hindi ako naniniwala
hindi ako naniniwala sa mga psych tests na mga yan. hindi ako naniniwala sa numerology, o sa mga tickle tests, o kaya yung mga personality tests. naiirita lang ako lalu pag lumalabas na yung results tas tunog-nagmamarunong yung resulta. tulad na lamang ng "what your name means". ang pointless pointless nun. kasi, ang gagawin mo, itytype mo yung full name mo, tapos, may lalabas na results based dun sa name mo (sa number of letters, vowels, etc.).
inuulit ko, hindi ako naniniwala sa mga ganito. hullo?? papaniwalaan mo ba yung irrational conclusions na ginagawa ng mga astrologists, numerologists, o kaya palm readers?? e san ba nila binase yung conclusions nila?? sa pangalan?? sa mga linya ng kamay?? sa mga tala?!! ang stupid nun. so presumptuous. haha. duh!! bakit mo mas papaniwalaan yung mga test-test na mga yan kesa sa sarili mo? diba? e ni hindi mo nga pinili yung pangalan mo, yung kamay mo!! siyempre yung personality mo, in a sense, di mo rin pinili. parang preset na yun e. pero, still, hindi magdedepend sa kamay mo, o sa mga letra ng pangalan mo, yung personality mo.
duh!! kaya naman, di rin ako naniniwala sa FLAMES o kaya sa love compatibility tests. huh?? ang galing talaga no?? pati chemistry namemeasure na sa pangalan? hullo?? bakit?? siguro naman alam nating lahat na ambabaw babaw ng basis. pangalan?? o kaya naman birthdate? angkorni. tas natatawa akong andaming paniwalang-paniwala sa mga ganun. siguro, ginagawa lang natin siya for fun. oo, kasama yun. pero, huh?? anong makukuha natin. ang sinasabi ko lang, hindi dapat mas paniwalaan yung mga tests na yan. dapat, mas paniwalaan niyo yung mga sarili niyo. hindi por que't yun na yung result e gagayahin mo na. huh? mas malabo to. ano yun? para mag-fit in sa pangalan mo?? hahaha. walang ibang mas nakakaalam ng kung ano ka. duhuh. kaya, hindi ako naniniwala sa mga psych test psych test. bow.
No comments:
Post a Comment