Friday, April 06, 2007

naniniwala ako

pero naniniwala ako sa mga panaginip. naniniwala akong may ibig sabihin ang mga panaginip. kaninang umaga, bago ako nagising, nanaginip ako. sobrang vivid:

may suot akong sapatos. kaso, yung sapatos sa kana't kaliwa ay hindi magkapair. hindi ko maalala kung aling sapatos ang nasa aling paa. pero sure akong magkaiba sila. parehong black. pero, yung isa umiilaw ng pulang ilaw. yung isa naman, umiilaw ng bluish white na ilaw. mas kapansin-pansin yung may pulang ilaw. tapos, hinanap ko yung mga kapares ng dalawang magkaibang sapatos na suot ko. nanghalungkat ako ng mga boxes. search search. kakaiba yung mga shoeboxes sa panaginip ko. hindi sila yung regular na rectangular prisms. may medyo irregular na cylinder na kahong hindi naman talaga oval yung base. bukas. walang laman. basta, ayun. ang nakakatawa ay converse yung brand ng box. e wala naman talaga akong converse na sapatos sa totoong buhay. tapos, isa pang box. hindi rin rectangular. pagkabukas ko, waw, board game. :)) ang galeng. may deck of cards sa taas. tapos, sa wakas, nagising na rin ako.

ang unang pumasok sa utak ko pagkagising ko for some reason ay COMPATIBILITY. ang sapatos na iyon ay magkaiba. naisip kong iapply sa friendship. :)) kasi naman. basta. ang magkaibigan--hindi kailangang magkapareho ng interests, ng ayaw, ng outlook sa buhay, ng perception. pwedeng tahakin ng kanang sapatos ang ibang daan kesa sa kaliwang sapatos. pero, ang mangyayari, hindi sila pwedeng magkahiwalay nang sobra-sobra. merong limits, unless napakagaling magsplit ng paa yung taga-suot; unless si mr. fantastic ang may suot ng sapatos. iimpluwensyahan ng isa ang isa pa. maaari silang magtalo ukol sa kung aling direksyon ang tatahakin. pero, hindi tatagal ay magiging isa lang ang direksyon nila. sabay silang tutungo sa isang direksyon. ang dalawang sapatos ay di kinakailangang magkapareho. ang silbi ng sapatos ay ang pagdala tungo sa isang path. dadalhin ng isang sapatos ang kabilang sapatos. magsasama sila. sa putik, sa semento, sa ulan, sa ice-skating rink, sa sand, sa tae, sa gravel, at sa kung anu-ano pang textures na maiisip mo. one after another, o pwede ring sabay (sa piko). hahaha. ang sapatos, kahit magkaiba, pag iisa ang direksyon, COMPATIBLE pa rin. diba?? agree ka ba? oo, IKAW!!! bwahahahahaha.

ayun, naniniwala ako. naniniwala akong may ibig sabihin ang mga panaginip. naniniwala akong kahit magkaiba ang ating hilig, COMPATIBLE tayo, kaibigan, yeh. bow.

1 comment:

Joji said...

ang galing. :D