habang nakasakay sa lrt mula pureza hanggang katipunan at nagmumuni-muni ng mga nakaraan, mga nangyayari, mga mangyayari, at mga kailangang mangyari
"manong, dito lang, po!"*sabay bigay ng singko sa mamang pedicab driver*
umuulan na naman. sa mga ganitong oras araw-araw ay paminsan-minsan lang ang mga tahimik na mga pagpatak.
bwiset! 'ala akong dalang payong
bumaba ako na may dala-dalang itim na backpack, na kahit mukhang hindi puno, ay masakit sa mga balikat. mabilis akong nagtungo paloob ng 7-eleven. doon ay nagulat ako nung habang nag-good-afternoon-sir—welcome-to-7-eleven yung guard ay nagvibrate yung bulsa ko.
1 new message
unlock
pagkatapos ay naisip kong onga pa la. kailangan kong magmadali.
patakbo akong lumabas at muntik ko nang mapatumba yung babaeng papasok. sa labas ay nagtampisaw at sa bilis ay naapakan ko pa yung kamay nung nakahiga sa bangketa.umiiling-iling pa yung kaawa-awang matanda. at doon ay nakita kong nakabukas ang kanyang marungis na palad habang yung isang kamay ay tinatakpan yung latang nagpapaloob ng kanyang mga tigbebentsiko’t pisong mga alaga. aba’y buti pa yung mga sensilyo ay may bubong. kaming mga tao ay tinatanggap ang mga lungkot na di-sadyang dinaranas. yung tanging komportableng parte ng matanda ay yung ulo. may mabait na nagbigay ng briefcase. ito yung unan niya (kahit matigas). habang yung matanda ay nanginginig sa lamig ng ulan, yung mga barya ay tagung-tago sa umipong galit ng langit.
ano ba? bilis.
at muling nagtungo sa kung saan ako dapat papunta. sa terminal ay walang kwentang pinabayaan lang ng guard na nakasara yung bag ko habang ako’y papasok. kunwari’y may inspeksyon, pero di rin naman pa la binuksan yung bag ko. huh?
ano ba naman ‘to? sana’y sinabihan ko na lang yung matandang nakahiga sa bangketang mag-apply bilang inspection guard sa lrt station, kasi siguro naman hindi kailangan ng educational degree yung pagtitig sa mga dalang gamit ng mga pasahero…. sa taas ay kaagad akong nagtungo sa ticket vending machine.
katipunan
argh. nagvibrate na naman yung phone ko. ay onga. hindi ko pa nababasa yung message kanina.
tas yung bago:
lagot. nandun na raw sila. baka manakaw pa yung file. kailangan ko na talagang magmadali.
argh. shocks. sa taas ay ang may marquee:
ang malas talaga. at ako’y nag-antay nang nag-antay. naramdaman kong may nakatitig sa dala-dala kong bag. ano ba? kasama ba siya. di siguro; hindi sila tumatanggap ng matatabang matanda. kailangan nila ng mabilis. pero, malakas talaga yung pakiramdam ko. kaya iniwasan ko siya. binasa ko yung mga bawal sa lrt. bawal ang food and drinks. bawal ang mag-videotape sa loob ng station. bawal ang pets sa loob. lumapit-lapit ako sa guard na sigaw nang sigaw sa mga batang lumalampas sa yellow line.
at, dumating din yung bumubusinang tren. sa wakas. pumasok ako dun sa pangalawang cabin. tas napansin kong sinundan ako nung matabang matanda. ngek. puno yung tren. at napansin ko ring may nakasandal sa tabi ng sign na “huwag sumandal sa pinto.” katakot. hinawakan din ng mataba yung pole na hinawakan ko. stalker. yung setting: nasa likod ko siya. so tumalikod ako’t hinarap ko siya. *sabay nag-sign-of-the-cross.* nagdasal din ako ng napakahabang dasal.
*arriving at v. mapa terminal station. paparating na sa v. mapa terminal station
---
*arriving at j. ruiz terminal station. paparating na sa j. ruiz terminal station
oo. umabot dun yung dasal ko. natakot kasi ako eh. pagkalabas ng isang pamilya ay umupo ako sa inupuan nila at tinapos ko yung dasal. katabi ko na naman yung mataba. kainis. hindi niya bang halatang nahahalata ko nang sinsusundan niya ako. wala sakin. ang nilalaman ng bag ko ay yung researches lang. puro hardcopy yan. walang software diyan.
at muli akong nakaramdam ng nagvivibrate sa bulsa. pero di pala akin; sa matabang katabi ko. at sosyal – tinawagan pa siya. samantalang ako, importanteng-importante ang pinag-uusapan ay hanggang text lang. ni hindi siya nagsalita; at aba’y nilipat pa sa kabilang tenga (kung saan mas malayo sakin) yung phone. nakinig lang siya sa sinasabi ng kausap niya.
*arriving at gilmore station. paparating na sa gilmore station.
at nagulat ako nung bumaba siya sa gilmore. akala ko’y stalker talaga. akala ko kasama siya. akala ko’y nanakawin niya yung bag na naglalaman ng mga mahahalagang mga papeles. ang feeling ko talaga. sino naman yung magkakagusto sa mga papeles na iyon. ang boring nun eh. pero nakapagtatakang bigla siyang bumaba pagkatapos niyang pakinggan yung nagsasalita sa cellphone niya. ang masasabi ko lang: kakaiba siya. hindi pa ako nakakita ng taong nag-sisilent ng phone (except yung mga studyanteng katulad ko). at ba’t di man lang siya umoo o huminde sa kausap niya. weird. pero buti na lang at wala na siya. haay! peace at last!
at muling bumalik sa isipan ko yung matandang nagmamalimos sa labas ng 7-eleven. bakit? ba’t di ko man lang siya nabigyan ni piso? sa totoo’y dala-dala ko yung wallet ko, at pwedeng-pwede ko talaga siyang bigyan ng bente kasi hindi naman aabot-trenta yung two-way ride ng lrt. maari ko nga bang maging rason ang pagmamadali? maari ko nga bang maging rason ang pagmamadali sa pag-apak ng kamay niya sa gitna ng ulan at hindi man lang mag-sorry o maghulog ng kahit bentsingko? iskolar ng bayan. tumatanggap ng stipends buwan-buwan. may pribilehiyong mag-aral nang libre ng de-qualidad na edukasyon kahit na nagtratrabaho ang nanay at tatay. at kahit piso wala akong naibigay. nung isang araw lang ay nakahanap si nanay ng sandaan sa sidewalk na tambayan ng mga pedicab. at sa tabi pa yun ng 7-eleven. kung tumayo lamang yung nakahigang matanda at umikot ng 900 sa corner ng 7-eleven at tumingin sa baba’y parang hulog ng langit na iyon. pero sino ang nakapulot ng sandaan? si nanay nung siya’y sasakay pa lamang sa pedicab. kawawa naman yung nahulugan. ang tadhana nga naman.
ano na ang gagawin ko? babalik pa naman ako mamaya ah. sige mamaya. 100.
tas school naman—
*arriving at betty go-belmonte station. paparating na sa betty go-belmonte station
—hmmmm. pisay? ano nga ba ang current events sa pisay? isyung pisay. sus. piket. pinaparesign si RRM. wag na iyon. hayaan mo na yung PSHSEU.
long vacation. sem-break (?). uuwi akong tacloban. kahit anong pilit kong maging excited ay wala rin. sa dami ba naman ng requirements (long overdue: gsk article. shayne_joji article. hindi overdue: lab activity revision. topic proposal sa math4 project. final output ng kythe. PSHSEU article—wala pa ring side ni RRM. ramayana sound committee responsibilities. reaction paper ng “all the president’s men.” review ng
*arriving at araneta center-cubao. paparating na sa araneta center-cubao
feeling niyo siguro ok lang sakin. hindi. mahirap din. lalu na’t ang kasama ko lang ay roommates ko sa dorm pag weekdays. at sa weekends naman ay ang aming tagaluto. si kuya kasi may pasok tuwing sabado. kainis. wala tuloy akong makausap. mabuti pa kayo. kahit sat-sunday lang (for dormers) ay nakakasama niyo pa rin yung mga magulang niyo. pero ganyan talaga. kaya aral na lang ako nang aral. ang boring, diba?
ano ba? ang layo mo na, ben
imemeet ko yung pinsan ko sa katipunan. isa siyang computer programmer. kailangan ko siyang makausap para mafinalize ko na yung research at matapos na rin namin ang kanyang napakahirap na undergrad thesis. kasi gumawa nga siya ng game. tinutulungan ko siya sa storyline. tas tinutulungan ko rin siya partly sa paperwork. so yun, yung game ay isang detective game. ahaha. parang c.s.i. pero mas real-life. eto, gumagamit ng 4D technology, holographic interface na may sense of touch (4th dimension). so yun, nakakatuwa. award-winning to. patapos na siya. pero walang balak yung pinsan ko na bentahin sa market. medyo selfish eh. kasi tinurn-down niya na yung EA games, pero ewan namin kung EA games nga ba yung may pakana ng mga stalkers. kasi may sunod nang sunod sa amin. at pahalata sila ah. akala siguro magbabago yung isip ng pinsan ko.
*arriving at anonas terminal station. paparating na sa anonas terminal station
yun nga. yung paperwork sa bag ko ay sa thesis ng pinsan ko. ang kulit ng matabang stalker. buti na lang bumaba rin sa gilmore. ayun, malapit na sa katipunan. pero hindi ko alam na habang ako’y nag-aantay sa loob ng tren ay marami na ang nangyayari sa labas ng tren. at vrnggfh…vrnggfh.
sa bulsa ko’y muling nagvibrate. pero mas matagal ngayon. himala. tawag. siya na naman.
“bawal makalabas. kanina pa may kababalaghan dito. kasi andaming tao. lahat ng nagsisilabasan ng tren ay di makalabas ng station. bawal kasi eh. alam mo bang may reported—“ *toot. toot. toot* at mas lalo akong kinabahan. tumayo na ako at handang-handa na akong bumaba.
at bumaba yung tren. pababa. underground subway. kakaibang station yung sa katipunan.
*arriving at katipunan terminal station. paparating na sa katipunan terminal station
lumabas ako at nakitang imposible ko yatang mahanap yung pinsan ko sa loob ng limang minuto. andaming tao. sobrang dami. bawal kasing magpalabas. anong meron? malabo. mainit.
may mga jounalist akong nakikita. inquirer. star. manila bulletin. radio stations. at tv stations na rin. kakaiba tong reporting. yung tv station journalists walang kasamang camera-man. o kung may kasama man ay hindi ginagamit yugn camera. oonga naman—bawal. pero wala bang special exceptions.
tas nakita ko rin yung pinsan ko. “oo, dala ko,” sabi ko. “anong meron?” tas kwinento niya sakin:
kung hindi ba naman bobo yung security. malamang nakalabas na yon. o kaya naman ay sumakay na sa tren. tas naalala kong isa tayo sa top na bansang target ng terrorists. katakot. tas naalala ko rin yung guard sa pureza station. hindi niya man lang tiningnan yung laman ng bag ko. tas eto may seryosong bomba. what? sabagay, mas mabuti nang hindi palabasin yung mga tao sa loob. pero hindi rin eh, kasi pano pag biglang sumabog yung bomba….
ahhh. na-gets ko na. kaya bumaba ng gilmore yung katabi kong mataba. kasi tapos na. nakuha na nila. yun.
“baka naman, wala talaga. baka naman naiwan mo sa bahay. baka nandun pa rin sa pureza.”
“hindi wala. alam ko dala-dala ko yun”
tas buti na lang may softcopy siya sa computer. pero baka mamarket ng EA games (kung EA games man yun). eh di nasingko siya sa thesis. kasi plagiarism lang yun. so yun. namroblema siya.
naresolba na rin yung bomb scandal pagkatapos ng ilang oras ng eksaminasyon ng “bomb squad.” lahat ay inenspeksyon paglabas.
at umuwi kaming hindi nag-uusap sa tren. sa pagbaba ay nilabas ko yung 100 na para sa matanda sa 7-eleven. kahit malas kami sa araw na ito ay bibigyan ko pa rin yun matanda. tas may himalang nangyari. ewan naming dalawa pero natuwa kami. naisip naming kapalit ng 100 ay yung unan ng matandang nakahiga. yung unan niyang briefcase. briefcase ng pinsan kong naglalaman ng laro—buti na lang naiwan ng pinsan ko. buti na lang na ginawang unan ng matanda. tas binuksan ng pinsan ko. kumpleto. maswerte rin pa la kami at hindi marunong magbukas ng briefcase yung matanda at tinamad siyang tumayo upang iwan niya yung mga sensilyo. at kami’y sumakay sa pedicab. masayang-masaya. kasingsaya ng matanda. kasingsaya ng araw sa asul na langit.
4 comments:
ben,,
ala akong magawa kaya magcocomment ako. wala kang magagawa. haha. comment. haha. halatang alang masulat.
pasenxa kung walang kwenta tong comment na to. wla naman talga akong masabi tungkol sa entry na to.. err,, mahaba? peroaliw basahin. hehe.
uy. di ka na nagkwekwento .yak. ang pangit. NAGKWEKWENTO? nagkuKWENTO? err. mas tama yata yung pangalawa. ANYWAY.
kailangan mo ng mag- update sa kin. hehe. as if required ka talgang mag-update sakin diba? deh. wala lan.
yey. mahaba na tong comment na to. pero kailangan pang habaan. kasi wala lang. wala akong mgawa. nakablog-hop na yata ako sa lahat ng blogs sa link ko. pero di pa rin ako antok.
tas di pa online si jane. poor me. oh anyway.
totoo ba talga tong story na to? seryosong tanong. totoo ba talga to? ang galing naman maxado. pano napunta sa matanda yung briefcase.
hay. ayoko na nga. tama na.
--cecile--
[alangmagawakayanagcommentngmahaba]
ei x_cecile_x,
mag-popost ako ng napakaikling comment. eto na, ang sagot sa lahat ng tanong mo ay DUH!
alam kong alam mo na yung mga sagot sa tanong mo. hindi ko na kailangang iconfirm. okee?
sige, tsugutsugu.
ps. naaliw ako sa deviantart.
nakakatawa naman yung title. nag-ooverlap sa x_cecile_x said...
nakakaaliw
cecile, DUH!
oo na. isa na ako isang malaking DUH. for the first time. naging malaki ako. :)
Post a Comment