six weird things / mahal ko ang UP
got tagged by tsitsil and raix. but the thing is, i wanna bend the rules a little. i'm taking the test but not following the directions. the only thing i hate about stuff like these is that the test becomes a virus, infecting more and more as each takes the test. so i'm gonna have to pass the test to these lucky people: ________________, ______________, ________________, ________________, ________________, and _______________. Hope you enjoy them mr. and mrs. blanks!!! because these are really really weird.
ONE
I loved Coke a long time ago! But now, I can't tolerate any softdrinks flooding my digestive tract. blech!! hate the taste.
DALAWA
Nagkaron ako ng nakakatakot na bangungot ngayong fourth year. Pero hindi to sa dorm. Sa bahay to sa Maynila. Ang kakaiba sa bangungot na ito ay parang gising ako. Kalahating gising, kalahating tulog. Alam kong natutulog ako, nakikita ko yung paligid. Nakikita ko yung kabinet sa tapat ng kama. Yung kisame ay kita ko rin. Pero hindi ako makagalaw. At parang hindi rin ako makahinga. Matagal-tagal ding ganito yung nangyari. Nakatingin lang ako sa paligid. Pero alam kong natutulog ako. At pinipilit kong galawin yung kamay ko. Yung ulo ko. Yung katawan ko. Pero ang bigat. Sobrang hindi ko siya magalaw. Hindi ko na alam ang gagawin ko nun. Para akong tinali sa kama. Mabigat. Masikip. Tapos, muntik na akong maiyak. Sa totoo lang, sa loob-loob ko umiiyak na ako. Sumisigaw. Para ba naman akong nakulong diba? Tapos, sobrang desperado na ako at di ko malaman ang gagawin ko. Kaya sumisigaw na ako kay Jesus. Sinisigaw ko yung pangalan Niya. Maraming beses. Gising ako nun. Sigurado ako. Nararamdaman ko e. Pero di ko lang talaga magalaw yung katawan ko. Tapos sigaw ako nang sigaw. Hanggang dun lang yung maalala ko. Naiiyak na ako nun e. Pero pagkagising ko (kasi tulog dapat ako nun), naalala ko yung nangyari. At totoo yun alam ko. Nakarinig na rin ako ng mga kwentong katulad nito kina muy at pito. Pero nung third year pa yun. At noon natatakot talaga akong mangyari sakin yung mga nangyari na rin sa kanila. Pero nangyari rin sakin. Buti na lang, nalagpasan ko rin yun.
TULO
Ha Tacloban han bata pa ako, mahilig ako magkaturog ha kama hit akon nanay nan tatay.
Mayda passage ha butnga hit amon kwarto hit akon kuya nan hit kwarto han akon nanay ngan tatay. Kausa, ginbalhin daw ako balik ngadto hit akon tinuod na kama, matapos ako magkaturog ha ira. Pero, kinabuwasan, nakadto na liwat ako han ira kama. Hit akon paghinumdom, ginyaknan ak nira na naglalakat ako hin nakaturog. Amo, talagsa dire ko nasasabtan na naglilinakat na ngayan ako kay dire man ako nagmamata hit akon pagkiwa.
IKAUPAT
Dile ko kahibalo kun ano gyud ang akong isulat kay dile man gyud ko makahimo ug akong buot ipasabot amo iba-iba an mga yayaknon na nadinhe.
GOH
Tset nang sah sih goh lak tsit poy kaw tsap.
LIU
Ui ur san se wu liu tsih pah tsui shi. Wo te mingtzeh shi lee ming-an.
/
mahal ko ang up. sobra. basta. kung ngayon pa lang naeenjoy ko na siya e pano pa kaya sa parating na apat na taon. kaya melat sa mga hindi nag-up. MEH!! :)) juke. me pangit din sa up. sistema at organisasyon. hahaha. pero pake ko ba, kung iisipin mo rin naman na libu-libo hinahandle nila e mapagbibigyan mo na yung nakataas na kilay, yung "hindi ko alam," yung pasigaw na "That's life. I'm sorry, you have to go back at the end of the line!!!" yung pagpapatayo-upo-tayo-upo nila, at yung tanong ka nang tanong tas eventually di mo rin alam gagawin mo.
pero mahal ko ang up. ngayon pa lang, nararamdaman ko nang ang up ay ang aking tahanan. yeh
masaya ang up. meh Xp
U-Na-I-Ba-E-Ra-Sa-I-Da-A-Da-Na-Ga-Pa-I-La-I-Pa-I-Na-A-Sa
meh. Xp
***
excerpts from "Miss Airlines"
Suriname Airlines: "Here at Sooooooooooooooooooriname Airlines, we are very apologetic. Sooooooooooooooooripo. Sooooooooooooooooooooorilang. Sooooooooooooooooorinah-m."
"The Soooooooooooooriname Airlines know very well your identity. It is our specialty. We know your firstname. your middle name. your soooooooooooooooooooooooooriname."
Tokyo Airlines: "Gay kami, Gay sila, GAY-SIYA!!!"
Ethiopia: *screech*
Borat: "Here at Kazakhstan we value your health, kasi ayaw namin kayong MAZAKHTAN"
*tawatawatawa*
PAL: "MABUHAY!!" shucks. nakalimutan ko na
*babagsak na yung eroplano* "Happy fiesta!!"
ok. bano yung pagkakwento ko. pero magaling talaga yung masscomm. kung gano ako kabano magkwento ng jokes ganun sila kagaling magdeliver nito. ansakit na ng tiyan ko nun. hahahahaha. sobrang galing nila.
No comments:
Post a Comment