pulitika pulitiko
Malapit na ang eleksyon. sa HEROES. hahahaha. kidding. Pero may aaminin ako sa inyo. Wala akong kilala sa mga tatakbong senatoriables bukod kay Pichay, Zubiri, Villar, Angara, Montano, at Gomez. Sa hindi naman senatoriables, tatatlo lang, at yun yung nakikita ko sa neighborhood namin. Si Cita Astals, si Ali Atienza, at si Fred Lim. Anyway, balik sa senatoriables. Astig diba? Isa-isahin natin. Si Pichay for obvious reasons. Si Zubiri, ayy oo, narinig kong siya yung may makapal na makeup sa mga posters. Si Villar, somehow naalala ko siya dahil may nakita akong poster niya. Si Angara naman, yun yung jingle na paulit-ulit na kinakanta ng kuya ko sa kotse. Yung kinanta ni Sarah Geronimo. Si Montano at si Gomez, nakita ko sa mga blog ng tao. Pero, sila lang ang kilala ko. Bakit?? Unang-una, wala kaming cable, so hindi ko talaga binubuksan ang tv namin dito sa Maynila unless magddbd. Pangalawa, buong araw akong nakaharap sa computer, online o kaya nanonood ng heroes, o kaya nagphophotoshop, o kaya nakikinig ng musika. Pangatlo, hindi ako lumalabas unless shooting, may kailangan bilhin, may kailangan gawin, UP purposes. Kapag shooting, madalas umagang-umaga (mga six) ang calltime so nagtataxi ako. At kapag nasa taxi either nakapikit mga mata ko o nakatutok sa metro. So basically di ko rin napapansin yung nasa labas ng kotse bukod sa kalsada. Kapag naman hindi shooting, either LRT, MRT at jeep ang sinasakyan ko. Sa LRT walang makikitang posters. Sa MRT naman, wala rin akong makita. Sa jeep, kinakausap ko lang yung kasama ko so oblivious sakin ang outside world ng jeep. So wala talaga akong alam sa mga pulitiko. Pang-apat, ang totoo'y hindi ko na inaalam. Bakit? Ayokong sabihin na wala akong pakialam sa bansa natin kasi meron. Pero kahit mahal ko ang bansa natin, di ko inaalam yung mga kandidato. Ni hindi nga ako nakanood ng Isang Tanong e. At isa pa, bobo rin pala ako sa geography. Akala ko nga magkalapit lang yung Batangas at Cabite e. :)) oo na, 2.5 hours pa raw ang distansya. whateber. Anyway, ang point ko tila'y wala akong pakialam sa bansa natin dahil hindi ko kilala ang mga kandidato. Pero isa pang rason kung bakit, e di naman ako boboto. Pero kung boboto ako, siguro pinakinggan ko na lahat ng sinasabi nila. Pero nagbibingibingihan talaga ako. Kasi wala namang diperensya sa kung aalamin ko yung kandidato o hindi e. Buti sana kung nakakaimpluwensya ako ng boto diba? Pero duh, sino namang makikinig sa menor de edad na ang best friend ay laptop? Sino naman ang makikinig sa taganood lang ng HEROES, sino namang makikinig sa hindi nanonood ng news? Sino ang makikinig sa katulad kong nagrereklamo, hindi sa pulitika o sa sistema, kundi sa paghihiwalay samin ng kuya ko. Diba? Pero maraming tao diyan na katulad ko. Siguro may mga iilan ding boboto na katulad ko. Na walang pake. Na walang alam sa geography. Na walang alam sa mga balita. Na naiirita sa mga lintik na jingle ng mga kandidatong hindi nilulugar at isinasaoras yung pagtugtog. Isipin mo, natutulog ka, tas ang alarm clock mo ay ang nakaloop na jingle ng mga dumadaan na mga sasakyan dahil malapit sa highway yung tinitirhan mo. At, ang mas nakakairita ay kapag nasa simbahan ka tapos nagmimisa, tapos hindi sila titigil kahit yung mga nasa labas na ng simbahan ay nakatitig sa kanila. Pero hanggang dun lang ang alam ko, siguro kayo, mas may alam. Wala kasi akong pake e. Pero mahal ko ang bansa. Maniniwala ba kayo dun?! Mahal daw ang Pilipinas pero walang pake. :))
Kaya eto, dahil alam kong maraming tao ang nagrereklamo sa mga pulitiko nowadays, ipropromote ko na ang aking sarili. VOTE BEN, dahil wala akong pake. pero dahil mahal ko ang Pilipinas. hahahaa. lahat naman tayo mahal ang bansa diba? Pati mga pulitiko. Lahat sila mahal ang bansa. Duh. Ako rin. mahal ko rin ang Pilipinas. Kaya iboto niyo rin ako. Woohoo.
extro:
wala talaga akong alam sa mga pulitiko. partly dahil hindi ako boboto. partly dahil choice kong wag alamin. doingks. sayang lang sa GB ng utak ko yan. partly dahil hindi naman ako makakatulong.
sana maintindihan niyong wala rin akong napapanood sa tv namin. kaya wala talaga akong alam.
pero eto seryoso, mahal ko ang Pilipinas. duh. lahat naman e. well, except sa mga iilan na talagang nag-iisip na hindi na uunlad pa ang bansa. at siyempre, may pake ako. duh. pano ko mamahalin ang bansa kung wala akong pake.
No comments:
Post a Comment