fact
premise: maniwala ka, hindi ko talaga ginusto na magpost ng ganyang title. pero yan kasi pinakaapt. alam mo yun, ayoko ng opposites kasi di ko naman iniintend. pero apt nga kasi. :))
facts:
1. may pamangkin na ako
2. ikakasal na kuya ko
3. mamumulubi na kami uli
4. lalaki kuya ko, so kami gagastos sa panganganak at pagpapakasal
5. may bahay na ang kuya ko sa alabang
6. lumipat na ng bahay yung kuya ko
7. mag-isa na lang ako dito sa bahay
8. mga magulang ko rin pala gagastos sa bills ng bahay nila sa alabang
9. walang ref sa alabang
10.kakabili lang ng kama para sa alabang
11.may posibilidad na maging caesarian yung magiging asawa ng kuya ko
12.mahal yun
13.hindi ko kinuha yung DOST. sayang, panagdag din pala dapat yun sa panggastos.
14.baka (still hoping) hindi ko maranasan yung naranasan ng kuya ko nung freshman siya. yung bibilhan ng damit dahil walang uniform.
15.baka (still hoping din) hindi na rin ako mabigyan ng bagong phone kahit pinagtiisan ko ng apat na taon tong phone ko.
16.hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa dahil sa kuya ko. ewan ko. sabay-sabay kasi e. nakakainis na nakakatuwa.
17.nagtatampo ako. lahat na lang sa kuya ko. lahat ng attention, gastos, etc. parang di na ako pamilya. gerr. exaggerated i think. pero that's how i feel.