaramdam ng nagvivibrate sa bulsa. pero di pala akin; sa matabang katabi ko. at sosyal – tinawagan pa siya. samantalang ako, importanteng-importante ang pinag-uusapan ay hanggang text lang. ni hindi siya nagsalita; at aba’y nilipat pa sa kabilang tenga (kung saan mas malayo sakin) yung phone. nakinig lang siya sa sinasabi ng kausap niya.

*arriving at gilmore station. paparating na sa gilmore station.


at nagulat ako nung bumaba siya sa gilmore. akala ko’y stalker talaga. akala ko kasama siya. akala ko’y nanakawin niya yung bag na naglalaman ng mga mahahalagang mga papeles. ang feeling ko talaga. sino naman yung magkakagusto sa mga papeles na iyon. ang boring nun eh. pero nakapagtatakang bigla siyang bumaba pagkatapos niyang pakinggan yung nagsasalita sa cellphone niya. ang masasabi ko lang: kakaiba siya. hindi pa ako nakakita ng taong nag-sisilent ng phone (except yung mga studyanteng katulad ko). at ba’t di man lang siya umoo o huminde sa kausap niya. weird. pero buti na lang at wala na siya. haay! peace at last!

at muling bumalik sa isipan ko yung matandang nagmamalimos sa labas ng 7-eleven. bakit? ba’t di ko man lang siya nabigyan ni piso? sa totoo’y dala-dala ko yung wallet ko, at pwedeng-pwede ko talaga siyang bigyan ng bente kasi hindi naman aabot-trenta yung two-way ride ng lrt. maari ko nga bang maging rason ang pagmamadali? maari ko nga bang maging rason ang pagmamadali sa pag-apak ng kamay niya sa gitna ng ulan at hindi man lang mag-sorry o maghulog ng kahit bentsingko? iskolar ng bayan. tumatanggap ng stipends buwan-buwan. may pribilehiyong mag-aral nang libre ng de-qualidad na edukasyon kahit na nagtratrabaho ang nanay at tatay. at kahit piso wala akong naibigay. nung isang araw lang ay nakahanap si nanay ng sandaan sa sidewalk na tambayan ng mga pedicab. at sa tabi pa yun ng 7-eleven. kung tumayo lamang yung nakahigang matanda at umikot ng 900 sa corner ng 7-eleven at tumingin sa baba’y parang hulog ng langit na iyon. pero sino ang nakapulot ng sandaan? si nanay nung siya’y sasakay pa lamang sa pedicab. kawawa naman yung nahulugan. ang tadhana nga naman.

ano na ang gagawin ko? babalik pa naman ako mamaya ah. sige mamaya. 100.

tas school naman—
*arriving at betty go-belmonte station. paparating na sa betty go-belmonte station

—hmmmm. pisay? ano nga ba ang current events sa pisay? isyung pisay. sus. piket. pinaparesign si RRM. wag na iyon. hayaan mo na yung PSHSEU.
long vacation. sem-break (?). uuwi akong tacloban. kahit anong pilit kong maging excited ay wala rin. sa dami ba naman ng requirements (long overdue: gsk article. shayne_joji article. hindi overdue: lab activity revision. topic proposal sa math4 project. final output ng kythe. PSHSEU article—wala pa ring side ni RRM. ramayana sound committee responsibilities. reaction paper ng “all the president’s men.” review ng “midsummer night’s dream.” ). yun. friday na lang. curse you pisay. arrgh. deh joke lang.

*arriving at araneta center-cubao. paparating na sa araneta center-cubao

feeling niyo siguro ok lang sakin. hindi. mahirap din. lalu na’t ang kasama ko lang ay roommates ko sa dorm pag weekdays. at sa weekends naman ay ang aming tagaluto. si kuya kasi may pasok tuwing sabado. kainis. wala tuloy akong makausap. mabuti pa kayo. kahit sat-sunday lang (for dormers) ay nakakasama niyo pa rin yung mga magulang niyo. pero ganyan talaga. kaya aral na lang ako nang aral. ang boring, diba?

ano ba? ang layo mo na, ben

imemeet ko yung pinsan ko sa katipunan. isa siyang computer programmer. kailangan ko siyang makausap para mafinalize ko na yung research at matapos na rin namin ang kanyang napakahirap na undergrad thesis. kasi gumawa nga siya ng game. tinutulungan ko siya sa storyline. tas tinutulungan ko rin siya partly sa paperwork. so yun, yung game ay isang detective game. ahaha. parang c.s.i. pero mas real-life. eto, gumagamit ng 4D technology, holographic interface na may sense of touch (4th dimension). so yun, nakakatuwa. award-winning to. patapos na siya. pero walang balak yung pinsan ko na bentahin sa market. medyo selfish eh. kasi tinurn-down niya na yung EA games, pero ewan namin kung EA games nga ba yung may pakana ng mga stalkers. kasi may sunod nang sunod sa amin. at pahalata sila ah. akala siguro magbabago yung isip ng pinsan ko.

*arriving at anonas terminal station. paparating na sa anonas terminal station

yun nga. yung paperwork sa bag ko ay sa thesis ng pinsan ko. ang kulit ng matabang stalker. buti na lang bumaba rin sa gilmore. ayun, malapit na sa katipunan. pero hindi ko alam na habang ako’y nag-aantay sa loob ng tren ay marami na ang nangyayari sa labas ng tren. at vrnggfh…vrnggfh.
sa bulsa ko’y muling nagvibrate. pero mas matagal ngayon. himala. tawag. siya na naman.

“bawal makalabas. kanina pa may kababalaghan dito. kasi andaming tao. lahat ng nagsisilabasan ng tren ay di makalabas ng station. bawal kasi eh. alam mo bang may reported—“ *toot. toot. toot* at mas lalo akong kinabahan. tumayo na ako at handang-handa na akong bumaba.

at bumaba yung tren. pababa. underground subway. kakaibang station yung sa katipunan.

*arriving at katipunan terminal station. paparating na sa katipunan terminal station

lumabas ako at nakitang imposible ko yatang mahanap yung pinsan ko sa loob ng limang minuto. andaming tao. sobrang dami. bawal kasing magpalabas. anong meron? malabo. mainit.

may mga jounalist akong nakikita. inquirer. star. manila bulletin. radio stations. at tv stations na rin. kakaiba tong reporting. yung tv station journalists walang kasamang camera-man. o kung may kasama man ay hindi ginagamit yugn camera. oonga naman—bawal. pero wala bang special exceptions.

tas nakita ko rin yung pinsan ko. “oo, dala ko,” sabi ko. “anong meron?” tas kwinento niya sakin:

diba kanina, tinext kitang mag-aantay na lang kami sa terminal, kahit na nakabili na ako ng tiket? sa vending machine, muntik ko nang mawala yung game. doon ay nilapag ko sa sahig noong pumipindot-pindot ako sa vending machine. tas pagkatapos kong makuha yung tiket ay kinuha ko yung briefcase (sa tabi ng vending machines) na naglalaman ng game. pagbukas ko, nakita kong hindi akin. tas nireport ko sa security. sabi nila bomba. yak. red alert tawag agad sa police. tawag agad sa babang guard. wala raw palalabasin.

kung hindi ba naman bobo yung security. malamang nakalabas na yon. o kaya naman ay sumakay na sa tren. tas naalala kong isa tayo sa top na bansang target ng terrorists. katakot. tas naalala ko rin yung guard sa pureza station. hindi niya man lang tiningnan yung laman ng bag ko. tas eto may seryosong bomba. what? sabagay, mas mabuti nang hindi palabasin yung mga tao sa loob. pero hindi rin eh, kasi pano pag biglang sumabog yung bomba….

tas hinanap ko yung briefcase ko. briefcase ko. nanakaw talaga. yung stalker.

ahhh. na-gets ko na. kaya bumaba ng gilmore yung katabi kong mataba. kasi tapos na. nakuha na nila. yun.

tas yun na. tinawagan na kita. tas briefcase ko nawawala. hanggang ngayon.

“baka naman, wala talaga. baka naman naiwan mo sa bahay. baka nandun pa rin sa pureza.”

“hindi wala. alam ko dala-dala ko yun”

tas buti na lang may softcopy siya sa computer. pero baka mamarket ng EA games (kung EA games man yun). eh di nasingko siya sa thesis. kasi plagiarism lang yun. so yun. namroblema siya.
naresolba na rin yung bomb scandal pagkatapos ng ilang oras ng eksaminasyon ng “bomb squad.” lahat ay inenspeksyon paglabas.

at umuwi kaming hindi nag-uusap sa tren. sa pagbaba ay nilabas ko yung 100 na para sa matanda sa 7-eleven. kahit malas kami sa araw na ito ay bibigyan ko pa rin yun matanda. tas may himalang nangyari. ewan naming dalawa pero natuwa kami. naisip naming kapalit ng 100 ay yung unan ng matandang nakahiga. yung unan niyang briefcase. briefcase ng pinsan kong naglalaman ng laro—buti na lang naiwan ng pinsan ko. buti na lang na ginawang unan ng matanda. tas binuksan ng pinsan ko. kumpleto. maswerte rin pa la kami at hindi marunong magbukas ng briefcase yung matanda at tinamad siyang tumayo upang iwan niya yung mga sensilyo. at kami’y sumakay sa pedicab. masayang-masaya. kasingsaya ng matanda. kasingsaya ng araw sa asul na langit.

Monday, October 10, 2005

isang poem para kay joji mendoza

umiikot, umiikot nga ang bolpen mo
nauubos, nauubos na nga ang tinta
wala ka ngang maisulat
sa hawak mong papel.

at sa gitna ng kadiliman ng magulong isipan
naroon ako, naghihintay, nagtataka
bakit ba? ang tagal na.
wala man lang ni isang salita.

at tila bawat tibok
ay may kumakatok
pero hindi ko mahanap ang pinto
nasaan nga ba, saan nga ba ito?

at naghanap ako
naghanap
naghanap
naghanap.

nguni't di ko ito makita.

umiikot, umiikot nga ang bolpen mo
nauubos, nauubos na nga ang tinta
wala ka ngang maisulat
sa hawak mong papel.

nakakabitin yung retreat!

Saturday, September 24, 2005

Naplano ko na. Ang problema ko lang: hindi ako maka-tiempo.

Minsan kasi, may ginagawa kang importante.
Minsan din, hindi kita mahanap.

Bakit nga ba?

Naalala ko rati na ang daming beses na sana'y nagawa ko siya. Pero hindi ko alam kung ba't di ko siya nagawa. Siguro dahil gusto kong perpekto ang pagkagawa ko sa kanya.

Pasyensya ka na sa mga pagkakamali ko.
Pasyensya na rin kung naghihintay ka (saka-sakaling nag-aantay ka).
Pasyensya ka na kung di mo mapansin ang effort ko. Gagawan ko siya ng paraan...
Pasyensya na rin kung minsan ay nag-promise akog mag-tag, pero di ko naman ginawa.
Pasyensya na rin na pinag-papasensya kita.

Salamat nga pala at binabasa mo pa to.

Basta h'wag mo lang akong kakalimutan...

Kailan ko nga ba ito magagawa?

Kailan pa?

Saturday, August 27, 2005

nabasa mo pala...


































































.

Friday, August 19, 2005

ang stupid stupid ko nga. inaamin ko na ako iyon. utang na loob. patawarin mo na ako. naguiguilty tuloy ako. pero hindi ko napigilan ang sarili ko. seryoso ako dun sa tnxt ko. kung pwede lang sana na mabalik yon eh, papalitan ko talaga yung ginawa ko. hindi ko na alam kung ilang mali pa ang magagawa ko.

ginusto kong sabihin iyon personally. pero nga, nahihiya talaga ako. siguro nga bata pa ako. kulang talaga ako sa experience. hindi ko naman masisi yung sarili ko dun sa ginawa ko. weird kasi ang feeling na nararamdaman. meron talagang nag-urge sakin na gawin yun. sorry talaga.

ang mga cellphones ngaun ay tila wala ng silbi sakin. oo nga naman, may point ka. hindi mo nga talaga malalaman kung totoo ang sinasabi ng isang tao sa pamamagitan ng text. pati rin sa tawag. malay mo, may abilidad yung kausap mong ibahin ang voice nya diba? di mo kasi makita eh. pero ganun din eh. kapag nakita mo sya. hindi ka sigurado kung totoo nga ang sinasabi ng tao. pwede rin naman siyang magsinungaling.

pero ang masasabi ko lang hindi ako nagsinungaling dun sa sinabi ko. hindi ko man mapoprove yun ng mga theorems, postulates, o written documents, maaaring maprove ko yon sa pamamagitan ng actions.

malay ko bang ikaw lang ang pwedeng magpost sa blog mo. pwede rin namang ibang tao, diba? pwede rin naman na may ibang taong nakakaalam ng password mo sa blog. pero alam kung ikaw yun. mararamdaman ko kasi kung ibang tao eh.

sorry talaga kung nasaktan ka. kung tutuusi'y ayoko rin namang ipakita ang personal na mga messages sa text. gusto ko rin naman yung actual na sinasabi. pero namiss nga kita talaga noon. hindi talaga ako nabore non. pero namiss lang talaga kita. ganun na ba kabagal ang oras at namiss kita three hours after tayo last nagkita? pasensya ka na, pero mahal lang talaga kita. at hindi to bola.

Monday, May 16, 2005

in richness and in wealth

coldly enslaved by a master of doom
keeping more and more until there's no room
memorized figures of political faces
invisibly dirty palms with messy ridges

clothed in grease with patches of shame
stealing an identity--no fortune, just fame
fame in newspapers, for the vilest of crimes
from poverty, for food; starving almost oftentimes

a cause of grime and a tempting disgrace
of all of the vices: of jack, queen, king, ace
distastefully green and an addictive connection
an epidemic, maybe, of a winner's infection

just the flick of an eye or the snap of the hand
a clairvoyant starts serving the lord of the land
for it's all in the cash to compensate the bill
for so cynical a service; just to live--will kill

the cause of a strong, yellow gravity
is all pride, all shine; all these are not witty
the typical world will be against wealth
with personified greed, of no use: your stealth

suffocated by the enema of disguised evil
verdant infatuation; no glutton ever sufficed
just coldly enslaved by a master of doom
just keeping more and more until there's no room

Sunday, April 17, 2005

A Speck Of Glitter Upon A Canvas Of Black

amidst the darkness and vanity
through the blackhole of despair
lies the vicious vortex of insanity
and the circle of life—truly unfair
chewy grapevines of timeless falsities
wreak havoc amongst countless societies

destined to mingle with personal animosity
among inanimate beings of lifeless stupor
none to comfort you or to satiate curiosity
trapped in silence with only an intimate core

eyes palely blind, loosely sensible
untruthful figures with vague shapes perceived
options so many and decisions are variable
gulled with possessions you never believed

of so ugly a countenance, as always ill-treated
for what is physique, when mean internally
coated by violence, gladly unsheathed
classified by echelon and spit upon doubtlessly

reverberating voices on murder of dignity
no respect whatsoever on reputation and life
of sweat, tears, blood, but none of pity
less love, more hatred, no contentment, full of strife

amidst the darkness and vanity
through the blackhole of despair
lies the vicious vortex of insanity
and the circle of life—truly unfair
light so narrow yet emphasized so bright
reach and grasp that hope and grip it so tight

Sunday, February 20, 2005

Birth of the Brightest Nightsky

Half-informed of lessons still
Yet fresh and pure in mindfulness
For the sleight of hands could do some work
Uncertain of options; of which is less

Stuck with the blues in the great abyss
All a-waiting for the barrier to break
While a-waiting, the sound of silence—
Whispering voices from the chasms shake
Opinionated, they may seem to be
But listen well and follow your heart
Of what is right, and what you see
With steadfast decisions, we’ll be stalwart

Make a decree and be all-glorious
For not of evil should you be sealed
Rightful guardians that help you choose
From them, the right path revealed

Traverse that path and look around you
And just look; don’t go away
Direct your thoughts and emotions, too
To make your mark with your own way
Above the stars and into the light
But never forget to look behind
Of what you left in dark and night
Doubtlessly sure of a made-up mind

Half-informed of lessons still
Yet fresh and pure in mindfulness
For vibrant spirits must never kill
Of true success and a fiasco’s mess