SCA post-camp post
uhm. i know it's odd to start an entry with the word "uhm", especially since this entry is for GOD. Ngayon lang ako nakapagpost ng entry for God. Antagal ko nang sinasabi na magpopost ako ng at least an entry for God kasi I have time to make rants about useless stuff like that one time when I posted an image pero I never really offered something about God. "Uhm" kasi di ko alam pano simulan. "Uhm" kasi baka magkamali ako sa mga sasabihin ko. "Uhm" kasi gusto kong maging super galing ng post ko for God.
Firstly, when I heard about the camp I was certain I would be going, but I wasn't really excited about it. Siguro, at first impluwensya lang nina greggy at rayray. Tapos, macoconsume pa yung weekend. Pero, I never doubted na pupunta ako.
More or less 28 lang kaming nag-attend(not sure), pero ang sabi ni mam edulan, "Kahit 28 lang tayo, napupuno naman yung buong gym ng pagmamahal natin kay God." (not verbatim) Yun. ang nagpunta ay sina ate julia, kuya jerome. si greggy, ray2, nico r., jason gaguan, ate dane, hiyas, at tin cangas (at ako). si anthony quitay, si krizelle, si iya, si gabby, si kim (08). tapos, sina kevin roque, jio, gian dapul, jigs, si josh (at kung sino man ang nakalimutan ko). anyway, andami ko nang friends. hah. puro prayer, food, cards at basketbol lang kami sa breaks. hah. naka3-point shots ako. take note: shotS with a capital S.
ang saya niya. pwamis. nag-talk pa nga si kuya obet cabrillas (yung guy sa retreat; yung composer na gumawa ng pang-harana tas basted pa rin). ang saya niya. ngek ang lame. wala akong masabi. eto na.
uhm, Lord. Salamat po na nakapunta po ako ng camp. Salamat at marami po akong natutunan nung camp. Salamat sa lahat ng nagpunta. Salamat kay greggy at ray2; malaki po silang impluwensya. Salamat kay Sir Englats na nagluto ng napakasarap naming pagkain. Salamat kay Father Mon, kay Sir Sepulveda, kay Mam Gilereza (spelled as pronounced yan, di ko alam yung spelling eh), kay Mam Edulan, kay Ate Tin, kay Kuya Obet. Salamat kay Kuya Nilo (tama ba?), yung nag-help saming maglinis at magligpit. Salamat kay Mam Bonifacio, kay Mam Aimee. Salamat ng po sa lahat Lord. Salamat po sa three-point-shot achievements ko. Lord, sana po mas marami na kaming makapunta next time. Salamat din po at bio labrep lang at chem proj yung major requirements next week. Salamat po at nabigyan po Ninyo ako ng pagkakataon na makasama. Salamat sa sleeping bag. Salamat at nagbukas yung dorm.
Patawarin Niyo po ako sa mga kasalanan ko. Sa sloth. Sa extravagance, at iba pa po. Sana po hindi po namin makalimutan ang lahat ng natutunan namin, at hindi lang po namin eto maiapply for the first few days after the camp, but for the rest of our lives po. Lord, i-guide niyo po kami as we rekindle our passion, revitalize our mission, release our potentials, and regain our vision. Tulungan Niyo po yung mga nagugutom sa Africa, at sa kung saan pa man. Kahit po payat ako, I'm sure more people need more food than me. Pagpasensyahan Niyo po Lord na matagal pa before ako nakapagsulat for You. Lord, iaalay ko po ang mga achievements and goals ko for You. Continue to bless us with Your guiding spirit Lord, at sana marami po ang mainspire to live for Christ. Salamat din po pala sa mga friends nung camp. Kahit po kaunting time lang yung nabigay samin to spend with them, i felt safe and secure with them. Madali ko silang nakausap.
I-guide Niyo rin po yung parents ko atsaka yung relatives ko at home. Ang laki pong sacrifices ang ginagawa nila for me and my bro. Salamat din po at nanalo si Rob sa contest atsaka sina kevin gon, eduard at jason dj, kasi po pupunta po sana si Rob sa camp, pero dahil may contest siya, a short while lang siya nandun. Lord, tulungan Niyo po akong maging closer to You. In Jesus' name, I pray. Amen
No comments:
Post a Comment